xiii.

40 3 1
                                    

Nakaupo ka ngayon mag isa sa harapan ng mesa. Halos patapos na din ang training niyo ngayong araw. Yung mga kasama mo, hindi mo alam kung saan nagpunta. Maaga lang ang tapos ng training niyo ngayon kaya maaga kayong makakauwi ngayon. Tumingin ka sa wrist watch mo para tignan kung anong oras na ngayon. Napabuntong hininga ka nalang nang makitang may ilang minuto pa bago maguwian, kailangan mo pa maghintay ng ilan pang minuto. Ngayon ka kasi sana maghahanap ng trabaho, mabuti nalang at maaga uwian niyo.

Hindi mo pa nasasabi sa kaibigan mo ang balak mo, mamaya palang siguro. Dumating na ang oras ng uwian niyo, lumapit ka sa kaibigan mo na hindi naman kalayuan ang pwesto sa'yo. Binati ka naman niya pagkalapit mo sa kanya.

"Bes." Sabi mo sa kanya.

"Huy, nagaaya sila mamaya. Labas daw tayo. Sama ka?" Pagaaya niya sa'yo pero umiling ka.

"Hindi na muna. Sa susunod nalang siguro ako sasama." Pagtanggi mo. Sandali naman kumunot ang noo niya.

"Bakit? May nangyari ba?" Tanong niya sa'yo kaya umiling ka naman.

"Wala naman. May pupuntahan lang ako." Sagot mo dito. Tumango naman siya sa'yo bilang sagot.

"Sige, alis na ako ha. Kita nalang tayo mamaya sa apartment." Paalam mo sa kanya. Kinuha mo na ang mga gamit mo at umalis na.

Umuwi ka muna sa apartment niyo para makaligo sandali dahil pakiramdam mo ay nanlalagkit ka. Nakakahiya naman kung magaapply ka sa trabaho tapos ganito sa itsura mo. Baka hindi ka pa man dib naiinterview eh hindi ka na agad tanggap.

Pagkatapos mong maligo ay nagbihis ka agad. Simpleng tshirt at black pants lang pero maayos ka naman tignan. Kinuha mo na lahat ng kakailanganin mo at umalis na ng apartment niyo.

Nang makasakay ka ng taxi, inilabas mo sa bag mo ang listahan ng mga balak mong pagapply-yan habang nandito ka.

"Coffee shops, fast food restaurants..." Bulong mo sa sarili mo habang binabasa mo lahat ng nakalagay sa listahan mo.

Inuna mong sumubok sa isang coffee shop, pero wala daw bakante. Sinunod mo naman ang fast food restaurants, pero may balat ka ata sa pwet dahil pakiramdam mo ang malas malas mo. Wala din daw kasi silang bakante. May nai-hire na daw sila nung isang araw.

Lumabas ka sa fast food restaurant ng bagsak ang balikat. Masakit na ang mga binti't paa mo sa kakatayo, gutom na gutom ka na din. Pabagsak kang naupo sa pavement at tumingin tingin sa paligid mo. Doon mo lang napansin na madilim na din pala. Tinignan mo ang oras mo, 6pm na pala non. Apat na oras ka na din palang palakad lakad kaya pala sobrang sakit na ng binti mo.

Muli mong kinuha yung listahan mo sa bag mo. Inis kang napairap nung wala ka man lang napasukan sa mga nakasulat sa listahan mo.

May balat nga siguro ako sa pwet.

Ibabalik mo na sana sa bag mo yung listahan nang hanggang sa dumapo ang mata mo sa pinakahuling nakasulat sa listahan mo. Pumikit ka sandali at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"SM Ent." Bulong mo sa sarili mo.

Ang tapang naman ata ng hiya ko at may balak pa akong magapply doon.

Ibinalik mo sa bag mo yung papel at bumuntong hininga.

"As if naman na matatanggap ako don pag sinubukan kong magapply, 'di pa nga ako nakakagraduate eh. 'Di ko nga alam bakit ko pa sinulat sulat 'yun eh." Inis na sabi mo sa sarili mo habang nakakunot ang noo mo.

Tinitignan ka na ng mga dumadaan. Nasa  public ka kasi kaya madami pang tao. Baka naweweirdo-han na sila sa'yo kasi kinakausap mo yung sarili mo.

Ilan pang sandali, biglang lumambot ang expression ng mukha mo.

