iv.

85 3 1
                                    

"Our lesson for today is about..." Paninimula ng professor niyo pero hindi ka nakikinig sa mga sinasabi niya. Hindi mo alam kung timatamad ka o wala ka lang talagang interes na makinig na discussion ngayon.

Dahil sa pinakalikuran ko naman nakaupo at sa pinakadulo pa, sinalapak mo nalang ang earphones mo sa tenga mo at nakinig nalang sa mga kanta ng EXO. Itinodo mo ang lakas ng volume. Kasalukuyan mong pinapakinggan ang What If nila, sinabayan mo pa ng pagtingin sa bintana para mas maramdaman mo ang pagdrama mo.

Naiinis ka kasi, naging usapan nanaman kanina sa klase niyo ang OJT sa Korea. Naalala mo nanaman tuloy ang sinabi ng mama mo, ayaw ka niyang payagan na magOJT sa Korea dahil masyado daw itong malayo.

Nakakainis! Hindi ko naman kasi choice 'to eh. Sila yung pumili nung bansa hindi ako! At isa pa, 20 naman na ako at kaya ko na ang sarili ko.

At isa pang dahilan ng ikinaiinis mo ay ang concert nila sa susunod na buwan, ayaw ka din nila payagan doon. Lalo na ang mama mo. Pero sabagay hindi pa naman nila alam na nakabili ka na ng ticket. Baka pagnalaman nila, magbago din ang isip nila kasi wala na silang magagawa.

Sinabayan mo ang kanta. Bukod sa Don't Go at Angel, ito ang isa pang kanta na nakakapagpaiyak sa'yo. Ang tindi din kasi ng english translated na lyrics nito eh, ang sakit sa puso. Tungkol kasi siya sa lalaking nagkagusto sa babaeng may boyfriend na pero hindi magawang magalit nung lalaki sa boyfriend nung babae kasi napapasaya naman daw ni boyfriend yung babae.

Ilang minuto pa ang lumipas pero nakatingin ka pa din sa labas ng bintana, pakiramdam mo ang ay magkaka-stiff neck ka pa dahil dito eh. Pero hindi nagtagal ay nakaramdam ka ng kakaiba, na parang may nakatingin sa'yo. Tumingin ka sa paligid at hindi ka nga nagkakamali dahil lahat sila ay nakatingin sa'yo, kasali na doon ang professor niyo.

Tinanggal mo ang earphones mo at doon naman siya nagsalita, tinawag niya ang pangalan mo.

"Mukhang busy ka jan sa ginagawa mo, hindi mo man lang narinig na tinatawag na kita." Mataray na sabi sa'yo ng prof niyo. Tumingin ka sa paligid at lahat sila ay nakatingin pa din sa'yo.

"S-sorry po." Paghihingi mo ng paumanhin, itinuloy na din niya ang pagturo. Nakinig ka na din dahil mahirap na, baka tawagin ka nanaman niya ulit.

***

Dumating ang lunch break at agad ka naman hinila ng kaibigan mo papunta ng canteen. Nakaupo kayo ngayon sa bandang dulo ng canteen, hindi naman karamihan ang tayo dito ngayon kaya hindi kayo nahirapan sa pagbili ng pagkakn niyo.

"Ano ba nangyari sa'yo kanina at tulala ka?" Tanong niya sa'yo kaya naman napatingin ka sa kanya.

"Wala. Nakakainis lang kasi, tutol si mama sa pagOJT sa Korea." Tamad na sagot mo naman sa tanong niya.

"Hala. Eh paano 'yon? Sa susunod na buwan na 'yon ah." Sabi naman niya.

"Hindi ko alam. Bahala na akong gumawa ng paraan, papayag din naman siguro 'yon."

Nagusap pa kayo ng konti. Kung saan saan na napunta ang paguusap niyo. Mula sa OJT, napunta sa comeback ng group na iniistan niya, sa concert ng EXO sa susunod na buwan, sa mga plano niyo pag nakagraduate na kayo, hanggang sa pagiging fangirls niyo.

May isa pa kayong subject na kailangan niyong pasukan at pagkatapos non ay pwede na kayong umuwi. Mabilis natapos ang klase at eto ka na ngayon, nakasay na sa taxi pauwi sa bahay niyo.

Oh Sehun's FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon