(+ UNANG KABANATA ??+)
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan itong kuwentong binabasa mo, ni hindi ko nga alam kung may patutunguhan ba itong paglalahad ko, o bakit ako nagkukuwento rito. pero sana naman, sayo na nagki click ng mouse pababa sana wag mo nang bitawan pa ha?? tiwala lang, gaganda din ang mga susunod na maga kabanata. tiwala lang.
( teka nagtae ballpen ko, ayusin ko lang.)
(ayan ayos na.)
so yun na nga. saan ba ako magsisimula?? doon ba sa tila hanging bridge na mga kilay na ipinukol sa akin ng secretary ng college of arts and sciences noong unang tapak ko sa ARU? o sa kung paano niya ako muling tiningnan mula ulo hanggang sa mga daliri ng mga paa ko noong mabasa niyang ipinasa ko ang enrollment form? kanina pa ako naiilang sa ginagawa niyang pagmamasid sa akin.(wla tuloy sa timing kong nahaplos ang buhok kong naliligo sa gel.) madami pa siyang itinatak roo sa envelop ko, para ngang bugbog sarado na yung mga papel sa tindi ng effort niyang magtatak ng kung ano ano roon. maya maya ay na meet kong muli ang hanging bridge niyang mga kilay.
"freshmen ka?"
"opo." sagot ko.
:"FRANCISCO BENIGNO BERINGAL JR." basa nia sa pangalan ko." AB-POLSCI noh??"
"opo."
" sige pumuna ka sa guidance office,d un yun sa may malapit sa entrance, sa may cb building. Next!"
pagkasabi nya noon ay kinuha ko na ang envelop ko at lumabas ng CAS office. katulad kanina ay bumungad sa akin ang mahabang pila ng mga estudyanteng tulad ko na tila badtrip na sa haba ng pila. inip na inip na ang karamihan sa akanila,maya't maya ang bulungan. noong sinubukan kong tawirin ang mahabang pilang iyon ay pakiramdam ko;y nasa edsa revolution mode na ako. nakikiisa para sa tuluyang pagkakaisa ng lahat tungo sa ikabubuti ng bansa, ng bawat isa, ng bawat pilipino...
" WHAT THE--"
"EXCUSE ME, SORRI PO,"
"ANO BA 'YAN?"
"LOOK WHERE YOU'RE HEADING ASSHOLE!"
"MAKIKISUSG LANG PO."
"DADAAN KA?? SANDALI LANG."
"EXCUSE PO, SORRY PO."
Ilangh kibot at usog pa'y sa wakas na survived ko ang pila. PHEEEEEEW. kung alam ko lang na ganito kahabang lubid ng pila ang ssalubong sa akin eh di sana maaga ako gumising kanina. heto nga't tila namantal pa ang mga braso ko sa pakikipaggitgitan sa kanila. sa ngayon ay kakarerin ko muna ang pagiging male version ni dora. malaki ang ARU at tiyak kong makakailang ikot at piko muna ako bago mahanap ang guidance office na iyon. goodluck muna sa akin mga fre.
matapos ang mala prusisyong proseso ng enrollment sa wakas ay nakalabas na akong ARU.mag aalas tres na ng hapon nong tuluyan na akong sumakay ng jeep sa may buendia. hindi pa man kami nakakalayo ng takbo ng jeep na iyon ay nagulat na lang ako sa mbilis na paghinto, kasabay ng pagkatalsik ko sa may dulo ng jeep. lakas maka head bang. anak ng jeep naman oh.
"Anak ng--"
"hoy gago! alam kmo nang mag oover take ako makikipaghabulan ka pa!"
"ta____ ina ka! ikaw nga itong ang bumilis kumaliwa eh nag memenor pa yung bus!"
nagmumurahan pa sila kuya noong may marinig kaming silbato ng puilis sa may di kalayuan. sa gulat ko na naman ay umarangkada ng takbo si kuyang tsuper, at muli, sa ikalwang pagkakaton ay muli akong nagitgit sa kabilang dulo ng jeep. walastik naman oh.
pagdating sa may vito cruz ay dumami ang pasahero. inilabas ko noon ang bago kong biling headset, tig ootsenta lang kila kuya parts. isinuksok ko ang cord noon sa headphone ng touch screen kong NOKIA( touch screen siya per pmade in china. wala kasi akong budget pambili ng original. hindi siya madaling gamitin, kailangan mo muna siyang dutdutin ng maiigi bago gumalaw yung screen.) mahaba haba pa naman yung biyahe kaya maboboring na naman ako sa kakalaro ng eye to eye game sa mga kaharap ko sa jeep. maliban pa sa naasiwa ako sa ingay ng mga sasakyang nag fafast and furios sa labas. sinuot ko na ang headset ko. pinili ko ang random list.
" .. shine bright like a diamond.. ..
You're beautiful like diamond in the sky..
.. shine bright like a diamond.. ..
You're beautiful like diamond in the sky.... "
ANAK NG CRAAAAAP. paanong nagkaroon ng rihanna rito sa playlist ko?? tiningnan ko nga ang list at puro rihanna nga at lady gaga ang kantahan ang nasa file ko. inisip ko sa dulo ng mga brain cells ko kung sino ang maaring maging posibleng salarin sa nangyari sa playlist ko at para akong tanga noong maalala ko ang matataas na kilay ng kapatid kong si antonia. pisti naman oh, kaya nga ayaw kong pinapakealaman ko ang gamit ko eh. ( sandali, kantahan ko naman.)
( GAME)
* instrument *
" ... umiiyak ka na naman..
langhiya talga, wala ka bang ibang lama??
namumugotng mga mata ..
kailan ka pa ba ikaw magsasawa??
sa problema na yiong pinapasan?
hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan..
may kuwento kang pang drama na naman. .. parang pang TV na walang katapusan ..
hanggang kailan ka ba ganyan??
alam mo bang walang pupuntahan \
ang pagtiyaga mo diyan sa boyfriend mong TANGA ..
na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka..
sa libo libong pagkakataon na taoy ay magkasama,
iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya ..
naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya ..
siguro ay hindi niya lang alam ang yiong tunay na halaga .. "
* instrument *