Jho's POV
Nagising ako dahil naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa may bewang ko, sino ba tong bwesit na to? Ang bigat hindi ako makagalaw. Nang biglang maalala ko, magkatabi pala kaming natulog ni Bea kagabi kaya malamang sa kanya tong paang nakapatong sa bewang ko, ang haba eh parang sa isang kapre.
Dahan dahan kong tinanggal ang paa nyang nakapatong sakin para harapin sya. Himbing na himbing parin sya. Inabot ko ang cellphone ko para tignan ang oras, 5:30am palang 7am pa ang training kaya may oras pa akong pagpantasyahan ang beh ko.hehe
Hinawi ko yung mga buhok na nakaharang sa magandang mukha nya para mas matitigan ko sya. Grabe kahit tulog ang kapreng to ang gandang gwapo parin nya kaya hindi nakakapagtaka na kahit akong ruler ay nabaluktot at naging protractor. Bumaba ang tingin ko sa ilong nya at mahina itong tinap. Tapos bumaba pa ang paningin ko sa mga bibig nya at shet lang ng malagket, ang gaganda ng kissable lips nya.
Hindi ko maiwasang matemp na halikan ang mga labi. Jusko bigyan nyo ako ng kaliwanagan ng pag iisip ang dumi na ng utak ko eh. Pero ano kayang pakiramdam pag nahalikan ako ng isang Bea De Leon? Baka magwala o mahimatay ako sa sobrang kilig.Hehe. Hindi ko din maiwasang mag isip kung meron na kayang nahalikan ang mga labi ni Bea? Babae man o lalaki. Simula kasi nong maging bestfriends kami wala pang nakukwento tong si Bea tungkol sa mga past relationships nya.
"Good morning beh." Shet that husky sleepy voice, mas nakakainlababo.
"Good morning din beh."
"Tapos ka na bang titigan ako?" sabi nya habang nakapikit.
Teka? Bakit to nagsasalita? Tulog pa sya diba? At ako namang tanga kinausap pa sya.
"Leche ka De Leon gising ka na pala." sabi ko at hinampas sya sa braso.
Dumilat naman sya at ngumiti ng nakakaloka.
Shit nakakahiya, nahuli nya akong tinitigan sya. Lupa lamunin mo na ako now na.
"Hahaha. Kunwari tulog pa ako beh, ituloy mo na yung balak mo." natatawang sabi nya at pumikit ulit.
"A-anong balak pinagsasabi mo dyan?" nauutal na sabi ko.
"You were staring at my lips, c'mon you can kiss me now." nakangiting sabi nya at nagpout.
Beh naman parang awa mo na nagtitimpi ako dito oh.
Pero paano nya nalamang nakatitig ako sa lips nya eh nakapikit naman to kanina diba? Ahh bahala na hindi ako aamin, magunaw man ang mundo.haha
"Kapal mo eh noh. Gigisingin lang kita kaya ako nakatingin sayo." sabi ko at umiwas ng tingin.
"Kaya pala napapalunok ka habang nakatitig sa bibig ko." nakangiting sabi nya.
Napapalunok ba ako kanina? Langya namang lalamunan to oh hindi marunong makisama.
"Di ah! Paano mo naman nalaman eh nakapikit ka naman?"
"Narinig ko. Ang lakas mong lumunok eh."
Ngayon ko lang naalala na sobrang lapit pala namin sa isa't isa kaya posible ngang narinig nya. Shemay nakakahiya talaga.
"Hindi mo naman kailangan pagnaasan ang bibig ko beh eh, you can kiss me whenever you want."
Sureness happiness? Pwedi ko syang ikiss?
BINABASA MO ANG
Everything You Are(Jhobea)(COMPLETED)
FanficLove was never enough, it takes efforts and Perfect Timing.