Your Call- Chapter 3

7 0 0
                                    

"Sino siya?" Tinanong ako ni Carla. Nakadapa siya sa kama habang pinakikialaman ang phone ko.

Nandito siya sa bahay ngayon. Inimbita ko siya kasi medyo nababagot na ako.

May kuya ako, isang boy scout kaya wala siya sa bahay ngayon. Nagcacamping siya with his fellow boy scouts sa Laguna ata. Mabuting kapatid talaga ako. Whereabouts nga lang ng kapatid ko, di ko pa alam.

Gusto ko sana sumama sa kanya pero di pwede. Mga lalaki kasama niya. Boy scouts nga di ba?

Kung nandun ako, ganito mangyayari:

Mapapawisan ang lahat dahil sa mga activities na pinaggagawa. May mga lalaki na naghuhubad sa harapan ko. Tapos, makikita ko yung abs nila. Oooh. Yummy. Baka every night ibang lalaki ang kasama kong matulog.

Joke lang!!! Hahahaha. Di ako ganung klaseng babae. Di ako malandi. Wala akong balak magkaroon ng physical contact sa lalaki, except my brother. Nagkikiss kami nun. Sa cheeks nga lang. Wag kayong mag-isip ng kung anu-ano diyan. Walang incest na nangyayari.

"Hello? Earth to Mae?" Pinitik ako ni Carla sa noo.

"What was that for!?" Sumigaw ako ng konti habang hinihimas ang noo ko. Di naman masakit yung pitik niya. Drama ko lang yun.

"Asus, umaarte ka pa. Di naman masakit ang pitik ko."

"Oo na." I rolled my eyes. Taray mode ako. Haha. "Ba't mo nga ako pinitik?"

"Nagpunta ka nanaman kasi sa mundo ng kawalan." Bumalik siya sa dati niyang posisyon na nakadapa sa kama.

Kapal ng mukha ng babaeng to eh. Kama ko, siya yung nakadapa habang ako nakaupo lang sa dulo ng kama.

"Sino nga kasi siya?" Nagtanong ulit siya. Curious niya masyado.

"Ha? Sino?" Kinunot ko noo ko. Nagkunwari akong di ko kilala ang tinutukoy niya.

"Yung sa phone mo." Tinaas niya phone ko para ipakita sa akin at inalog ito ng dahan dahan pakaliwa't kanan.

"Di ko alam ang pinagsasabi mo."

Tumayo siya sa pagkadapa at ininat ang katawan niya. Tumabi siya sa akin na naka indian sit. "Wag ka ngang magmaang maangan diyan. Alam mo naman ang tinitukoy ko eh."

I rolled my eyes. "I don't know what you're talking about."

"Sino yung guy na nagtetext at tumatawag sa'yo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

"Ba't mo naman nasabing guy siya?"

"Ang sweet kasi ng mga text niya eh... Di naman ganyan magtext ang babae." Lalong nanlaki ang mata ko.

Binabasa niya ang mga text sa inbox ko?

"Oo. Wala namang password eh." Nagbabasa siya sa phone ko. Gaga talaga to.

Ibig sabihin sinabi ko yun ng malakas? *face palm*

"Hoy! Privacy naman!" Sinigawan ko siya. Sinubukan kong hablutin ang phone ko pero naka-iwas siya.

Tumayo siya at tumakbo palayo sa akin.

"Maghanda ka, Carla!" Tumayo ako at sinundan siya.

Nasa magkabilang dulo kami ng kama. Tuwing gagalaw ang isa sa amin, sa kabilang direksyon gagalaw ang isa pa. Patuloy lang kami ng ganun hanggang sa mag fast break siya.

Lumabas siya ng kwarto kong tumatawa hanggang sa makababa siya ng hagdan. Hinabol ko siya pero di ko nagawa kasi nadapa ako sa librong di ko napansing nakalapag sa sahig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon