Kulang ang sabihing nagulat si Adrian sa kanyang balita dahil kitang-kita ni Beatrice ang pagkawala ng dugo sa mukha ng lalaki.
"A-are you serious...?" alanganing tanong nito.She just nod. "Ilang weeks na?"
"Malapit nang mag-one month." mahina nyang sagot. Alam nyang marami pang tanong ang ibabato nito sakanya.
"Alam ba ito ni Steve?"
"H-hindi... Sasabihin ko pa lang sana pagbalik nya galing Japan kayalang..." may bumikig sa kanyang lalamunan kaya hindi na nya naituloy ang gusto pang sabihin.
Naihilamos ni Adrian sa mukha ang dalawang kamay. "GOD! I can't believe this was happened to my friend! Kung kailan matutupad na ang pangarap nyang pamilya saka mo pa sya kinuha!" Bulalas nito sabay sipa sa gulong ng sariling sasakyan.
"Don't say that Adrian..." ipinatong niya ang kamay sa balikat nito. "Maybe may mas magandang plano lang talaga ang Diyos para sa aming mag-ina. Isa pa, alam ko na kahit hindi natin kasama si Steve physically ay binabantayan naman nya tayong lahat na mahal nya mula sa taas."
Nakita nyang huminahon na ito at dahan-dahan syang nilingon. "Yeah, you're right. And I think that is for you to make a bond with the Raynolds's..."
Nagulat sya sa interpretasyon nito sa sinabi niya. "Wait. Hindi ko yata gusto ang tinutumbok ng sinabi mo." Itinaas pa nya ang kanang kamas sa tapat ng mukha nito para pigilan itong magsalita, ngunit hindi sya pinansin nito.
"Beatrice, this is a serious problem! Hindi mo iyan kakayaning mag-isa kailangan mo ang suporta nila physically and financially. Hayaan mong sila ang gumawa ng part ni Steve..."
Tinalikuran nya ito. Stubborn may it seems pero hindi nya kayang tanggapin ang gusto nitong mangyari. "NO! Kaya kong palakihin mag-isa ang magiging anak namin ni Steve. Adrian, hindi ko gustong masabihan ng gold digger, na ginagamit ko lang ang anak ko para perahan sila. Alam ko kung paano mag-isip ang mga mayayaman!"
Umikot ito papunta sa kanyang harap, nakikita nyang desidido itong ipilit ang gusto nitong mangyari. "Look Bea... Huwag mo sana silang husgahan agad kasi hindi mo pa naman sila nakikilala. At saka paano mo balak buhayin ang anak mo huh? Wala ka nang trabaho..."
"May naipon naman ako sa nakalipas na mga taon na pagtatrabaho malaki-laki din yun at kung bibigyan mo lang ako ng working referrals madali akong makakahanap ng trabaho dito at madadag-dagan ko pa ang ipon ko habang kaya ko pa." Dasal nya na sana ay makumbinsi nya ito.
"Oo, pero paano kapag nanganak ka na sinong mag-aalaga sa inyong mag-ina at sa tingin mo ba tatagpos ang maiipon mo para suportahan ang pangangailangan nyo hanggang sa makarecover ka ng tuluyan?"
Hindi sya nakaimik dahil alam nyang may punto ito. He's only concern with her but still she can't accept the fact na tatanggap sya ng tulong mula sa taong kinamumuhian niya!
"To tell you the truth, mahalagang malaman nila ang tungkol sa magiging anak ni Steve dahil sya na lang ang nag-iisang pwedeng magmana ng lahat-lahat na mayroon ang Raynolds. Mukhang wala na kasing balak magpamilya ni Spencer. Kaya ipagkakait mo ba ang maginhawang buhay na pwede naman nyang maranasan just for the sake of your pride?"
Mukhang papangit na nang papangit ang tinatakbo ng usapan nila, hindi na nya maiwasang hindi magalit sa mga lumalabas sa bibig nito. Dahil sa totoo lang wala itong naiintindihan...
"Adrian, hindi ganun kadali ang gusto mong mangyari. It's not only my pride we're talking about here! Sa tingin mo ba hindi nila pagdududahan kung anak nga ba ito ni Steve o hindi?"
"Pero kaya naman nating patunayan yun sa kanila..." he almost plead.
