Hindi nakaimik si Beatrice nang marinig nya ang mga binitawang salita ni Spencer hindi nya alam kung nasisiraan na ba ito ng bait o talagang pinaglololoko lang sya nito. Pero ano man sa dalawa ay wala syang panaho sa mga ganitong bagay.
"Mr. Raynolds, alam kong hindi kapani-paniwala ang mga nalaman mo pero hindi ako narito para lang makipaglokohan sayo." Kalmado nyang sabi.
Naging matiim naman ang pagkakatitig sakanya ng kausap. "At sino namang nagsabing niloloko lang kita? Ms. Javier Im very serious to what I said. DEAD SERIOUS." Idiniin pa nito ang dalawang huling salita.
Parang ipinako siya sa pagkakatayo. "B-but that is impossible and you know that..."
"Well you're wrong I don't know that. Because everything is possible to me" Bahagya itong ngumisi saka muling naging seryoso.
Napalunok sya sa mga sumunod na narinig...
"JUST. MARRY. ME..."
BINABASA MO ANG
CALLA
RomanceKAPATID, ANAK, NEGOSYO at KARANGYAAN, o ang INAALAGAANG PANGALAN na may mataas na sinabi sa lipunan. Ano ang dapat pahalagahan? Ito na ang naging paulit-ulit na tanong ni SPENCER RAYNOLDS sa kanyang sarili buhat nang dumating sa kanyang buhay ang is...