Your Call- Chapter 1

9 0 0
                                    

Nasa harapan ako ng computer. Ilang oras na rin ako nandito. Normal lang naman sa akin yan.

Every summer, ganito lang ginagawa ko: gigising, kakain, magcocomputer, matutulog. Then back to start. Routine ko na yan. Kahit may pasok, ganyan rin naman ginagawa ko. May dagdag nga lang na "papasok sa school".

I was scrolling through facebook, looking at stuff. I got bored and went to twitter. Meh. Boring din.

I went to 9gag. Never pa ako nabore sa site na yan. Nakakatawa kasi yung mga memes.

Nakarinig ako ng beeping sound. May message ako sa facebook.

"Mae, okay ka lang ba? Di ka kasi mukhang masaya kahapon."

Bestfriend ko pala, si Carla Rodriguez. 15 years old siya. 5"1 yung height. Yeah, pandak pero normal naman ata yun para sa age namin.

Third year na kami. 3rd  siya sa klase namin. Aral lang ng aral. Kumakain ata yun ng libro.

Kahit nerd type, maganda siya. She has black hair falling to her mid waist. May glasses siya pero di makapal ang frame. But mas gugustuhin niyang magsuot ng contacts.

May social life naman siya. Marami siyang kaibigan pero I think dahil lang sa pagkakaroon ng mataas na rank sa academics.

Oops! I forgot to introduce myself.

*intro music*

Hi! I am Mae Hernandez, 15 years of age. Philippines!

Beauty queen ang introduction ko ha. Give me credit for that.

Seryoso na. I'm Mae Hernandez, 15 years old. I live and study in Makati. Third year high school na ako. Kaklase ko si Carla. Tenth lang ako sa klase.

Mahaba din hair ko. Similar with Carla. Pero yung kanya nakatali ng ponytail. Yung akin kasi nakabraid; any kind of braid, ginagawa ko sa buhok ko.

I'm taller than Carla. 5"4 ata ako. Yep, shorty pa rin.

Anyway, where were we? Oh,right. Minessage ako ni Carla sa facebook. I don't get kung bakit sa facebook niya pa ako ginulo. May phone naman ako. Eh. Baka walang load or something.

Pinoproblema ko pa kung bakit di niya ako tinetext. xD

"I'm fine. Why wouldn't I be? Siyempre masaya ako kahapon." reply ko sa kanya. I was lying. Well, only the second part.

"Ahh... akala ko kasi may problem ka yesterday. Madalas ka kasi nakatitig na nakasimangot." Napansin niya pala iyon.

"Okay lang ako, really. Naalala ko lang yung book na binasa ko."

Hindi naman talaga yun yung reason eh.

"Anong book? Ikwento mo kung anong nangyari dun."

"Eh, ayoko." May binasa talaga akong book ah. Di yun lie.

"Aw, never mind na nga yung book. Sure ka okay ka lang?" Dapat pala sinabi ko na lang yung book para maiba yung topic. Ang stupid ko. *face palm*

"Of course I'm fine. You worry too much."

"Oh, okay. Kailangan ko nang umalis. Sure ka talaga ha?" Yes,  aalis na din siya.

"Yeah, yeah. I'm fine."

"Okay. Bye."

I was typing "Okie dokie. Bye, Ta--" but she went offline. Meh. I didn't bother to send it. Tamad akong bata lalo na pag summer.

I'm back to surfing the web. Di naman ata masyadong halata na wala akong social life.

I don't need friends. Acquaintances, pwede.

Well, it's just that, I love my computer too much that I could just marry it. That would seem like a good idea.

I'd rather be at home with my computer kesa naman nasa outside world ako na full of dirt and germs and disease.

Just kidding. Maraming fake people outside. The ones they call 'plastic'. Nagkalat sila. It's hard to avoid them.

Going back to what I'm doing, scrolling through facebook nanaman.

Nakakita ako ng picture. It was me and a 'friend'. We were on a swing, smiling, when another 'friend' of mine took a photo of us. Di naman siya stolen. Kitang kita naman namin na kinukuhaan kami ng picture.

That happened yesterday before ako mainis.

Kahapon kasi, birthday ko. Sabi ni mama mag-invite ako ng friends over para sa party.

I invited Carla-- only Carla. Eh, may kaibigan siya na ininvite kasi ayaw niya namang mag-isang bisita.

Pumayag naman akong isama yung friend niya. Dito nagsimula ang chain reaction.

Yung friend na yun, di sasama pag wala si ganito. Sabi nama ni ganito, di siya sasama pag wala si ganyan. Sabi naman ni ganyan kailangan kasama si ano. The process continued. So on and so forth.

And, I ended up with having 11 'friends' over. Ansaya, no? Birthday ko pero di ako yung nang-invite sa mga yun.

Around six nagsimula ang party. And what I mean by party ay kainan lang and kwentuhan with with those people.

Di lang naman yung mga wild drinking fun yung meaning ng party eh. Pwede namang get together and have a few laughs meaning nun.

Nasa playground kami bago kumain kasi naghahanda pa mama ko sa bahay. Kung anu ano yung ginagawa ko para lang mag-enjoy.

Walang kwenta yung mga bisita ko. Their eyes were glued to their phones. Nagpapapansin na ako sa kanila, di nila ako pinapansin. Bwisit -__-

Tinext ko na sila para lang pansinin ako, inignore pa rin ako.

This is why I don't have friends. They're all bitches.

Nawala ako sa thoughts ko nang biglang nagvibrate phone ko.

Unknown number calling...

--------------------

There's chapter one. :)

Hope you guys liked it. Di po ako pro sa pagsusulat. Pagbigyan.

Guys, wala pa po akong cover. Kung pwede po kayong gumawa, just send me one. I don't have time yet to make one. I'm busy with school.

Vomment po guys! (Vote and comment cuz Cote is too mainstream and I like the way it sounds. Kinda reminds me of vomit...)

Thanks so much! :)

-Michiee

Your CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon