Bea's POV
Hindi parin ako pinapansin ni Jho hanggang ngayon. Balak ko na sana syang suyuin kanina pero hindi ko napigilang magselos nang makita silang magkayap ni Ponggay.
Alam kong nangako akong hindi na pagseselosan si Ponggay pero bakit ganun sila magyakapan? May pakindat kindat pa si Jho sa kanya.
Namimiss ko na din sya, hindi ako sanay na hindi ko sya nayayakap, nakukulit, naasar. Hindi ko parin sya matiis kaya susuyuin ko na sya.
Kinatok ko ang kwarto namin pero hindi nya binuksan.
"Beh?Please open the door." sabi ko pero hindi parin sya sumasagot.
"Jho c'mon kwarto ko din to kaya siguro naman may karapatan din akong pumasok." sabi ko at hindi nagtagal narinig kong inunlock nya ang pinto kaya dahan dahan akong pumasok.
Nakita ko syang nakahiga sa kama nya at nagcecellphone. Ni hindi man lang ako nilingon.
Umupo ako sa kama ko at tinext sya.
To Jhosa💛 : Look at me naman😔
Binaba ko ang cellphone ko at tumingin sa kanya. Maya maya tumingin na din sya sakin.
"Beh ano bang problema? bakit hindi mo ako pinapansin?" sabi ko nang magtama ang mga mata namin.
"Eh ikaw bakit hindi mo ako pinapansin?" tanong nya din tapos umiwas ng tingin.
"Answer me first, ako naunang nagtanong eh." mahinahon kong sabi.
Kahit alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi nya ako pinapansin, gusto ko paring marinig galing mismo sa kanya.
"Wala, matulog ka nalang." sabi nya at tumalikod sakin.
Okay, ako na ang magtatanong.
"Is it because of Ej? Are you je-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla syang humarap.
"Jealous? Ako magseselos? Hindi ah, ang cute nyo nga tignan eh ang sarap kurutin gamit ang nail cutter." sarcastic na sabi nya at lumabas ng kwarto.
What was that? Ni hindi nya man lang ako binigyan ng pagkakatong mag explain.
Haay Jho, hindi mo naman kailangang magselos eh kasi ikaw naman talaga ang mahal ko.
Hinintay kong bumalik si Jho sa kwarto namin pero wala parin kaya nagdisisyon na akong lumabas para hanapin sya.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si ate Ly na mag isang nakaupo sa balcony, naramdaman naman ata nya ang presensya ko kaya nilingon nya ako.
"Oh baby besh hinahanap mo ba si Jho?" tanong ni ate Ly kaya lumapit ako sa kanya.
"Opo ate Ly, nakita mo ba sya?"
"Nasa kwarto namin sya, kausap ni Den."
"Ganun po ba, sige ate Ly akyat na po ako." akmang maglalakad na sana ako pero pinigilan ako ni ate Ly.
"Stay for a while Bei, halika upo ka muna dito." nakangiting sabi nya at tinap ang bakanteng upuan sa tabi nya, sumunod naman ako.
"Spill it out Bei." sabi ni ate Ly pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"Spill what ate Ly?" kunot noong tanong ko.
BINABASA MO ANG
Everything You Are(Jhobea)(COMPLETED)
FanfictionLove was never enough, it takes efforts and Perfect Timing.