She gritted her teeth. "Na ayaw kong mangyari! Sino ba sila sa palagay nila para pagdudahan ang pagkatao ng anak ko?! Isipin mo nga hindi pa man sya pinapanganak pero kailangan na nyang patunayan ang sarili nya sa ibang tao nang dahil lang hindi nanggaling sa maayos na pamilya ang kanyang ina, at hindi ko papayagan iyon!"
"Bea, nabubulag ka lang ng sobrang galit mo kay Spencer!" Nawawalan na ng pasensyang sagot ng lalaki.
"Maybe you're right... At mamamatay muna ako bago ako tumanggap ng tulong mula sakanya. Ganyan katindi ang galit ko."
Ilang segundong nanatili ang katahimikan bago sya muling magsalita.
"Adrian... I want you to stop worrying about me, about us. Kaya kong buhayin mag-isa ang anak ko." Binigyan nya ng diin ang bawat salitang binibitawan nya. "Sinabi ko sayo ang kalagayan ko hindi dahil sa kung ano pa man. Ipinaalam ko sayo ito bilang respeto dahil matalik ka naming kaibigan ni Steve... Tatanawin kong malaking utang na loob kung wala kang gagawin na kahit ano. Gusto kong manatili itong sikreto sa pamilya nya."
Hindi na nya hinintay pa ang isasagot nito agad na syang tumalikod at naglakad palayo. Umaasa syang igagalang nito ang pasya nya.
She just shake her head. Hindi nya expected na magtatalo sila ng ganun. Balak na lang muna nyang maghanap ng murang mauupahang apartment para mapakalma ang sarili bago bumalik kay Steve ng hapon.
**********\\\\\/////*********\\\\////
Pabagsak na naupo si Spencer sa kanyang swivel chair sa loob ng kanyang opisina sa kanilang mansyon. Pumikit muna sya ng ilang segundo saka muling dumilat upang tumingin sa orasan na nasa kanyang mesa. Mag-aalas diyes na rin pala ngunit dinig na dinig pa nya ang ingay ng mga bisita na nagkukwentuhan sa kanilang sala.
Nahilot nya ang sentido, sa sobrang dami ng nangyari sa mga nakaraang araw ay parang sasabog na ang kanyang ulo. Hindi nya alam kung meron pa bang lalala sa pagkamatay ng kanyang nag-iisang kapatid.
Napatingin sya sa malaking bintana na nasa gilid ng silid at dahil nasa 2nd floor ang kanyang opisina ay tanaw na tanaw ang kanilang malaking gate kapag dumudungaw ka dito. Ito ang favorite spot ni Steve kapag nagbabasa ito ng mga history books nung mga bata pa sila.
Ang silid na kinalalagyan nya ngayon ay dati ding opisina ng kanilang ama at isa iyon sa dahilan ng pagtambay dito ng kapatid. Inaabangan nito lagi ang pag-uwi ng mga magulang galing trabaho at kapag nakita na ni Steve ang sasakyan ng mga ito mula sa bintana ay tatakbo na ito pababa upang salubungin ng yakap ang kanilang mga magulang ngunit lagi lang itong itinutulak palayo. Malinaw pa nyang naaalala kung ano lagi ang hitsura nito kapag pumupunta ito sa kanyang silid para doon umiyak. At bilang kuya sya nalamang ang gagawa ng paraan upang pagaangin ang loob nito. Ngunit ang hindi nya maintindihan dito noon at hanggang ngayon ay kung bakit paulit-ulit lang itong ginagawa ng kapatid kahit na paulit-ulit din itong nakakatanggap ng rejection mula sa sariling ama't ina. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit lumalim ang galit nya sa mga ito.
Ganyan sila kaiba sa isa't-isa ni Steven. Napakabait nito at hindi nagtatanim ng galit kahit na kanino samantalang sya ay nabuhay na yata sa galit na hindi na nya kayang tanggalin pa. Matagal na rin syang tumigil sa pag-iisip sa nararamdaman ng iba, wala na syang pakielam kahit makasagasa pa sya ng ibang tao mangyari lamang ang gusto niya. Kaya nagdududa din siya kung minsan kung talaga bang magkapatid sila.
