TIED

946 1 0
                                    

#MieFer


-- 

Look!" Nakangiting ipinakita ni Baby ang dalawang bagong neck tie na kasama nyang binili sa department store nang magpunta sya ng mall.

"Dad hates neckties." Sambit ni Mika.

"But Kiefer loves them." Naaglaho ang ngiti ni Mika. Inabot sa kanya ng mama nya ang dalawang necktie kasama ang paperbag kung saan inilagay ang mga ito. "Ikaw na magbigay ng regalo ko kay Kief, ha."

Hindi sumagot si Mika at tinignan lang ang dalawang kurbata na kapwa kulay blue, mas light lang ang isa, "Sure, ma." Sagot niya.

"Miks? May problema ba?" tanong ni Baby. "May problema ba kayo ni Kiefer ?"

Napatingin si Mika sa ina. Hindi sya sumagot at nagbaba na lang ulit ng tingin.

Nakaupo si Kiefer sa bed nya't diretsong nakatingin sa repleksyon ng sarili sa salaaming nakatapat mismo sa kanya. Kanina pa siya nasa ganoong posisyon at hawak ang cellphone nya. Napatingin sya sa phone niya at sa wallpaper nito. Saka sya lumingon sa may kanang bahagi ng kuwarto niya at minasdan ang koleksyon nya ng mga necktie. And then he look down at his phone again. Huminga sya nang malalim saka na tumayo at lumabas ng silid niya.

Palabas na sya ng bahay nang marinig nyang nag-aaway ang parents niya.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan!" sambit ni Bong kay Mozzy.

"At ako ba, iniintindi mo?! Pagod na 'ko Bong! Lagi na lang tayong ganito!"

"Alam mong may pinagdadaanan ako ngayon, Mozz, bakit ba parang ang hirap sa iyo na-"

"Ikaw na lang ba lagi ang dapat na iniintindi? Ha?! Pa'no naman ako? Nahihirapan na rin ako!"

"Ano'ng gusto mong mangyari? Tapusin na 'to?!"

"Iyon din ang gusto mo diba?!"

"Fine! Bibitaw ka na? ayaw mo-" Napatigil si Bong nang mapansin niyang naroon si Kiefer at nakikinig sa kanila. Lumingon si Mozzy at nakita rin ang anak. "Kief."

Tahimik na lumapit sa kanila ang binata, "Mika and I...are breaking up today." Kapwa napatitig si Bong at Mozzy sa anak. "She didn't tell me, I didn't ask. But I have this feeling na...we'll finally do it." Hindi nagsalita ang mag-asawa at nakatingin lang kay Kiefer . "I'm to ask you, how will you let go of someone you love so much? What will I say? How will I smile at her? Or how will I cry? How will I do it? But I guess, you won't be able to give me some answers." Napababa ng tingin si Bong. Saka tahimik na tumalikod si Kiefer at tuluyan nang umalis.

"Hi."

Mahinang natawa si Kiefer nang salubungan sya ng ngiti ni Mika pagdating nya sa meeting place nila. They're in their most favorite place, the old bench in front of their favorite coffee shop.

"What?" tanong ni Mika.

"I hate it when you smile like that." Sagot ni Kiefer pag-upo niya sa tabi ni Miks.

"You're late."

"Para maiba naman. You're always late."

Natawa din si Mikaat kapwa sila tumingin sa lumang coffee shop na isinara na nang mismong araw na iyon. "Binenta na ng may-ari." Sabi ni Mika.

"I will miss being in that creepy coffee shop." Natawa si Mika at napatingin sa binata. "I will miss being here with you." Biglang sunod ni Kiefer. Otomatikong napatigil si Mika. "I will miss you."

Matagal na nakatingin si Mika kay Kiefer. And then she realized he knew it already. They both knew it. Inabot ni Mika ang paperbag sa binata. "Pinabibigay ni mama."

One Shots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon