BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!
BEEEEEEEEEEEEP!Dahil sa lakas ng busina niya ay natilapon tuloy sa kalsada iyong mga pinamili kong gulay.
Nagkagulo na din yung mga tao sa paligid ko.
May mga lumapit pang nagtatanong kung okay lang daw ba ako.
Huhuhuhu tiningnan ko yung mga pinamili ko.
Wasak wasak na yung mga petsay at repolyo ko.
Yung mga kalamansi nagsigulong na. Yung itlog naman na binili ko, scrambled na!
Yung iba pang gulay eh nagkalat na sa daan.
BEEEEEEEEEEEEP!
Aba at hindi pa tumigil! Tinignan ko ng masama etong itim na Ford Ranger sa harap ko.
"HOY! KUNG SINO KA MANG PONCIO PILATO KA LUMABAS KA DITO AT HARAPIN MO AKO! WALANG HIYA KA! MUNTIK NA AKONG MAMATAY NG DAHIL SAYO."
Nagulat ata yung mga tao sa paligid ko dahil nagsimula na akong magratrat dito sa gitna ng kalsada.
"ALAM MO BANG ANG DAMI KO PANG PANGARAP SA BUHAY HA! NI WALA PA NGA AKONG LABLAYF AT NOBYO, PAPATAYIN MO NA AKO!? HAYOP KA! KUNG SINO KA MAN LUMABAS KA KUNG MATAPANG KA AT MAGTUOS TAYO! ANONG AKALA MO GANUN GANUN NA LANG YUN!"
BEEEEEEEEEP! BEEEEEEEP!
"SINASABI KO SAYO KONTI NA LANG TALAGA AT BAKA HINDI NA KITA MATANTIYA! ISANG BUSINA PA TALAGA AT BAKA MAGDILIM NA PANINGIN KO SAYONG HUDAS KA!"
Pinulot ko yung bayong ko at lumapit ako sa sasakyan niya at pinagpapalo ko ng hawak kong bayong ang harapan ng kotse niya.
"HOY! HUDAS BARABAS HESTAS! LUMABAS KA SABI EH! ANO! BAKLA KA BA AT TAKOT KANG LUMABAS AT HARAPIN AKO!"
Bumukas naman ang pintuan ng Driver's seat at tumambad sa akin ang isang gwapong lalake. Scratch that! HINDI LANG PALA GWAPO! SOBRANG GWAPO PA! PARANG ARTISTA SI KUYA! Concha, wag kang magpapaapekto! Sinasabi ko sayo wag kang magkakamali!
Bigla naman lumapit si kuya sakin.
"Miss pakisarado yung bibig mo baka pasukan ng langaw."
Huh? Abat ang yabang naman netong hinayupak na ito. Pagkatapos niyang sabihin yun ay nabalik ako sa reyalidad.
"HOOY!......... ahm....... ano.."
Waaaaah! Nagkaspeech disorder na ata ako. Bakit di ako makapagsalita ng maayos?!
"Ano miss? May sasabihin ka pa ba? Kung makatalak ka kanina daig mo pa ang inahing manok. Ano? Magkano ba? Name your price!"
Name your price! Lintik na! Ano ako bayaran?
Humugot siya ng mga limang libo ata at ipinakita sakin.
"Is Five thousand enough? O kailangan ko pang dagdagan pa?"
Concha ang presyon mo baka biglang tumaas. Timpi lang ng konting konti pa.
"HOY KUYA! LINTIK NA NAME YOUR PRICE NA YAN! LANGYA KA! ANONG AKALA MO SA AKIN!"
Lumapit ako sa kanya at dinuro siya.
"Hindi ka ba marunong magsorry ah!? Isang maliit na sorry lang, solb na ako eh. Kayo talagang mga mayayaman, anong akala niyo madadaan niyo lahat sa pera? Huh?"
Medyo lumayo naman si kuya sa akin tapos pinagpagan yung suot niyang puting long sleeve polo.
"Miss you see, nagmamadali kasi ako. And i have an imporant meeting to attend to. Ano okay na ba yung five thousand?"
"Tse! Sayo na yang pera mo! WALANG MODO! Sorry lang di pa masabi! Lintik!"
Sabay walkout. Dejk lang syempre pinagpupulot ko muna yung mga gulay na binili ko. Sayang naman eh. Pwede pa pagtiyagaan at konting hugas lang.
"MISS KUNG GUSTO MO LABLAYF NA LANG BIGAY KO SAYO TAPOS AKO NA LANG NOBYO MO!"
Sigaw ni kuya sa akin na nagpapula naman sa mukha ko. Wag Concha.
Wag mo siyang pansinin. Wala siyang modo!
Nagpasalamat naman ako at may mga mabubuting tao na tumulong sa akin sa pagpulot.
Pagtingin ko sa lalaking yun, wala na siya umalis na.
Bakit ano namang akala mo? Na pipilitin ka niyang maging nobya niya? Asa.
○○○○○
Pagkatapos ng eksena namin ni kuya ay dumiretso na ako ng simbahan at nakita ko naman na si Juan sa may tricycle niya.
Sayang si kuya. Gwapo na sana eh wala lang modo. Kailangan atang maturuan ng Good Manners and Right Conduct! Oha.
"Oh Concha bakit ang tagal mo naman. Sabi mo saglit ka lang? Muntik na ata akong magkaugat dito kakahintay sayo"
"Hay naku Juan, wag muna ngayon at medyo mainit pa ang ulo ko. May hinayupak kasi akong nasalubong. Ayun sumama timpla ng araw ko."
"Sabi mo eh. Tara na at baka naghihintay na ang nanay at tatay mo. Gutom na ako."