Nagulat sya nang may biglang kumatok na nagpatigil sa kanyang pag-iisip sa kapatid. Sunod nyang nakita ang pagdungaw ng best friend ng kanyang kapatid si Adrian Chua. Isa sa kaunting taong pinagkakatiwalaan nya ng husto.
"Kumusta Spencer? Okay ka lang ba?" umupo ito sa bakanteng silya sa harap niya.
"Yeah... Its just my migrane." hinilot-hilot pa nya ng kaunti ang sentido bago tumayo papuntang mini bar sa gilid ng silid. "Scotch?"
"Yes, please."
Inabutan nya ito ng basong may alak. "So, how's Singapore branch? Stable na ba?"
Tumungga muna ito bago sumagot. "Yeah... Na-handle na namin ang mga casualties sa pagkawala nila Steve at ng iba pa nating matataas na tauhan."
"Good. What about the investigation? May lead na bang nagsasabing hindi aksidente ang nangyari?" muli syang umupo at nilaro-laro ang hawak na inumin.
"Wala. Infact the investigator clearly stated that its because of mechanical problem ng eroplano dahil sa kakulangan ng maintenance bago lumipad."
Tumango-tango sya. "Alright. Lawyer ko na ang bahala sa airlines. Dapat silang managot para sa mga buhay na nawala nang dahil sa kapabayaan nila."
Alam nyang nagtaka ito sa pagkakalmado nya sa ganitong bagay. "Siguro nagtataka ka sakin Adrian kung bakit imbis na pagwalaan ko sila sa galit gaya ng ibang namamatayan sa kung sinong may kasalanan ay mahinahon lang ako dito at nagagawa ko pang uminom ng alak. Sa tingin mo ba talagang wala akong kwentang kapatid?" Diretso nya itong tinitigan na hindi naman nito iniwasan, di gaya ng ibang tao na mabilis ma-intimidate tingin pa lang niya.
"Oo nga't nagtataka ako sa pagiging sobrang kalmado mo pero tingin ko hindi naman batayan iyon para masabing mabuti kang kapatid o hindi. In fact mas nakakatakot kapag ganyan ka kasi baka may ano kang binabalak sakanila ayaw mo lang ipaalam. "
Natawa sya sa sagot nito. Kahit kailan talaga masyado itong malalim mag-isip at mapanghinala pa.
"You really know what to say huh... Pero sa totoo lang iniisip ko pa rin ngayon kung mangyayari kaya ito kung hindi ko pinilit i-assign si Steve sa Singapore branch gaya ng gusto nya o kaya ay nakinig na lang ako sa kanya na ipagpaliban na lang muna ang pakikipag-deal sa Yukun Corp. Nandito lang siguro sya lagi sa office ko at nagbabasa ng libro kapag tapos na ang trabaho nya o kaya'y may gabi-gabi pa syang date. Hindi sana sya sasakay sa eroplanong iyon papuntang Japan... At kung hindi dahil sakin hindi pa sana siya-"
"Stop it Spencer!" pabagsak nitong inilapag ang baso sa mesa at alam nyang nagkalamat iyon sa lakas ng tunog. "So all this time you blaming yourself because of the accident that didn't even cross your mind? Sa tingin mo ba gusto ni Steve na magkaganyan ang iniidolo nyang kuya dahil sa kanya?"
"I don't know... we don't know... Imposible na nating malaman kung anong iniisip nya ngayon. There's no way to know anymore..."
"Don't be miserable Spencer... You need to be strong, may mga umaasa sayo like your grandmother."
He just sighed when he remember his grandmother. Alam nyang nanghihina pa ito sa nangyari ngunit nagpapakatatag ito. "Tama ka... Kailangan ako ngayon ni mamita dahil tiyak lalala na naman ang paranoia nya sa pagkawala ni Steve. Kaya ikaw na muna ang bahala sa Singapore branch dahil tiyak hindi na naman ako papayagan ni mamita na sumakay sa eroplano ng isang buwan."
Bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam nang marinig ang mahinang tawa nito. "Yeah, naikwento nga sakin ni Steve na nung mamatay ang daddy nyo sa yate eh halos isang taon kayong hindi nakakita ng dagat."
"Buti naman at di ko na kailangang magpaliwanag." He smiled to that memories.
Gumaan na bigla ang aura sa silid at nakakahinga na sya ng maayos mas mabuti talaga kung kahit minsan ay may kaibigan ka ring napaghihingahan ng sama ng loob at makakaintindi sa nararamdaman mo.
