Choosing Her

680 16 4
                                    

"He's not gonna make it."

"Yeah well, what's new?" inis na react ni Den. Lumingon sya at natanaw si Alyssa sa may kitchen at nakangiting kausap ang ilan sa mga bisita nito. Binalingan nyang muli si Ella. Den took a deep sigh. "Go, ikaw na magsabi."

"I think she already knows."

Pagkatapos ng mahigit isang oras ay unti-unti nang umaalis ang mga bisita sa birthday party ni Alyssa, hanggang sa silang tatlo na lang nina Den at Ella ang natira.

"Guys, uwi na kayo. Kaya ko na 'to." sambit ni Alyssa.

"It's okay, Ly, tulungan ka na namin ni Den." Ella smiled at her. "Ahm, nga pala. Nag-message ba sa iyo si Kief?"

"Hm? Uhm-"

"As usual, hindi." singit ni Den. "Iyong di nya pagsipot sa mga important events at okasyon, normal na iyon, kaya okay lang kay Alyssa. Sanayan na lang iyan." sarkastiko nitong sagot.

Napangiti si Alyssa at napailing. "Nope, he didn't send any message, pero...ang alam ko may lakad talaga sya ngayon."

Maya-maya'y humarap si Den kay Alyssa. "Umamin ka nga sa 'min, meron pa 'no?"

"Huh? Meron pang alin?"

"Ano pa, e 'di iyong butterflies. Iyong something mo dun kay Kiefer. Huwag ka nang mag-deny, di ka pa naka-move on 'no?"

"Sira ka talaga, Den. Ano bang klaseng tanong iyan?" natatawang tanong ni Alyssa habang pinagpatuloy ang paglilinis.

"Sus! Beh, pinagdaanan ko na iyan. Iyang hitsura mo na iyan, iyang reaksyon mo, iyang kilos mo, nagawa ko na iyan before, saktong-sakto. Ganyan na ganyan. Paano ka ba naman kasi makakaalis dyan sa Five-year-old feelings mo e hindi mo magawang dumistansya sa mokong na iyon."

"Den, pwede ba." si Ella. "They're bestfriends!"

"No, they're not. Tayo ang bestfriend ni Alyssa, si Kiefer, sumingit lang iyon five years ago and since then hindi na huminto sa kaka-epal."

"But they're still friends." katwiran ni Ella. "And no matter how much you feel for someone, if you're friends and you're close and you understand each other in a really special way, you can't just take a step away from that person that easily."

Nakangiti lang si Alyssa habang palipat-lipat ang tingin nya mula kay Dennise papunta kay Ella at pabalik ulit kay Den. HIndi na sya nagreact pa dahil alam nyang matatalo lang sya sa kaibigan. But deep inside, she couldn't help but feel sad and disappointed for a couple of reasons: first, sa hindi pagdating ni Kiefer sa birthday party nya na ito mismo ang nagplano and second, sa realization na tama si Dennise, those stupid feelings are still there, and they were never gone.

"O sya, tama na iyan. baka mag-away na naman kayong dalawa e. Mabuti pa-" Napatigil si Alyssa nang biglang bumukas ang pinto. Sabay-sabay silang tatlong napatingin sa pintuan at nakita si Kiefer pagbukas nito.

"Better late than never." bulong ni Ella.

"Hmp. Late pa rin." bulong naman ni Den.

"Hey." sambit ni Kiefer, saka ito lumapit sa kanila. "Sorry, I missed it." sabi nito kay Alyssa.

"Okay lang. Akala ko ba may lakad ka ngayon?" si Alyssa.

"Maaga natapos." Saka sya nagabot ng isang di kalakihang paper bag kay Alyssa. "Happy birthday." And he gave her an apologizing smile.Alyssa smiled back at kinuha ang bag.

"Thank you. Kumain ka na?"

"Uh, yeah. Hm, may tira pang cake?"

Inayos ni Alyssa ang makalat nan lamesa sa may terrace ng apartment nya. Habang kumakain si Kiefer'y nakatingin naman sya sa dog na stuffed toy na laman ng paper bag na bigay sa kanya ng binata. May suot itong dog tag na may pangalang 'WACKY'. Napangiti sya at binalingan ang kaibigan na mukhang ineenjoy ang mango bravo cake na hinain nya rito.

One Shots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon