Jho's POV
Nakakainis, nakakainis, nakaka.... ay nabutas! Sa sobrang diin ng pagsusulat ko nabutas ang leave ng notebook ko, nagdoodle lang naman ako buong period kasi naman nakakainiiiiisss talaga ang De Leon na yun, napakaharot. Nakuha pang makipagharutan sa babe nya sa mismong harapan ko. Ang arte arte ng Ej na yun eh mas maganda naman ako dun no, pareho lang kaming may braces pero mas bagay naman sakin.
"Urgh bakit ba ako nanlalait? di naman yun tinuro sa GMRC ah." inis na sabi ko sarili pero napalakas pala kaya nakuha ko ang atensyon ng buong klase, lahat sila nakatingin na sakin pati ang prof. Urgh kasalanan mo to De Leon eh.
"What was that Ms. Maraguinot? are you saying something?" mataray na tanong ng prof namin.
Nako patay, anong sasabihin ko? Isip Jhoana bilis.
Ting(tunong ng bright idea)
"Ahh ma'am sorry po, nagmememorize po kasi ako ng sasabihin ko mamaya, sasali po kasi ako sa ano sa debate tama sa debate po." sabi ko at nagngiting aso.
"Really? Well that's great. Everyone tularan si Ms. Maraguinot, very active sa acads, sports at pati rin pala extra curricular. Goodluck btw Ms. Maraguinot." nakangiting sabi ng prof namin.
Oh dibuh? Ang galing ko, hindi na ako napagalitan napromote pa ako. Pero nagdidebate talaga tayo mamaya De Leon, humanda ka sa bagsik ni Jhoana Maraguinot. Ay chenes lang. Alam ko naman kasing hindi ako nanalo sa kapreng yun eh.
"Ay pusang gala!" gulat na sabi ko nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Buti naman at walang nakarinig kung hindi baka hindi na ako makapag isip ng palusot.
Nang tignan ko kung sino ang nagtext, pangalan ni Bea ang nasa screen.
From Beyuuh💙 : Hi beh, wer r u?
Sa puso mo.
Huy konsensya ang harot mo din eno pero gusto ko yun ay hindi pala, inis ako sa kanya diba? Isang text lang bibigay agad?
To Beyuuh💙 : Class, y?
Yan ganyan dapat, manginig ka sa coldness ko Bea.
Agad din akong nakatanggap ng reply, ang bilis ah wala pa yung klase?
From Beyuuh💙: Sunduin kita, sabay na tayo puntang BEG.
Ngayon may nalalaman kang sundo sundo pagkatapos mong makipagharutan sa iba.
To Beyuuh💙: No need. Kaya kong maglakad.
Oh english yun ah, ganyan talaga ako lumalabas mga tinatago kong english sa baol pag galit o naiinis. Taray noh?
Hindi ko na hinintay reply nya dahil in 5 4 3 2 1
"Class dismiss!"
Tapos na ang last subject ko sa araw na to pero training nanaman. Hayy sana hindi bismod ni Bundit kundi pareho na kami, wag nya lang ako pag initan baka mafacial ko sya.
Inayos ko na ang mga gamit ko at naglakad papuntang BEG.
Lakad
Lakad
Lakad
at andito na ako. Nilagay ko na sa locker ang mga gamit ko at nagbihis ng pantraining, andito na din yung teammates ko nagjojogging kaya makikisabay muna ako sa kanila hanggat hindi pa nag uumpisa ang training.
BINABASA MO ANG
Everything You Are(Jhobea)(COMPLETED)
FanfictionLove was never enough, it takes efforts and Perfect Timing.