"Adrian..." Nagtatakang napatingin ito sakanya marahil ay nahimigan nito ang pag-iiba ng tono ng kanyang pananalita. "It may sounds gay but thanks for being a friend today..." He thought that it can't be harm to express appreciation and fondness sometimes.
Saglit itong natigilan ngunit tumikhim ito upang itago ang pagkabigla sa narinig. "Ano bang pinagsasasabi mo? BFF ako ni Steve kaya sa ayaw at sa gusto mo magkaibigan na rin tayo. Hindi lang ngayon, anytime just call me." iminuwestra pa nito ang mga daliri na animo telepono saka tinapat sa tenga.
"And because of that, how about if I give you the position Steve's got vacant? What can you say about that?"
Napatayo ito. "Pare naman... Wag kang magbiro ng ganyan alam mo namang wala na akong halos oras kay Ellen di ba? Tapos ibibigay mo pa sakin yung position na yun, baka naman hindi na ako magkaanak nyan."
"So you're complaining and also rejecting it?" amuse niyang tanong dito. Kung iba tiyak ang aalukin ng promotion ay magtatatalon na sa tuwa ngunit ito... Hindi nya talaga maintindihan ang reaksyon.
"Well... Technically yes... Ayokong ma-disappoint ka pero meron pa naman sigurong mas qualified kaysa sa akin." Pakiusap nito na tinawanan lang nya.
"Meron naman..." Nakita nya ang relief sa mukha nito na agad din nyang binura. "But I didn't trust them that well, kaya ikaw lang ang pwede sa position at isa pa mas matutuwa si Steve kung ang mapo-promote sa posisyong pinaghirapan din nya ay ang best friend nya. Ano sa tingin mo?"
Animo isang magic spell ang pangalan ng kanyang kapatid at hindi na ito nakipagtalo pa. "I could say no more. Mukhang wala na akong kawala."
"Good. Madali ka naman palang kausap." Nakangiti nyang muling sinalinan ng alak ang kanilang mga baso. "CHEERS! For your promotion." Itinaas niya ang baso dito.
"You know that there's nothing to celebrate." But he still toast with him. "Spencer... Sa totoo lang hindi ako nandito para damayan ka o para ma-promote."
Alam niya ang ibig nitong sabihin. Kanina pa nya nararamdaman na may seryoso itong sadya sakanya at nagdadalawang isip ito kung dapat ba nya iyong malaman o hindi.
"Just say it, Adrian. Tutal kahit ano pa yan ay hindi naman na siguro kasing lala ng mawalan ng kapatid. So tell me."
Humugot muna ito ng hangin bago magsalita. "There's this woman Steve met her in Singapore when she was hired as employees psychiatrist."
"Oh right! Naalala ko nung pinilit ako ni Steve na payagan ang idea nya na mag-hired ng psychiatrist para sa mga empleyado nating naa-assign sa Singapore branch, and I admit that it's quite effective. Nabawasan ang mga nagre-resign nating tao dun." Putol nya dito, nagtataka nga lang sya kung bakit nabanggit iyon ni Adrian at anong kinalaman dito ni Steve. "Wait. What's with her? Don't tell me she wants to quit too..."
"Actually you're right, she's already e-mailed me her resignation letter."
"And the reason is...?"
"She's pregnant..."
"Ganun ba? Well if that's the case I think reasonable naman ang pagre-resign nya. Why bother? Just find replacement." Hindi nya talaga maintindihan kung bakit simpleng bagay lang ay prinoproblema pa nito at kailangan pang i-report sakanya.
"Hindi iyon ganun kadali, Spencer..."
"Kaya nga ipaliwanag mo sakin kung anong problema! Bakit ba binibitin mo pa ako?" Nauubusan na sya ng pasensya dito.
"She's pregnant with Steve's child..."
BINABASA MO ANG
CALLA
RomanceKAPATID, ANAK, NEGOSYO at KARANGYAAN, o ang INAALAGAANG PANGALAN na may mataas na sinabi sa lipunan. Ano ang dapat pahalagahan? Ito na ang naging paulit-ulit na tanong ni SPENCER RAYNOLDS sa kanyang sarili buhat nang dumating sa kanyang buhay ang is...