Kabanata 8

2.5K 61 32
                                    



Mabilis na napatayo sa pagkakahiga si Freya ng maramdaman niyang parang hinahalukay ang tyan. Mabilis siyang dumiretso sa lababo at sumuka pero puro laway lang ang lumabas sa bunganga niya. Napasapo siya sa noo niya ng bigla siyang makaramdam ng hilo

Shit bat ngayon pa? Mahinang sambit niya sa sarili at mahinang hinampas ang ulo para mawala ang hilo niya ngunit ayaw parin mawala kaya dumiretso na siya ng banyo para maligo na at may trabaho pa.

NAGMAMADALI niyang pinindot ang elevator patungong 17th floor dahil ilang minuto na lang ay tuluyan na siyang late at ayaw na ayaw pa naman iyon ng Head nila. Habang nasa loob siya ng elevator ay hindi niya maiwasang mahilo kaya napahawak siya sa unang taong mahawakan niya

Maraming napasinghap sa ginawa niyang pahawak rito kaya naman kinapa niya ang matigas na braso ng lalaki at unti unting itinaas ang kanyang ulo para tignan kung sino ito. Matiim na nakatingin sa kanya ang lalaki at parang handa na siyang itulak nito

Napaawang naman ng kaunti ang labi niya ng makilala ito pero mabilis niyang isinarado. Bigla namang lumabot ang ekpresyon ng lalaki ng makita kung sino ito

"S—sean" hindi niya napigilang hindi mautal ng banggitin nito ang pangalan ng lalaki at bigla niya itong niyakap na para siyang bata at inamoy-amoy pa ang mabango nitong katawan

'Gash! Anong sa tingin niya ang ginagawa niya?'

'No! He's my boy'

'Ang landi niya'

Hindi nalang niya pinansin ang mga nagbubulong-bulungan at mas inamoy pa ang katawan ng lalaki. Bigla naman ipinulupot ni sean ang kamay niya sa babae at idinikit sa katawan nito. Mabilis na itiningala ni Freya ang ulo niya at pinagtama ang mata nila dahan-dahan niyang inilapit ang kamay nito sa pisngi ng lalaki at mabilis itong hinalikan sa labi. Lalo namang napalakas ang bulungan sa loob ng elevator

"You're here" parang hindi paring makapaniwalang sabi ni Freya at hinaplos ang mukha nitong mas makinis pa yata sa mukha niya. Mahina natawa si Sean sa ginawa sa kanya at mas lalo niyang hinapit sa bewang ang babae.

'Sino ba siya sa akala niya?'

'grabe siya makalingkis'

'gold digger'

Nagulat siya ng magsalita si Sean at punong-puno ito ng otoridad at malamig kaya talagang kikilabutan ka kung maririnig mo ito.

"SHUT UP!" Malamig nitong sambit na ikinatigil ng mga nagbubulong-bulungan. Bigla namang natakot si Freya sa sigaw ni Sean kaya naman mabilis siyang napalayo rito sa takot na baka saktan siya nito. Bigla siyang nilapitan ng lalaki at hinapit ulit siya sa bewang

"Hush! Come here baby"malambing na sabi ni Sean at ikinulong sa bisig niya ang babae.

Ting!

Mabilis na napalayo si Freya sa bisig ni Sean dahil nasa 17th floor na siya. Lalabas na sana siya ng biglang magdilim ang paningin niya at huling narinig nalang niya ang pagsigaw ni Sean sa pangalan niya.

*****
Mabilis na nilapitan ni Sean ang doctora na kumunsulta kay Freya.

"Im doctora Reyes, Ikaw ba ang asawa?" Malumanay na tanong ng doctora at inilahad ang kamay nito para makipagkamay ngunit tinitigan lang iyon ni Sean

"what happen?" seryosong tanong nito sa doctora at tumingin sa pinto ng katapat niya na private room kung saan nasa loob si Freya at nagpapahinga. Nginitian muna siya ng maluwag ni Doc

"She's 1 month pregnant, congratulations" nakangiting sabi ni Doc. Reyes at iniwan na siya roon. Hindi naman magsink in sa kanya ang sinabi ng doctora

***Sean

She's fucking pregnant and i'm the father of her child. Fuck magiging tatay na 'ko hindi 'ko alam ang dapat 'kong ireaksyon sa sinabi ng doctora dapat ba 'kong matuwa dahil magiging tatay na 'ko ngunit mabilis kong naisip si Shaira kailangan ko nang makipag hiwalay sa kanya . Pero nalilito ako mahal ko padin si shaira pero nakakaramdam ako ng atraksyon kay freya at mag kakaanak na kami.

Pumasok na 'ko sa loob ng private room at nakita 'ko siyang nakahilata doon habang natutulog. Mukha siyang anghel lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya at inilapit 'ko ang labi 'ko sa likod ng palad niya.

Isa lang ang naiisip 'ko ngayon at 'yun ay sa akin na titira si Freya hanggat hindi pa niya naipanganganak ang magiging anak 'ko. Pag katapos niyang manganak ay tsaka ako magpo-propose kay Shaira para siya ang kilalaning ina ng anak 'ko.

Sorry, Freya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon