"Tara na!" malakas na sambit ni
Heidi at hinigit na ang braso 'ko nagpahigit na lang ako sa kanya at inabot ang susi ng kotse.Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip 'ko. First time 'kong pupunta ng bar dahil lang birthday ni Heidi at pinipilit ako ayaw 'ko namang tumanggi dahil wala akong regalo kaya sumama na lang daw ako sa kanya at shit lang sinong matinong babae ang magsusuot ng sobrang iksing dress na konting tuwad mo lang makikita na ang oyster mo at konting yuko lang kita na ang puwit ng bata sa dibdib mo.
"Relaks Frey, breath! Hindi mo pa katapusan HAHA" Natatawa niyang sabi sakin habang nagmamaneho. Sinamaan 'ko lang siya ng tingin hindi naman niya makikita dahil nasa kalsada ang tingin niya. Takot lang niya na may mabalitang
"Nagbabagang balita isang kotse bumangga sa ten-wheeler truck, driver ng kotse dead on the spot na ng maabutan at ang ikanalulungot kaarawan niya pa man din"
"Bakit ba kasi kailangan ng gantong damit?" hindi 'ko na maiwasang tanong dahil kada galaw 'ko umaakyat din ang damit na 'to kaya talagang makikita ang tinatago 'kong oyster.
"Frey we're going to bar not to church" nakaismid niyang sabi habang pinaparada ang kotse niya sa parking lot ng maiparada na niya ay humarap siya sakin at hinawakan ang kamay 'ko
"Just enjoy this night! Wala namang masama na pumuntang bar 26 years ka na sa earth, basta never accept any drink from a stranger" seryoso niyang sambit at bumaba na ng kotse kaya bumaba narin ako at kumapit sa braso ni Heidi.
Dito palang sa labas ay rinig na ang ingay sa loob ng bar at ang mga naghalong amoy ng sigarilyo at alak pero hindi iyon ang unang nakaagaw ng pansin sakin kundi ang boses ng kumakanta sa stage.
'But oh, can't you see
That no matter what happens,
Life goes on and on
So oh baby, please smile.'Tuluyan na kaming pumasok at tangina pala! Hindi naman ako Nainform na gantong Bar pala ang pupuntahan namin, ang wa-wild ng mga sumasayaw sa dance floor at may nagme makeout pa dito. Shit lang kung kinulang ako sa tela ano pa sila? Tira-tira na lang, dapat ng two piece na lang o kaya naghubad na sila jusko ako nahihiya para sa kanila.
'Coz im always around you,
And i'll make you see how beautiful
Life is for you and me
Take a little time baby.'Gash! Ang ganda talaga ng boses ng kumakanta napa husky naparang kala mo dinuduyan ka sa lamig nito. Di 'ko pa nakikita ang may ari ng boses nito pero alam 'kong napakagwapo niya boses palang makalaglag panty na ano pa kaya yung mukha.
"Dun tayo sa bar counter" malakas na bulong sakin ni Heidi dahil ang lakas ng hiyawan ng mga tao rito. Nagpatinuod na lang ako sa kanya at naupo kaming dalawa sa bar stool mabilis na lumapit sa amin ang bartender
"One cocktail and bloody mary" nakangiting sabi ni Heidi. Actually hindi 'ko alam kung ano yung sinabi niya basta napahanga lang ako sa ginagawa ng bartender kaya hindi 'ko maiwasang hindi mapalakpak habang nakangiti ng maluwag.
Inaabot niya sakin ang cocktail at kinindatan pa 'ko. tanginers ang pogi niya mag-apply kaya ako rito? Ang daming pogi ee pati waiters
"Frey? Wait lang sunduin 'ko lang sa labas si Carmen. Don't forget the rule" Bulong niya sakin kaya tumango na lang ako at sumipsip sa baso ng cocktail napapikit naman ako sa lasa
Shutanginers, ang ganda gandang tignan tapos ang pangit ng lasa. Mabilis 'kong iminulat ang mata 'ko dahil sa biglang may lumingkis ng bewang 'ko
"Hi ganda" nakangiting sabi sakin ng lalaki na sa tingin na sa mid30's na. mabilis 'kong inalis ang kamay niyang nakakakilabot sa bewang 'ko
"Get lost" Galit 'kong sabi at sinamaan siya ng tingin mabilis naman siyang umalis at narinig 'ko pa ang huli niyang sinabi.
Pakipot? Seriously sa itsura niyang 'yun at tanda niya tingin niya papatulan 'ko siya. Baka nga wala ng pumatol sa kanya mukha siyang adik sa kalye
Napatingin naman ako sa kabilang upuan dahil biglang may umupo pero sa medyo dilim hindi 'ko masyadong maaninag ang mukha niya. Sumipsip ulit ako sa cocktail 'ko at hindi 'ko parin maiwasang mapapikit sa lasa
Kaya ng medyo masanay na 'ko sa lasa ay inisang lagok 'ko na at napapikit ako ng mariin pero habang tumatagal sa dila sumasarap na kaya mabilis akong tumingin sa bartender.
"Another one please" nakangiti 'kong sabi mabilis naman siyang gumawa at ibinigay sa akin napangiti naman ulit ako at ininom na ang cocktail.
Hindi 'ko napansin kung dumating na sila Heidi pero tingin 'ko hindi pa yata dumadating si Carmen kaya wala pa siya rito. Humingi ulit ako ng isa, isa pa, at isa pa ng cocktail
"Isa pa!" malakas 'kong sabi at inabot yung binigay niya. Medyo nahihilo na 'ko at napapapikit na 'ko, ilan na ba nainom 'ko? Apat , lima... hindi pang pito 'ko na 'to. Iinumin 'ko na ulit ng may humawak sa kamay 'ko at inagaw ang hawak hawak 'kong cocktail at mabilis niyang ininom napatingin naman ako sa mukha niya. Shit tama ba 'tong nakikita 'ko? May bumaba ba sa langit ng napakaperpektong lalaki, ang gwapo at mukha siyang anghel para akong nasa langit napatingin ako sa adam's apple niya na umaakyat baba dahil sa paginom niya. Napalunok rin ako sa nangyari
"Like what you see?" nakangisi niyang tanong sakin habang nakataas pa ang kamay hawak ang baso na ubos na ang laman. Mali pala wala namang anghel na mayabang
BINABASA MO ANG
One Night Mistake
RomanceIsang pagkakamaling gabi na nagbunga, Saan tutungo... Abort or keep the child in her womb Hate or Love