Sa'yo

1.4K 37 4
                                    

"Tots, ano ba?! Ganito nanaman ba tayo, ha?!"

"Pwede ba, Isa! Intindihin mo naman sitwasyon ko!"

"Tots, lagi na lang akong umiintindi! Nakakapagod na! Ako na lang yung laging pinilipilit yung sariling ayusin ang lahat!! Sawa na ako, Tots!"

"Sawa ka na?! Edi tapusin na natin 'to! Pagod ka na rin di ba?!"

"Mga par! Tumigil na kayo!!"

Si Justine. Siya yung laging taga awat sa kanilang dalawa. Kapag aabot na sa puntong sigawan na ang usapan nila.

Its been three years since they entered this kind of relationship. Three years, ever since the public knew. Three years of 'away-bati' kind of relationship.

Lagi silang away bati, away bati, away bati.

"Ano? Ganun ganun mo na lang tatapusin yon?!" Sagot ni Isa.

"Ano pa ba ang dapat na mangyari, Isa?! Lagi na lang tayong ganito!!" Sagot naman ni Tots.

"Ano ba kayong dalawa!! Tumigil na kayo!" Sigaw ni Justine at pumagitna sa kanila.

"Anong nangyayari dito?!" Sabi ni Marian pagkapasok niya sa loob ng kwarto nila.

"Abot hanggang sa labas sigawan niyo, anong meron?" Kalmadong tanong ni Arielle.

Walang may gusto magsalita.

Pinili na lang ni Tots na lumabas sa kwarto, pagkalabas na pagka labas ni Tots ay nagbreak down si Isa. Sinundan naman ni Marian si Tots palabas.

"Jus, ganun ganun na lang ba niya tatapusin lahat?" Sabi ni Isa habang humahagulgol.

"Tahan na, Isa. Hindi mo naman kasalanan e, hayaan mo na si Tots." Sagot ni Jus.

"Pakalmahin mo muna sarili mo at si Caloy." Sabi naman ni Arielle.

"Bakit ganun? Ibang iba siya. Hindi siya yung Tots na nakilala ko, ibang iba siya from the past 2 years!" Iyak ni Isa.

Sa labas naman ng dorm, nadatnan ni Marian si Tots na naka upo sa isang bench. Hindi naman kalayuan sa dorm nila.

"Anong ka-ek ekan yung kanina?" Tanong ni Marian.

"Its the usual thing." Sagot ni Tots.

"Usual thing? Yung lagi ka na lang out of reach tapos uuwi ka sa dorm ng sobrang late?! Ano ba pinagkaka abalahan mo? Hindi ka naman ganyan last year! Kawawa si Isa na laging naghihintay sayo, tapos you won't reconcile with her the next morning. You'll go to the gym way too early tapos uuwi ka rin ng sobrang late. Ano na nangyari sayo?"

"Di ko alam, ate."

"Jusko naman, Caloy! Your first two years are very fruitful! Ano na nangyari sayo? Kinain ka rin ng sistema? Ganun ba? Nagpapaka gago ka rin ba?! Caloy! Mag isip ka naman! Isipin mo yung mga taong nasa paligid mo, yung mga taong nagmamahal sayo. Nagmamahal ng husto, sayo."

"Siguro nga nagpaka gago ako, wala akong inisip kundi sarili ko. Selfish kung tutuusin. Feeling ko kasi paggising ko, sawa na siya, pagod na siya."

"Paano hindi siya magsasawa at mapapagod, kung lagi na lang na siya yung umiintindi sayo? Caloy, hindi ka lang selfish, napaka insensitive mo pa! You didn't consider her feelings after what you've done."

Assemblage (DianaBel One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon