Iniintay ko ngayon si Richard sa rooftop ng Jose Rizal building. Mula rito, matatanaw mo kung sinong naglalakad papasok ng building. Napag-usapan kasi naming na tuwing alas-singko hanggang alas-sais, mag-uusap lang kami. Nabasa ko kasi ito sa Internet, eh. Find an inspiration in writing. In my case, si Richard iyon. Hindi ko nga alam kung dapat ko na ba syang tawaging RJ, eh. Kahit pa sinabi nya, kasi hindi naman kami close. Hindi rin naman RJ ang tawag sa kanya ng mga kaklase namin.
Tapos si Valeen, tinutukso ako. Sino raw ang kinikita ko tuwing hapon at kung bakit ba ako laging hindi sumasabay pag-uwi. Bati na naman sila ni Jerald kaya kampante akong sila lang ang uuwing dalawa. Hindi naman papabayaan ni Jerald 'yon, kahit may tampo pang kaunti. Basta, ang cute talaga nilang dalawa.
"Alam mo, third wheel ka," sabi sa akin kanina nu'ng isa kong kaklase, si Pam. "Hindi ka ba nauurat du'n sa dalawa mong kasama?"
"Ha?" Taka kong tanong. "Ano 'yung urat?"
Umiling lang sya. "Meng, minsan, ang slow mo talaga. Hindi mo nagets 'yung point nu'ng sinabi ko."
Tapos bigla na syang lumipat ng upuan kasi dumating na iyong teacher namin. Minsan talaga, savior ang mga teachers kahit terror ang tingin sa kanila. Lagi na lang kaya akong nakakareceive nu'ng word na slow. Dati may activity kami, tapos susulatan mo sa likod 'yung impression mo sa kaklase mong 'yon. Eighty percent yata nu'ng nakasulat sa likod ko, slow.
Iyon din 'yung dahilan kung bakit ayaw kong ipasabi sa kanila 'yung pangarap kong magsulat ng libro, eh. Bukod sa wala akong suportang makukuha, at pakiramdam ko rin ay babatukan ako ni Valeen at lolokohin ako ni Jerald, one percent lang talaga 'yung chance na mabuo ko 'yung nobela. Kaya nga si Richard 'yung pinagsabihan ko. Tahimik kasi sya. Mukha naman syang trustworthy. Mukha naming hindi nya ako ilalaglag.
Nakita ko sya, naglalakad papasok sa building. Medyo malayo pa pero nakita ko na sya at ngayon ko lang narealize na ang cool nya maglakad. Medyo nakatungo sya pero alam mong iba 'yung aura nya, eh. Hindi ko alam kung ako lang 'yung nakakakita nu'n o nakakapansin pero para kasing he is too good to be true. Oh, English 'yon ah. Aasarin ako ni Jerald na naman kung maririnig nya ako.
Iyon na nga. Ipapaliwanag ko 'yung nasabi ko. Ang bait kasi nya, tapos tahimik, tapos sumasagot naman sya kapag tinatanong at kinakausap. Pero alam mo 'yung feeling na parang... hindi sya 'yon? Ang gulo ko na naman. Gusto kong magsulat but I can't get my thoughts right. Hindi ko mabigyang hustisya ang mga salita. Basta, 'yung para bang kapag tinanong sya ng, Anong paborito mong ulam? Sasagot sya ng, Nilaga, pero hindi nya ii-specify kung nilagang baka o nilagang baboy kasi hindi naman tinanong. Iyon bang, kung hindi mo hinihingi, hindi nya ibibigay.
Wala naman akong nakikitang mali sa ganoon. Iyon nga lang... parang hindi sya na-aattach sa mga tao kasi hindi sya pala-kwento.
Exactly why he is my fictional character. Kakaiba sya. Para sa akin kasi, bakit mo pa isusulat kung alam mo na naman pala, 'di ba? Dapat iyong isusulat mo, hindi mo pa alam. Para nai-explore mo rin 'yung sarili mo, hindi lang 'yung ibang tao because in a way or another, you are writing another version or part of yourself na hindi mo lang alam na... ikaw. Katulad ng mga painters. They paint the images they form in their heads, 'di ba? O sige, brain. Pero parte rin naman 'yon ng mga sarili nila, 'di ba? Sa bawat isang obra, naipapamahagi mo sa ibang tao iyong parte ng sarili mo na hindi mo mai-express directly.
Hayy, naiisip ko talaga 'yung mga ganito kapag mag-isa lang ako.
"Kanina ka pa dyan?" Tanong sa akin ni Richard, tapos umiling ako. "Sorry, medyo late ako."
"Okay lang!" Napataas yata 'yung boses ko, kasi medyo na-distort 'yung mukha nya. "Pasensya ka na. Masyado ba akong cheerful?"
"Hindi naman," umiling sya. "Hindi lang kasi tayo close tapos... ganyan ka na agad makipag-usap."
BINABASA MO ANG
The Lady in Letters
Fiksi PenggemarMaine Mendoza, a bouncing ball of sunshine and innocence combined, gets introduced to the real evils of the world. She holds Richard Faulkerson Jr. hand and influences his conventional views with her own diamonds. (Cover @jaysdei.)