He's with Cold-Crazy Lady
Andrea's POV
Nagising nalang ako sa sinag ng araw na tumatama sa bintana ng kwarto ko. Sino ba nagbukas neto? Naku siguro si Mamang nanaman! Anong oras na ba? Chineck ko yung phone ko at napabangon ako ng makitang 11:36am na. Shit.
*krrrrruuuuuu* narinig ko naman ang tiyan ko! Waaaaah gutom na gutom na ko. I skip breakfast myghad. Kakaen talaga ko ng madami ngayon! Hayst.
Tumayo na ko mula sa higaan ko at dumiretso sa banyo dito rin sa kwarto ko. Naghilamos ako at nagpalit ng damit tsaka ako lumabas ng bathroom.
Nagsuklay ako ng buhok at nag-ipit ng pony. Ang haba na kase ng buhok ko e. Kulot pa naman! Hmp. Pastraight naman kaya ako?
Bumaba na ko sa kusina at nakita ko si Mamang na naghahanda ng pagkaen.
"Mamang" nilapitan ko ito atsaka ako humalik. Malapit ako kay Mamang kase sya lagi kong kasama pag wala sila mommy. Mula bata ako sya na nag-alaga saken. Kaya napakabaet ko kase mabaet si Mamang! "Ano pong niluto nyo?"
"Jusmiyo anak, ngayon ka lang ba nagising? Hindi ka na nakakaen ng umagahan. Umalis na ang mom at dad mo, hindi ka na nila nahintay. Ayan oh, nagpaluto ako kay Hannah ng Tinolang manok. Kakaen ka na ba?" ang haba ng sinabi ni Mamang -.- Nagtanong lang ako kung anong ulam e, tsaka sanay na kong wala sila Mommy. Sus hindi na bago yon
"Yes po Mamang, gutom na gutom na po ako e." nginitian ko si Mamang "Sabayan nyo na rin po ako. Wala po akong kasabay e, tawagin nyo na rin po si Ate Hannah." si ate hannah yung apo ni Mamang na iniwan sakanya ng magaling nyang anak. Tsk!
Tinawag na ni Mamang si Ate Hannah para sabayan akong kumaen.
Umupo na ko sa tapat ng lamesa at sinundan naman ako ni Mamang at ni ate Hannah. Unlike her mother, mabaet si Ate Hannah. Hindi sya kumokontra kung anong utos sakanya. Sobrang baet nya!
Nagsimula na kameng kumaen ng maramdaman ko ang kirot ng braso ko. Naalala kong inilaglag nga pala ko ni Faye sa hagdan =_=
"Mamang? Pwede po ba kong magpahilot mamaya? Ang saket po kase ng braso ko."
"Baket anong nangyare sayo nak?" may pag-aalalang tanong saken ni Mamang.
"Ehh s-----" pinutol ni ate hannah ang sasabihin ko ng magsalita ito.
"Naku lola, nalaglag yan sa hagdan kagabe. Nagmamadali kase silang bumaba ni Faye, ayan nalaglag tuloy." nakita pala ni Ate Hannah yon. Jusko nakakahiya!
"Ah. Si Faye po kase e, please po? Hilutin nyo na po ako." nakita ko namang tumango si Mamang kaya kumaen na ulit ako. "Ate? Maganda pa rin naman ako nung nalaglag ako diba?"
Napatawa naman sila sa tanong ko. What? Anong nakakatawa? Naku. Baka ampanget ko nun.
"Kahit naman anong ayos mo, kahit nga nakanganga ka matulog maganda ka pa din e." bat feeling ko nakakahiya yung sinabi ni Ate Hannah.
"Yaaaaah! Wag ka nga ate. Wag mo na sabihin yon. Nakakahiya e." napatawa ko nanaman sila, kumaen na lang nga ko. Ginagawa nila kong clown, napapansin ko na kanina pa nila ko pinagtatawanan -.-
"Btw ate hannah, san mo nga pala balak mag-aral ng college. Pwede naman na dun ka na lang rin sa papasukan ko? Change your mind na kase ate." pinipilit ko na sa West Harlow University na lang siya pumasok. Para may kasama ko bukod kay Faye.