CHAPTER 2: <BLESSING>

2 0 0
                                    

  Nakatayo si Beatrice sa pinakalikuran ng mga taong nakikipaglibing malayo sa steel coffin na kinalalagyan ngayon ng walang buhay nang katawan ng kasintahang si Steve.

"Malungkot sya siguro ngayon..." bulong niya sa sarili.

Naisip nya kasing ayaw ni Steve sa malalamig na bagay. Alam nya kung ito ang papapiliin mas gugustuhin nito ang wooden casket mas maiinit kasi yun sa balat.

Tahimik lang syang nakamasid habang patuloy na nagbabas-bas ang pari. Nakasuot sya ngayon ng lady hat na itim at sunglasses upang maitago ang namamagang mata buhat sa walang tigil na pag-iyak ng ilang araw.

Alam naman nyang walang makakapansin at animo'y isa lang syang ordinaryong nakikiramay lamang. Wala kasi syang kakilala dito sa Pilipinas kung meron man ay ang ibang kaibigan lang iyon nila ni Steve na iniwasan nyang makita sya o makasalubong man lang.

Mula sa kinatatayuan ay nakita nya ang lola ng nobyo, si Elise Raynolds. Madalas sa kanyang maikwento ni Steve kung gaano nito kamahal ang matanda kahit na hindi nito naramdaman kahit na kailan ang pagiging lola nito sa magkapatid.

Patuloy lang nyang pinagmasdan ang matanda. Marahil ay lagpas na ito sa 70 yrs old ngunit napakaelegante pa ring tingnan nito lalo na sa pagkilos. Hindi ito katulad ng ibang kamag-anak nito na dinig na dinig ang mga pag-iyak sa halip ay nakayuko lamang ito at maya't-maya ang punas ng panyo sa mata.

Nalipat ang kanyang pansin sa taong nakaalalay dito, biglang kumulo ang dugo nya sa galit. Si SPENCER RAYNOLDS! Gusto nyang malaman kung anong nararamdaman nito ngayon. Iniisip kaya nitong sya ang dapat sisihin sa pagkamatay ng kapatid o di kaya'y ipinagpalagay na lang nito na aksidente lang ang nangyari para maisalba ang sariling konsensya.

Naikuyom nya ang kamay para pigilan ang sariling sugurin ito. "No Bea... Hindi matutuwa si Steve kapag ginawa mo iyon." Pinakalma niya ang sarili.

Tinanggal na lamang niya ang tingin sa lalaki. Na mabilis namang naagaw ng isang dilaw na rosas, nakalagay ito sa isang puntod di kalayuan sa tinatayuan niya . Ito ang bulaklak na laging binibigay sakanya ni Steve noon. Paborito nya kasi ito at pati na ng kanyang ina.

Biglang bumalik sa utak nya ang isang tagpo sa nakaraan.

She was six back then and it's her mother's birthday kaya naisipan nyang gawan ito ng regalo. At dahil sa alam nyang dilaw na rosas ang paborito nitong bulaklak ay palihim syang nanguha sa kanilang kapitbahay na may tanim niyon.

Naisipan nyang ilagay ang mga talulot ng rosas sa isang garapong may tubig at nanghingi sya ng maraming asul na glitters sa kalaro nyang si Jenny saka muling nilagay sa garapong may tubig. Inalog niya iyon at nasiyahan sa nakita.

Agad syang tumakbo pauwi upang ibigay sana ang ginawang regalo para sa ina. But when she got home she drop the jar on the floor that cause to break it into pieces...

The whole place was in chaos while her mother crying on the floor with blood on her lips...

Pinilit nya ang sariling mahinto sa pagbabalik tanaw sa nakaraan. Ibinaling nalang nya muli ang atensyon kung nasaan si Steve. Tapos na pala itong dasalan at kasalukuyan na itong binubuhat upang tuluyan nang ilibing.

Muli syang napaluha, after this hindi na nya makikita at mahahawakan pa ang nobyo kahit kailan. Wala nang malambing na tinig ang gigising sakanya tuwing umaga at magsasabing lahat ng bagay ay may dahilan kapag may di tamang nangyayari sakanya na ikinasasama nya ng loob.

Nahimas nya ang kanyang tiyan. Naaawa siya sa anak dahil wala na itong pagkakataon pang makilala ang napakabuti nitong ama at pati na kay Steve dahil hindi na nito nalaman na magiging ama na ito. Kung alam lang nya na magkakaganito sinabi na nya agad sana dito sa cellphone palang.

CALLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon