PROLOUGE
Aaminin ko, Torpe Ako.
Torpe ako dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa crush ko noong highschool na crush ko siya sa paraang hindi ako mawawalan ng hangin sa ulo at mauubusan ng laway kahit wala pa akong binabanggit na salita sa kanya. ang naaalala ko lang na naging ending ng eksenang iyon ay ang pag iling iling niya kasabay ng pagsabing "you know what?? you're pathetic." at naglaho na syang parang bula sa hangin. sweeeea. epic fail dre.
torpe ako dahil hindi ko alam kung paano magsimula ng conresation with girls, at mas lalong ang matingnan sila diretso sa mga mata. isipin ko pa lang ay dama ko na ang pag ikot ng paningin ko at paninigas ng mga braso ko. (hindi ko alam kung bakit ako ganito. may sakit yata akong hindi ng alam ng mundo kaya wala pa akong nahahgilap na gamot panglunas sa nararamdaman ko.)
torpe ako dahil hindi ko alam ang tamang teknik sa pagbati ng simpleng hi sa isang dalagang napadaan sa tambayan namin ng tropa noong highschool. mukha nga yatang kinarir ko na ang pagiging "man who can't be moved" ko sa tuwing may ngingiti sa aking dalaga. at mga pagkakataong napapligiran nila ako. gawa ng ganitong mannerism ko eh ginawaran ako ng mga tropa ko noong last last fourth year ng one in a lifetime award, "The living statue." thanks mga dude.
torpe ako dahil wala akong kaalam-alam sa panliligaw. ni pambili nga ng rosas at tsokolateng ihahandog sa dalgang natitipuhan eh wala ako, at yun pa kayang "getting to know each other" stage eh hindi ko malampasan, yun pa kayang pormal ka nang manliligaw. sa totoo lang sa edad kong ito eh tatanga tanga pa nga ako sa directions ng lugar, yun pa kyang maghatid sundo ng nililigawan? wala pa nga ako doon sa friendship zone eh turn off na sila sa akn. turn off, turn on. ano ba sila ilaw??
torpe ako dahi nauso noong 21st century ang salitang torpe at mas lalo lang sumikat noong naging isa ako sa nlahian ng kumakalat pa amang na epidemya ng pagiging torpe. wala na mga men, yun na ang tawag nila sa akin. EERSINCE.
Torpe ako dahil mahilig ako sa loe letters, at magsulat mismo ng love letters. yung isa ngnag letter na naisulat ko para sa crush kong si maria noong grade six eh nakuha ng teacher namin at binasa sa buong klase. ganoon na lang ang pamumula ko, at panghihinaang ko noong simula noo'y lumayo na sa akin si maria. haaist.
torpe ako dahil naisa isa ko na ang ko na siguro nag mga dahilan ko kung bakit ko nasabi kong torpe ako.pero may isang bahagi yata akong nasi ihuli. sabihin na lang nating pinaikot ni god ang oras ko, bumugsoo ang hanging amihan, at sa pagitan ng school library sa mainit na araw ng hunyo,
NAKILALA KO SIYA.
at oo nga, TORPE NGA AKO. <3