"Wala naman sigurong mawawala sa 'kin pag sinubukan ko diba? At saka try lang naman. Wala na akong mapuntahan eh." Pagkontra mo sa una mong sinabi kanina.

Huminga ka ng malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo. Pumara ka ng taxi at sinabing sa SM Ent ka pupunta.

Nung nakarating ka na sa harap mismo mg building ng SM Ent, pakiramdam mo natuod ka sa kinatatayuan mo kasi hindi ka makagalaw. Nung matauhan ka na, dahan dahan kang naglakad papunta sa main entrance. Nanginginig kang pumasok doon at nilapitan ang nasa front desk. Napaangat naman ng tingin sa'yo yung babae na nasa front desk nang mapansin niyang nandon ka. Ngumiti siya sa'yo at agad kang binati.

"Annyeonghaseyo, ma'am. Ano po ang kailangan nila?" Tanong sa'yo nito.

Mabuti nalang at marunong ka magkorean kaya naiintindihan mo lahat ng sinabi niya.

"Magtatanong po sana ako kung may b-bakante pang trabaho dito?" Kinakabahan na tanong mo dito.

Sandali ka nitong tinignan at saka muling ngumiti.

"Maam, you'll have to talk to our boss about that." Sabi nito. "Let me lead you to his office."

Sumunod ka naman sa kanya, pagkadating niyo doon ay agad mong nakita ang isang lalaki na nakaupo sa swivel chair. Pinaupo ka nito sa upuan na katapat ng mesa niya at sinunod mo naman ang sinabi niya.

"What brought you here, miss?" Seryosong tanong nito sa'yo. Lumunok ka naman dahil sa kaba mo, ang intimidating kasi ng dating nung lalaking kaharap mo. Nasa mid 50s na siguro siya.

"Nagbabakasakali lang po ako kung may bakante pa po kayo dito." Mahinang sagot mo sa kanya.

"So you're looking for a job." Tumango ka naman,

"Joesonghamnida, I'm afraid we don't have any vacant jobs left--" Hindi na naituloy nito ang sasabihin niya nang may biglang pumasok sa pintuan.

Napatingin naman sa'yo ang bagong dating na lalaki, napansin siguro 'yon ng lalaking kausap mo kanina.

"Manager Youngjun." Tawag nito sa bagong dating na lalaki na nasa likuran mo.

"Ne, sajangnim?" Magalang na sagot nito.

"Sakto ang dating mo. Diba naghahanap ka ng dorm cleaner?" Tanong niya sa lalaki, tumango naman yung lalaki na nakatayo.

"Well, I just found you one." Sabi nito sabay tingin sa'yo. "You'll be working for that man," sabi nito at tinuro ang lalaking nakatayo sa gilid. "As a dorm cleaner. He's one of the managers here in this company. If you have questions, you can ask him." Sabi nito. Tumayo ka na at nagpasalamat sa kanya. Nauna nang lumabas ang lalaki kanina kaya hinabol mo naman siya.

"Ahjuhssi!" Tawag mo dito, huminto naman ito sa paglalakad at tumingin sa'yo. "Kailan po ako magstart magtrabaho?" Magalang na tanong mo sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"Who said you're already accepted?" Sabi naman nito sa'yo, ikaw naman ang kumunot ang noo.

"P-pero sabi po--" Hindi mo na naituloy ang sasabihin mo.

"I haven't interviewed you yet, kahit dorm cleaner ang papasukan mo hindi biro ang mga taong pagttrabahuhan mo." Sabi nito sa'yo. "Meet me at the Seoul Coffee Shop tomorrow for your interview. 6pm sharp." Pagkasabi niya non ay umalis na ito.

Nakaalis na siya pero nakatayo ka pa din sa pwesto mo kanina.

"Aba, ang sungit naman ata non." Sabi mo sa sarili mo.

Hindi mo nalang pinansin at lumabas ka na ng building para makauwi na. Tumawag ka ng taxi at sinabi kung saan ang address mo. Pagdating sa apartment, wala nang tao sa sala. Siguro mga nasa kwarto na yung mga kasama mo. Late na din kasi tapos maaga pa pasok niyo bukas. Umakyat ka na ng kwarto mo at nahiga sa kama mo.

Hindi daw biro yung mga taong pagtatrabahuhan mo, kaninong dorm naman kaya 'yon? Lahat naman ng nasa SM Ent sikat kaya mahirap hulaan.

Nagbihis ka na ng pangtulog at nagpatangay na sa antok mo.

Oh Sehun's FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon