Chapter 4: Audrey and the Gangster Prince

54 2 3
                                    

"Sarap niyan ah. Tamang-tama nagugutom na ako," sabay upo at subo ng lalaking dumating sa kinakain ko. It's been like this for how many days. Tahimik ang buhay ko tapos may mambubulabog bigla-bigla. Haaay...

"Okay din kayong mga prinsipe at mga multibillionaire noh? Parang patay gutom lang," Hindi ko naman mapigilang magbiro sa kanila.

"Grabe ka namang magsalita. Patay-gutom agad...Nagugutom nga lang," sabi naman ni Russ na parang ilang araw hindi kumain sa lamong ginagawa.

"Siyanga pala Audrey, may escort ka na ba sa masquerade ball?" tanong ni Calan. Medyo okay na pala siya. Kung di mo alam na kagagaling lang niya sa hospital, hindi mo na rin mapapansin na may iniinda pa rin na sakit mula sa tinamong sugat.

"Hmmm...wala pa naman." Pero siyempre I am still hoping na kahit isa man sa kanila ay yayain ako. Well, hindi naman sa wala pang nagyaya. Some of my classmates and even from other sections already asked me, pero hindi pa rin ako komportable sa ibang guys kaya wala akong ino-oo-an.

"Ako na lang."

"Ako na lang."

Hey, not bad. Two out of five. Halos sabay na nagsalita si Calan at Simon.

"Sino ang pipiliin ko? Ikaw ba na pangarap ko o siya na kumakatok sa puso ko? Oh..." Pasimpleng napatigil naman si Jonas at Russ nang tingnan sila nang masama nina Calan at Simon.

"Ano'ng paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko?" Toinks! Nabatukan ka tuloy, Victor! 'Di ka makuha sa tingin, eh.

Eh, sino nga ba, Audrey? Nalilitong-litong-litong-lito...

"'Di mo na kailangang mamili...puwede naman silang dalawa, eh."

"Shut up, Victor!" sabi ko nang di pa ito tumitigil sa pang-aasar.

"It's okay, Audrey. You can go with Calan." sabi ni Simon sabay tayo.

"O, san ka pupunta?" tanong ko.

"Wala. Sige, mauna na ako." matipid na sagot niya saka umalis.

"Ano'ng nangyari dun?" tanong ko. Napakamoody talaga nitong si Simon.

"Huwag mo na lang pansinin. Nalilito lang din siguro 'yun sa sarili." sabi ni Russ.

"Huh, nalilito sa sarili?" nagtatakang tanong ko. May pinagdadaanan ba si Simon?

"It's a date, then." sabi naman ni Calan na nakangiti lang sa inasta ni Simon.

Last week, we visited Aunt Verity's designer for my dress. I only have to pick it up on Friday. That is four days to go. Four days na lang Masquerade ball na.

"I don't know what's wrong with that girl. Hanging out with the ShAdows. Hindi ba siya makapili kung sino ang lalandiin niya?" Natigilan naman ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang mga nasa katabing bench.

"She's really a flirt. And, I heard that she was with Calan in the hospital when he was hurt. The nerve!" sabi pa ng isang babae. In this school, I've learned to control my temper. Araw-araw na lang kasi iba-iba ang naririnig ko.

"Oh, Audrey...I heard Calan will be your escort in the ball. Are you done flirting with Simon at ngayon si Calan naman? Anyway, mabuti na din 'yon. Maybe Simon is waiting for the right time para yayain ako." si Maureen. Haay..hindi talaga ito nadadala.

"I wish you luck, then." matipid kong sagot at tumingin sa nakabukas kong libro. Pero hindi niya yata nagets na ayaw kong makipag-usap sa kanya. At, lalong nagalit sa sinabi ko.

"So you think, napakaganda mo na. Akala mo hindi ako yayayain ni Simon? For your information, I am a daughter of a Duke at kung meron man may mas karapatan sa atin kay Simon, ako 'yon. Cause you're nobody. You're just a niece of the wife of a multimillionaire businessman. Am I right, Audrey?" mayabang na talak nito at sinadya talagang lakasan ang boses para marinig lahat ng mga nandoon.

Loving a Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon