Your Call- Chapter 2

7 0 0
                                    

"Umm... h-hello?" Oh gad. Bakit ba ako nagstastammer? Di ka naman niya kilala. Confidence

boost naman diyan kahit konti.

"Hello?" sabi ng lalaki sa kabilang linya. Paano niya nakuha number ko?

"Hello?" nag-hello nanaman ako.

"Hello?" nag-hello nanaman siya.

"Hello?"

"Hello?"

"Hello?"

"Hello?"

Ay put-- sorry, di mapigil ng bungaga kong magmura. Ang kulit naman kasi ng lalaking ito. Paulit-ulit ang pag-hello.

Pinutol ko yung convo. Binabaan ko siya. Magalang akong bata no?

Eh kasi naman, ang kulit kulit niya. Hello lang ng hello. Parrot ba siya ni Mr. Bean?

Bumalik ako sa pagcocomputer. Inistorbo lang ako ng tumawag. Mas importante sakin ang pagFacebook, Twitter, 9gag, at YouTube.

Akala ko naman "kaibigan" ko yun na nagpalit lang ng number. Bwisit -__-

"Mae, ilakad mo na yung aso. Taeng tae na yan." sabi ng mama ko. Really, ma? Did you really have to mention na taeng tae na ang aso?

Sumunod naman ako sa utos niya. Nag switch user muna ako sa computer. Di ko iniiwang nakabukas desktop ko. I have secrets at ayokong makita ng kahit na sino.

Kinuha ko phone ko at yung leash ng aso ko. Kumuha rin ako ng plastic bag kasi maarte ang aso ko magbawas. Lumabas na ako ng bahay.

Lumibot libot lang ako ng aso ko sa subdivision namin. Dalawang beses na kami umikot bago tumigil sa tapat ng isang bahay. May kaibigang aso doon ang aso ko. Pinalaro ko muna silang dalawa.

Pinapanood ko lang ang dalawang masayang aso maglaro. Nakakatuwa silang panoorin.

May tumawag nanaman sa akin. Guess who?

Yes, siya nga. Yung bwisit na nang-istorbo sa akin kanina.

"Hello?" halatang nabwibwisit ako sa tono ng boses ko.

"Hello." Close tayo, kuya? Kung makapagsabi naman siya ng hello parang ang tagal na naming magkakilala.

"Ano kailangan mo?" Yep, I snapped at him.

"Wala naman." Nang-gagag* to oh. Binaba ko yung phone ko. Istorbo lang naman siya.

Tinuruan ako ng magulang ko ng manners pero nakakainis na siya. Manners schmanners my ass.

Vibrate ng vibrate ang phone ko. Tumatawag nanaman siya. Bahala nga siya. I will ignore him.

Nth time na niyang tumawag. Sobrang stubborn ng guy na ito.

Biglang tumigil ang pag vibrate ng phone ko. Nag-intay ako ng a few minutes pero di na ulit nagvibrate. Thank God.

Tiningnan ko phone ko. What the f? 23 missed calls mula sa fudger na yun within 10 minutes lang ata yun.

Binalik ko sa bulsa yung phone ko. Finally, it's over.

Nagvibrate nanaman phone ko pero this time two short vibrations lang meaning may nagtext sa akin.

Him: Hello

Parrot ata talaga siya ni Mr. Bean eh.

Pansinin ko ba siya o hindi? Oo o hindi? Sasagot ba ako sa Hello niya?

Shete. -__- Bakit ako namomroblema sa kanya?

Bahala na nga siya sa buhay niya. Di ko siya papansinin. Manigas siya.

Your CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon