Kabanata 7

1.6K 36 3
                                    

Hi guys! Wala na sana akong balak ituloy to, pero nakita ko na madaming nag comment na gusto nilang ipag patuloy ko to.

Sana magustuhan niyo💖

********
"Bakit ganto nararamdaman ko? Maling mali na ibigay ko sa kanya ang sarili ko! At lalong mali na ipagpatuloy pa too!!! gashh" naka tingin sa salamin na kinakausap ang sarili.

Inhale, exhale. Calm yourself please, Ok next month mag pa file na ko ng resignation letter.

Naglakad na ako patungong banyo para mag linis ng katawan para makapag pahinga na ko at makapag isip kung ano ang dapat na maging sunod kong hakbang.

"what the—" di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong hinalikan ni sea—sir.

"I like it" mahinang sabi niya habang patuloy na hinahalikan ako.

Mabilis ko siyang itinulak at buti nalang ay napalayo siya. Mabilis kong kinuha ang towel at ipinulupot sa aking katawan. Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?at paanong nakapasok ka?" Inis kong tanong sa kanya at naglakad paharap sa salamin para makapag simula na mag sepilyo.

"I have my ways baby" kinalibutan ako sa tawag niya sakin kaya tinignan ko siya sa salamin at sinamaan ng tingin. Ngunit para wala lang siya pake at naglakad palapit sa akin.

Mabilis akong lumayo ng tangka niyang yapusin ako.

"Stop." Seryoso kong sabi at nag mumog na.

"Why?"

"Mali ito at may girlfriend ka!" Halos galit kong sabi at iniwan na siya sa banyo.

Mabilis akong kumuha ng damit, naramdaman ko ang pag lakad niya sa likod ko kaya tinignan ko siya at nakita kong naupo siya sa gilid ng kama.

Nagsalubong ang mata namin kaya mabilis akong nag iwas. Sinimulan ko na ang pag suot at alam kong pinapanood niya ako.

"Sexy" di ko pinansin ang sinabi niya. Nakita na niya ang lahat lahat sakin bat pa ko mahihiya.

Nang matapos akong magbihis ay naupo na ako sa harap ng salamin at binuksan ang hair blower para patuyuin ang buhok ko.

Nagulat ako ng may umagaw ng blower sa kamay ko kaya napatingin ako sa kumuha di na ko nagulat na si Sean ang kumuha nito. Pero nagulat ako ng simulan niya itapat sa buhok ko habang malumanay na sinusuklay.

Hindi na ko nag salita at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Ipinikit ko na lamang ang aking mata at nag simula na naman akong mag isip ng kung ano ano

"Bakit mo hinahayaan?"

"May girlfriend siya frey"

"Done. Come" mabilis kong naimulat ang aking mata ng magsalita siya. Inilahad niya ang kamay niya sakin ngunit hindi ko tinanggap at tumayo akong mag isa.

Mabilis niya namang nahawakan ang aking bewang kaya masamang tingin ang inabot niya sakin ngunit parang walang pake niya lang akong hinila at lumabas ng kwarto.

"Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko na alam ang daan na tinatahak namin.

Hindi ako nakarinig ng sagot sa kanya kaya nanahimik nalang ako. Tumigil kami sa isang kotse kaya nag tataka ko siyang tinignan

"What?" masungit niyang tanong.

Aba! ang lakas pa mag sungit gayong siya ang nanghihila.

"Anong what?!bat ako sasakay dyan?" Inis kong  tanong sa kanya

"We're going to eat" kibit balikat na sambit niya.

Huminga akong malalim at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Okay, last na to! Iiwasan ko na siya sa susunod.

Nang pumarada siya ay mabilis niyang binuksan ang pintuan kaya lumabas na ako at nauna akong maglakad pero nahabol niya ako kayat nahawakan niya agad ang aking braso.

Madaming napapatingin sa amin pero taas noo lang akong naglakad. Ngunit naaalala kong may girlfriend nga pala ang katabi ko kaya't napayuko ako. Baka iba pa ang isipin ng ibang tao

Nagulat ako ng dumausdos ang kamay niya patungo sa bewang ko.

"Bitaw" mahina kong sambit pero tinignan niya lang ako. At pinaghila ng upuan

Mabilis na lumapit samin ang waiter at inabot ang menu. Wala akong kilalang pagkain dito kayat ibinababa ko nalang ang hawak kong menu at nangalumbaba habang nakatanaw sa labas.

"What yours baby?" narinig kong sabi niya pero nag bingi-bingihan lang ako at patuloy na tumatanaw sa labas.

Narinig ko pa ang buntong hininga niya bago kausapin ang waiter para sabihin ang order.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay dumating na ang order.

"God!" Mabilis akong tumayo at tinignan ang nakahain sa lamesa habang takip takip ko ang aking labi't ilong para hindi maamoy ang di ka aya-aya.

"what's wrong?"nagkakatang tanong ni sean at tumayo para lapitan ako.

"Ang baho" nanghihina kong sabi.

Pakiramdam ko ay hinahalukay ang aking tyan at nagsimula na itong umikot. Kaya't mabilis akong lumabas ng restaurant at lumanghap ng sariwang hangin

Nang medyo umokay ang pakiramdam ko ay siyang pagdating ni sean na masamang nakatingin sakin.

"Bakit?" nagtataka kong tanong dahil masama padin ang tingin niya sakin.

Pero di niya pinansin ang tanong ko at pinagbuksan niya lang ako ng pintuan ng kotse kaya sumakay nalang ako.

Habang nag mamaneho siya ay naka kita ako ng fast food chain kaya pinatigil ko siya

"Why?"

"Im hungry" mahina kong sabi kaya tumingin siya sakin

"Pero di mo kinain ang inorder ko"

"E mabaho" wala na siyang nagawa ng makababa ako sa kotse at masaya akong naglakad namiss ko kumain sa jollibee.

"Pila ka hehe eto pera" nakangiti kong sabi kay sean at inabot ang pera ngunit di niya kinuha.

"What do you want?" tanong niya

"1 piece chicken, spaghetti, fries and ice cream" Alanganin kong sabi dahil nakatitig siya sakin ng mariin

"Okay." Yun lang ang tugon niya at pumila na.

Ng makarating siya ay sinimulan ko na ang kumain at hindi na nakielam sa paligid. Pakiramdam ko ay halos isang linggo akong hindi kumain.

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon