"Hello Philippines! And Hello world!"
Sabay bangon ko at bukas ng bintana. Heto nanaman si haring araw at sumisikat nanaman.
"Good morning mga kapitbahay!!!!"
Buti pa yung araw no? Hindi napapagod. Hindi siya nagsasawang balik balikan ka.
"Hoy Concha! Umagang umaga ang ingay mo!" Sigaw sakin nung matandang kapitbahay namin.
"Hay naku Mang Pedring! Wag kayong palaging nakasimangot. Bahala kayo baka bigla na lang kayong mamatay dyan! Smile smile din kasi."
"Ikaw bata ka!" Hala nainis ko ata yung matanda.
"Hihihi peace po! Matagal daw po talaga mamatay ang masamang damo eh." Sabay ngiti ko na kanya at talikod.
Haaaaaay panibagong araw nanaman pero dapat positive lang, wag nega.
THINK POSITIVE! WAG KANG AAYAW! Sabado pala ngayon. Its Palengke day! Ako muna papalit kay nanay sa patitinda.
"GOOD MORNING NAY! GOOD MORNING TAY!"
Sabi ko pagkalabas ko ng kwarto kong may tabing na kurtina.
"Oh maganda ata gising ng dalaga namin ah! Ano baka naman may nagtatangka nang umakyat ng ligaw? " Sabi ni tatay habang nagkakape.
"Naku tay! Kailangan happy lang para happy din buong araw. Ayaw kong simulan araw ko na puro BV lang!" Umupo na ako sa harap ng mesa at kumain na ng pandesal.
"Huh? Anak anong BV?" Tanong ni tatay na parang nagtataka. Haaaay naku tay!
"Bad Vibes tay! Kayo talaga huling huli na sa mga bagong uso ngayon!"
"At sa mga manliligaw, NO muna ako tay. Kailangan ko munang makapagtapos. Saka na yang lablayf lablayf na yan!"
"Yan ganyan dapat! Alalahanin mo at ikaw ang panganay! Marami ka pang kapatid na susunod sayo!"
Si nanay naman. Haaaay naku nay! Bakit kasi hindi niyo naisipang mag Family Planning ni tatay. Uso naman na siguro dati yung condom at pills diba? Diba?
Isipin niyo nga! Lima kaming magkakapatid.( Hahahahha oo na OA na po, yung iba nga eh pito hanggang sampu pa eh) Pero kasi hirap kaya ng buhay ngayon!
Pang apat ko na atang pandesal yun ng bigla nanamang umeksena si inay,
"Hoy tirahan mo yung mga kapatid mo! Anong akala mo sayo lahat yan? May mga kapatid ka pang kakain oh!"
"Oo na po! Haaaaay naku nay! Nasaan na ba yung bayong at aalis na ako."
Inabot naman ng nanay sa akin. "Bye Nay, Bye Tay! Oh diba rhyme!"
Habang naglalakad papuntang dalampasigan (Woooooh! Lalim!) Suuuuuper dami kong nakikitang mga kakilala.
Oh! Ang aga natin ngayon ah! Oo nga po alas singko y media palang ata eh
Heto na pala ang dyosa ng probinsya natin eh! Yeah, i know. Wag mo na po ipagkalat hihihi.
Ang sipag talaga ng batang eto oh! Siyempre! Dapat magsipag para maganda ang buhay!
Hirap talaga maging peymus dito sa amin. Dami ko tuloy fans!
At dahil.mabait ako binati ko silang LAHAT, "Hi po! Magandang umaga! Bawal simangot. Dapat happy lang!"
Pagdating ko sa tabing dagat eh ang dami ng bangkerong may dalang isda! Naku hanapin ko muna si Kuyang mabait.
"Manong! Pwede singkweta na lang per kilo netong Dalagambukid niyo? Tapos forty na lang dito sa Galunggong! Please manong!"
"Haaaay buhay! Buti na lang malakas ka saking bata ka kundi hindi ko na alam gagawin ko sayo!"
"Hihihi salamat Manong!"
Tapos siyempre pagkatapos ng walang humpay na tawaran eh diretso na ako sa palengke para itinda ang mga isda ko.
Ateng maganda bilihin mo na toh oh! Pag binili mo to di ka lang gaganda! Sesexy ka pa. (Maniwala ka na! Ako na nga lang naniniwalang maganda ka eh! Kahit mukha ka ng clown 'te sa kapal ng kolorete sa mukha.)
Kuyang Gwapo oh! Bilihin mo na to para mas lalo kang gumwapo sa paningin ko! (Shaks! Kinilig ata si Kuya. Ikaw ba naman masabihan ko ng ganyan, tignan ko lang kung hindi ka kiligin.)
Naku Lola, mukhapo kayong bumabata ah! Dahil ata sa isda ko yan eh. Oh sige na 'la bili na po kayo. (Maging magalang dapat all the time!)
At pagdating ng tanghali. Woooooooooh! Ubos na ang paninda ko!
Gamitan ba naman ng charms eh, panigurado wala silang palag!
"Uy! Concha uuwi ka na ba? Sabay na tayo!" Yaya sakin ni Juan, ang kapitbahay naming ubod ng gwapo.
"Aah eh" Siyempre medyo pabebe muna ah! Pakipot. "Sigurado ka ba? Baka naman nakakaistorbo ako?"
"Ano ka ba! Hindi ka na iba sa akin! Simula bata tayo na magkasama, ngayon ka paba magpapakipot? Nakita na nga kitang tumatae eh. Papakipot ka pa!" Sabay tawa pa niya.
"TSE! Wag mo nga ipaalala yun! Letse ka!"
Tawa siya ng tawa sa reaksyon ko.
"Ah sige pala. Hintayin mo na lang ako sa tapat ng simbahan. May bibilhin pa kasi ako eh. Hindi ako magtatagal. Pramis!"
Tumango naman siya at umalis na din ako.
Pumunta ako sa Gulayan section ng palengke. Namakyaw ako ng mga gulay. Buti na lang pala at medyo malaki ang kinita ko ngayon sa pagbebenta.
Inilgay ko na yung mga gulay sa bayong ko at naglakad na papuntang simbahan.
Haaaaay naku! Kapagod talaga ang araw na to! Medto tomguts na din ako kaya kailangan ko na magmadaling umuwi.
Papatawid na ako sa pedestrian lane (Mabait na bata ata toh! Tumawid sa tamang tawiran ah!) papuntang simbahan ng bigla na lang...
BEEEEEEEEEEEEEEEEP! BEEEEEEEEEEEEEP!