Thaira and Xenon's Story

172 57 21
                                    

"You may now kiss the bri----" naputol ang sasabihin ng pari dahil sa isang putok ng baril ang pumailanlang dito sa loob ng simbahan.

Kinabahan ako syempre, at dahil sa lakas ng putok ay napapikit ako. Unti-unti kong idinilat ang aking mata at pinagsisihan kong dumilat pa ako dahil nakita kong nakahilata na ang pari na dapat ay magkakasal sa amin. 'Head shot'.

Pero akala ko tapos na. Nakayakap ako sa mapapangasawa ko nang biglang umalingawngaw ang napakarami at sunod-sunod na putok. Nakakarindi, nakakatakot, nakakakaba, at marami pang iba. Hindi ko na alam kung ano nga bang dapat kong maramdaman dahil sa mga nasasaksihan ko ngayon. Maraming nagsisigawan pero patuloy parin kaming nakatayo ni Xenon sa harap ng altar. Magkayakap at pinakikiramdaman ang mangyayari.

Kasal ko, kasal namin ni Xenon. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito ngayon. Anong kasalanan namin? Paulit-ulit ko nalang bang itatanong pero kahit isa ay wala manlang makuhang sagot?

Umiiyak ako pero hindi ko pinahahalata. Ayokong maging mahina sa harapan ni Xenon. Pinangako kong magiging matatag ako para sa amin.

"Xenon anong nangyayari?" Impit kong tanong habang nakayakap parin ako sa kanya. Puno ng takot ang boses ko pero kinaya ko paring huwag ipahalata.

Hindi pa man nakakasagot si Xenon ay isang malakas na tawa na ang aming narinig. Agad kaming napalingon sa aming likuran. At laking gulat ko na ang lahat ng bisita namin ay wala na. Kokonti lang sila pero nawala pa. Anong kasalanan namin?

Hindi lang 1,2,3,4,5,6,7,8,9 o 10. Marami sila. Lahat ay may hawak na baril. Isa isa nilang itinutok sa amin ang kanilang mga baril. Hindi pwede! Anong gagawin nila? Wala kaming kasalanan!

"HINDI!!!"

--------------------------------♡

"Thaira, gising! Binabangungot ka." Boses ni Xenon ang nagpagising sa akin. Worst nightmare.

"Tubig" iyon na lamang na tangi kong nasabi dahil sobrang pawis ako at uhaw. Para akong naglakbay sa mundo nang walang dalang tubig. Agad naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo para ikuha ako ng tubig.

Naalala ko nanaman ang napanaginipan ko. Hanggang panaginip ba naman guguluhin nila kami? Wala kaming kasalanan.

Dahil ba hitman ang daddy ko? Dahil ba killer ang dad nya? Dahil ba porn star ang mommy ko? At dahil ba bayaran ang mom nya? Yan ba ang dahilan? Kasi wala kaming konektado sa mga gawain nila. Alam kong maraming kasalanan ang nagawa ng mga magulang namin sa lugar na ito. Sa lugar kung saan kami nakatira at puno ng kalbaryo. Kalbaryo maging sa buhay namin o sa ibang taong nakatira dito. Pero sapat na ba 'yun na dahilan para sirain ang aming pag-iibigan? Alam kong hindi. Kasi kahit anong krimen ay wala kaming ginawa ni Xenon. Magulang namin ang may kasalanan ng lahat pero bakit kami ang naaagrabyado? Mismo magulang namin ay itinaboy kaming pareho. Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit galit na galit ang mga tao sa aming dalawa. Hindi ba dapat sa magulang namin? Porket kami ang anak, kami na ang magbabayad ng mga kasalanan nila? Hindi naman tama iyon. Bakit? Dahil takot sila sa mga magulang namin? Anu 'yun? Hindi sila lumalaban ng patas, dahil kami ni Xenon ang puntirya nila. Sa lagay na iyon kriminal narin sila. Araw-araw nila kaming ginugulo. Walang pahinga kung maghiganti. Parang sumpa ang tingin nila samin. Hindi na tama ang nangyayari sa lugar na ito. Siguro ay dapat na kaming umalis dito.

"Eto na" bigay nya ng basong may lamang tubig. At sabay umupo sa tabi ko.

"Maghiwalay na tayo." Ano? Nabingi yata ako.

"Tara matulog na tayo." At humiga na ako. Wala naman akong narinig eh. Kaya matutulog na ko.

"Thaira seryoso ako."

Unbounded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon