ii.

86 4 0
                                    

"Mama naman, sige na. Payagan mo na ako." Pagpupumilit mo sa mama mo na ngayon ay naghihiwa ng karne para sa lulutuin niya mamayang hapunan.

Sinabi mo na kasi sa kanya na next month na ang OJT mo nung una ay okay lang siya kasi normal naman daw ang pagoOJT pero nung sinabi mo na sa kanya kung saan ka magOJT, doon na nawala sa ulirat ang mama mo.

Tumigil naman siya sa paghihiwa at marahas na lumingon sa sa'yo , nakataas ang isang kilay niya at sa itsura niya na 'yan, alam mong pagbinuksan na niya ang bibig niya, walang humpay na sermon nanaman ang aabutin mo. Yung tipong mala-misa na.

"Naririnig mo ba ang sarili mo anak? Gusto mong sa Korea magOJT? May ideya ka ba kung gaano kalayo 'yun? Dalawang buwan kang magoOJT, dalawang buwan kang mawawala samin tapos gusto mo pa sa Korea?" Pagalit sa'yo ng mama mo.

"Ma naman eh, hindi naman ako yung namili na magOJT doon." Pagmakaawa mo pero mas lalo lang nalukot ang mukha niya.

Kasi naman eh, alam naman ng mama mo na hindi naman talaga ang estudyante ang namimili ng lugar. Pero sabi niya hindi niya daw inaasahan na sa ibang bansa ka pa magoOJT, akal daw niya sa pilipinas lang. Hindi mo alam kung maiinis ka ba o ano. Hanggang ngayon kasi parang bata pa din ang tingin sa'yo ng magulang mo, lalo na ang mama mo.

"Alam ko naman 'yon, anak. Eh kaya lang paano na kung mapaano ka don, sino matatakbuhan mo? Wala naman tayong kamag-anak doon, wala din akong kaibigan na nakatira doon. At saka, foreign country yun anak. Wala kang alam doon. Iba ang pilipinas sa Korea. May nagagawa ka dito na hindi mo pwedeng gawin sa Korea. Hindi mo alam kung paano makipagcommunicate doon."

Ibubuka mo palang sana ang bibig mo para sabihin sa mama mo na kaya mo naman mag salita ng Korean pero wala ka pang sinasabi, agad ka na niyang inunahan.

"At wag mo nang sabihin sa akin na marunong kang magsalita ng lenggwahe nila dahil alam naman natin na konti lang ang alam mo at hindi pa lahat." Sabi niya sa'yo sabay irap.

Parang gusto mong maiyak sa narinig mo sa mama mo. Hindi naman pwedeng hindi ka magOJT dahil lang sa nagaalala sila para sa'yo at hindi nila kayang lumayo ka sa kanila, parang ang unfair naman na ata non.

Umakyat ka nalang sa kwarto mo at hindi na nagsalita pa. Bukas mo nalang sila kakausapin, baka mabago mo pa isip nila.

Agad mong niyakap ang unan mo ng mahigpit at doon inilabas ang sama ng loob mo. Gusto mo lang naman makapunta ng Korea pero ayaw kang payagan ng mama mo.

Hindi ka naman nagagalit sa kanya, naiinis ka lang.

Pagkatapos ng pagddrama mo na 'yon, napagisipan mo nalang na mahiga sa kama mo at magbukas ng Twitter para kahit papaano mabawasan ang inis mo. May fan account ka na dedicated sa EXO, lalo na kay Sehun.

Pagkabukas na pagkabukas mo ng Twitter, parang gusto mo nang ibato sa kung saan ang phone mo dahil lahat ng nasa timeline mo ay nagkakagulo, kanya kanyang pag-spazz. Halos lahat ng finofollow mo ay mga filipino Exo-Ls din, at nakita mong puro tagalog ang mga tweets nila at lahat naka all caps kaya mukhang may seryosong nangyari. Naguguluhan ka kung bakit lahat sila ay nagkakagulo, ano ba ang nangyari habang wala ako?

Nagscroll ka ng konti at nagbasa basa ng ilang tweets para magka-idea sa nangyayari.

"SHET JANUARY 23 AT 24 DAW CONFIRMED NA"

Oh Sehun's FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon