Need to be Next to You

703 8 0
                                    

#JiaGuel

---

"And that's it, friends! Thanks for staying with me for three hours of music, stories and thoughts. Tomorrow night, same time, same frequency, alright? Do not miss our episode tomorrow because I have a very special guest and I'm sure matutuwa kayo. And as I say I goodbye I'll be playing my last song for the hour, this is Your Guardian Angel by the Red Jumpsuit Apparatus. Enjoy the rest of the night!"

Pagpindot ng off-air button ni Miguel sabay naman niyang pinlay ang kanta. Inalis na niya ang headset niya't tumayo sa kinauupuan. Lumabas na siya ng control room at tinanguan ang technician na si Carl.

Paglabas niya ng radio room ay nakaslaubong niya si Rex, ang DJ sa susunod na programa.

"Migs!"

"Pare!" binati nila ang isa't isa.

"Uuwi ka na?"

"Hindi pa, may date pa."

"Naks naman! Pang-ilang date mo na iyan this week ah."

"Si mama kasi ang kulit, pinagbibigyan ko lang."

"Good boy ah!" at nagtawanan sila. "Sige, ingat! Enjoy sa date!"

"Salamat, pare!"

Pagbaba ni Miguel sa may parking lot ay binati niya ang guard na naroon saka na niya tinungo ang kotse niya. Pagsaka niya sa driver's seat ay sinilip niya ang oras. Twenty minutes before 8:30, sapat na ang oras niya para makarating sa oras sa lugar kungsaan imi-meet niya ang kanyang ka-date.

Pagdating niya sa isang restaurant sa Makati ay hinatid siya ng waiter sa pina-reserve niyang seat at nagulat siya nang naroon na ang babae. Ngumiti ito sa kanya.

"Hi!" he greeted her with a smile. "Margarita?"

Ngumiti ang babae. "Hi,"

"Wow, uhm I'm so sorry I'm late."

"It's fine, maaga lang talaga ako dumating. Alam ko namang until 8 iyong radio program mo eh."

"Yeah, and medyo naipit pa sa traffic." Tinitigan ni Miguel si Margarita and they started talking and eating.

........................

"How did the date go?" tanong ni Alma kay Miguel, kausap niya ito sa kabilang linya.

"It went well." Sagot naman ng binata. Habang nasa tainga ni Miguel ang cordless phone ay abala naman ang mga kamay niya sa paghahalo ng cake mixture na nasa isang medium sized bowl.

"You liked her?" asked Alma.

"She's nice."

"Don't you have anything else to say besides 'she's nice'? bakit ba wala kang nagugustuhan sa mga nirereto ko sa iyo?"

"Ma, stop being a matchmaker, okay? Iyong kanina,that's my last blind date okay?"

"But-"

"Starting tomorrow, I'll be going out with Mich."

"Mich? Iyong anak ni Edwin?"

"Yup! So, I'm done with your blind dates because I will be having a real date with someone simula bukas."

"That is nice! Mabuti naman ano, Mich is a very very nice girl. Hindi ko lang siya sineset up sa iyo kasi ang alam ko may boyfriend siya."

"Wala na sila, ma, matagal na rin. I'm actually baking a cake for her now. Maaga kasi kami magkikita bukas, pupuntahan ko siya sa ballet class niya."

"So sweet! Alright, ibababa ko na 'to, para magawa mo iyan nang maayos. Balitaan mo 'ko bukas ah!"

"I will, ma. Goodnight! Bye."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon