3

13 2 2
                                    

I was driving papunta sa isang event ni Mommy. Ewan ko ba kay Mommy at nagpapalakas na ata dito sa probinsya namin.

She told us that she want to run as Governor of this province. Eh sige lang, suportahan ko na lang si Mom kesa naman nasa akin yung attention niya.

BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!
BEEEEEEEEEEEEP!

Shit! Muntik na akong makabangga. Eh bakit kasi hindi tumitingin yang babaeng yan sa tatawiran niya! Hindi ba siya marunong ng tingin sa kaliwat kanan bago tumawid?

Kung kailan ka nagmamadali eh duon naman may mangyayaring ganito.

Lagot nanaman ako kay Mommy neto oh! I look at my wristwatch at nakita kong 10 mins na lang before magstart yung program ni mom.

BEEEEEEEEEEEEP!

Hindi na ata nakamove on yung nabangga ko at forever na siya dun sa kalsada kaya binusinahan ko na. Arggggh! Magagalit nanaman si mom neto.

"HOY! KUNG SINO KA MANG PONCIO PILATO KA LUMABAS KA DITO AT HARAPIN MO AKO! WALANG HIYA KA! MUNTIK NA AKONG MAMATAY NG DAHIL SAYO."

Napansin kong parang nagulat ata yung mga tao sa paligid namin dahil nagsimula ng mag ingay yung babae sa gitna ng kalsada. Parang armalite yung bunganga niya, walang hinto.

"ALAM MO BANG ANG DAMI KO PANG PANGARAP SA BUHAY HA! NI WALA PA NGA AKONG LABLAYF AT NOBYO, PAPATAYIN MO NA AKO!? HAYOP KA! KUNG SINO KA MAN LUMABAS KA KUNG MATAPANG KA AT MAGTUOS TAYO! ANONG AKALA MO GANUN GANUN  NA LANG YUN!"

Medyo napatawa ako sa pinagsasabi ni Ate. Wala pa daw lablayf at nobyo? Eh mukhang magkasing edad nga lang kami. Imposible naman ata yun.  Napatingin naman ako sa mukha niya.

Auuugh! Bakit ngayon ko lang napansin na sobrang ganda niya? Yun bang tipong simple lang pero ang lakas ng dating.

*phone ringing

Sh*t! MOM's calling.

"Hello mom?"

"NASAAN KA NA BA TERRENCE!? YOU KNOW THAT I NEED YOU HERE, RIGHT? PAG WALA KA PA DITO WITHIN FIVE MINUTES, ITAGA MO SA BATO NA TATANGGALIN KO ANG ALLOWANCE MO FOR A MONTH. YOU HEARD ME?"

"Ye-ees mommy. Im on my way na actually."

Tapos bigla na lang akong binabaan. Nakakatakot talaga si Mommy pag galit.

I really need to go na so i decided na businahan na lang ulit siya.

BEEEEEEEEEP! BEEEEEEEP!

"SINASABI KO SAYO KONTI NA LANG TALAGA AT BAKA HINDI NA KITA MATANTIYA! ISANG BUSINA PA TALAGA AT BAKA MAGDILIM NA PANINGIN KO SAYONG HUDAS KA!"

Medyo nagiging wild na si ate na pinagpalalo na nung bayong niya ang harap ng kotse ko. Lagot ako neto sa kapatid ko. Wag sanang magasgasan yung hood ng kotse.

"HOY! HUDAS BARABAS HESTAS! LUMABAS KA SABI EH! ANO! BAKLA KA BA AT TAKOT KANG LUMABAS AT HARAPIN AKO!"

Naisipan ko naman na bumaba na para matapos na tong commotion namin dito sa gitna ng kalsada.

Napansin ko lang na pagkababa ko eh, tumahimik ata. Pagtingin ko kay Ms. Beautiful eh na starstruck ata sa kagwapuhan ko. Baka sabihin niyo nagyayabang ako! May  maipagyayabang naman eh!

I decided na lapitan na si Ms. Beautiful para makita ko siya sa malapitan.

"Miss pakisarado yung bibig mo baka pasukan ng langaw."

Natawa ako sa reaksyon niya. Niloloko ko lang naman siya eh. Pero kahit ganun, ang ganda pa din niya.

"HOOY!......... ahm....... ano.."

Natuwa ako sa isip ko at ang lakas ata ng epekto ko sa kanya. Nautal si Ms. Beautiful.

"Ano miss? May sasabihin ka pa ba? Kung makatalak ka kanina daig mo pa ang inahing manok. Ano? Magkano ba? Name your price!"

I just said it para mapabilis na. Alam mo naman ang mga tao ngayon, patungan mo lang ng pera eh mananahimik na.

Kumuha ako ng limang libo sa wallet ko at ipinakita sa kanya.

"Is Five thousand enough? O kailangan ko pang dagdagan pa?"

Baka naman kasi kulang pa eh! Concern lang naman ako.

"HOY KUYA! LINTIK NA NAME  YOUR PRICE NA YAN! LANGYA KA! ANONG AKALA MO SA AKIN!"

Lumapit siya sa akin at dinuro ako.

"Hindi ka ba marunong magsorry ah!? Isang maliit na sorry lang, solb na ako eh. Kayo talagang mga mayayaman, anong akala niyo madadaan niyo lahat sa pera? Huh?"

Medyo lumayo naman ako sa kanya at pinagpagan ko yung suot kong puting long sleeve na polo.

"Miss you see, nagmamadali kasi ako. And i have an imporant meeting to attend to. Ano okay na ba yung five thousand?"

"Tse! Sayo na yang pera mo! WALANG MODO! Sorry lang di pa masabi! Lintik!"

Umalis si ate at nagsimula ng magpulot nung mga gulay na nagkalat sa kalye. Lalapitan ko na sana siya nung bigla na lang magring yung phone ko.

Si Mom! She's calling! Agad naman akong sumakay sa sasakyan ko pero before ako umalis ay may sinigaw ako kay Ms. Beautiful.

"MISS KUNG GUSTO MO LABLAYF NA LANG BIGAY KO SAYO TAPOS AKO NA LANG NOBYO MO!"

Hindi ko na nakita yung reaksyon niya kasi binilisan ko na yung pagpapatakbo ko ng kotse.

Lagot na ako neto panigurado kay Mom.

Ano kayang pangalan niya? She's beautiful. Na love at first sight ata ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon