TENG TENG,.
TENG TENG.
Aba may nagtext. binasa ko nga.
" oy cisco, ano ?? sasama ka ba sa'min mamaya? sa EGI kami, tara, DOTA tayo'
PATRICK
RECEIVED 03:07 PM
TODAY
Nakamot ko ang batok ko. pakiramdam ko kasi ay maninikip iyon sa inis. ilang beses na kasi akong niyaya at pinipilit sumama nitong bestfriend ni spongebob na si patrick na sumama sa laro nila sa DOTA tuwing miyerkules ng gabi. sabihin ko kaya sa mga itong nagbigti na ako o kaya uminom ng lason para tigilan nila ako??palibhasa kasi laki sila sa laway, este layaw, kaya nagagwa at nasusunod ang mga luho at gusto. ayun dahil sa DOTA at pag ggimmick ay na istock sa college. puro kasi stock knowledge ang ginamit.
ay mga pare. EWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN.
* INSTRUMENT*
" hindi ko alam,
kung bakit ka ganyan,
mahirap kausapin at hindi pa namamansin.
hindi mo ba alam,
ako'y nasasaktan
pero di na bale na basta malaman mo lang ..
Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola.
ngumiti ka man lang sana ako'y nasa langit na ..
mahal kita, mahal kita, hindi ito bola,
sumaot ka naman wag lang ......
EWAAAAAAAAAAAAAAAAAAN ..."
" HOY BAYAD MO !!!!! "
Ma bilis pa sa ostrich akong tumakbo patawid ng highway pagbaba ko ng jeep. sa pakikipag away kasi ni kuya kanina ay nakalimutan kong magbayad. hindi ko na siya pinansin--tuloy tuloy lang ako tumawid,-- at saka ako nakahinga ng maluwag noong nag green an yung traffic light. mabilis na akong muli naglakad papunta sa aking patutunguhan. may ilang mga estudyanteng taga la TALLE university ang nakasalubong ko. yung iba, de kotse pa. tssssk. wag sila mag alala, magkakaroon rin ako ng ganyan, tiwala lang.
dumiretso ako ng isang wskinita, kumaliwa tapos kumanan. doon sa isang puting may bakod na bahay ako tumuloy tuloy. pag pasok ko pa lang ay naamoy ko na ang pamilyar na halimuyak ng adobong binudbudan ng tatlong pamintang durog,dalawang bawang, at tig isang toyo at suka.-- ang specialty ng pinakamagandang babae sa buhay ko-- ang nanay ko. wala pa nga ako sa may bakuran ay sinalubong na niya ako sa pinto at para akong bumalik sa pagkabata noong patang baya niya rin akong hinaplos sa buhok.
" kamusta enrollment cisco?"
"okay lang po, ma." pumasok na ako ng aming munting tahanan, at kaagad kong ibinababa ang bag ko.
"sige magpahinga ka na diyan, maya maya ay maghahain na ako,."
" sige po, aakyat muna ako."
" kooooooyaaaaaaaah"
napatigil ako. saka napa iling. at noong humarap ako sa sala'y hindi na ako nagulat noong makita ko mula rioon, nakapameywang, at nakataas ang mga kilay ng bunsong kong kapatid na si antonia. siya yung tinutukoy kong kapatid kong may kagagawan sa nangyari sa playlist ko. at noong tumaas na naman ng isang leve angkilay niya'y napailing na lang ako.
"baket?"
" i tell you, don't you dare erased those songs i stored in your phone."
"at bakit naman? may cellphone ka naman ah?"
automatic na nagcrumple ang mukha nito. " DUHHHH!! Have you seen it kuya?? ni wala ngang memory card! i so hate it talaga! i can;t even listen to rihanna, or even taylor swift herself!! it's so GRRRRR! And look, blah blah blah blah blah .... "
hindi ko na narinig pa ang pinagsasabi nyia dahil umakyat na ako at dumiretso na sa kuwarto sa itaas. at noong marinig kong sinundan niya ako'y mabilis ko nang isinarado ang pinto. alam ko kasing matutuyo na anamn ang basang parte ng utak ko kung papakinggan ko pa siyang magsalita. kinse anyos pa lang si antonia, pero ewan ko ba parang talo pa yata ang isang socialite kung magsalita.
hindi pa man ako nakakapagpalit noong mula sa drawer ay nakita kong muli ang malinaw pa ring larawan ng isang payating sundalong may malaking ngiti sa kanyang mga labi. tiningnan ko yun at wala sa sarili akong napangiti.
Francisco Benigno Beringal Sr. ang tatay ko.
sa muling pagragasa ng kung numang may kinalaman sa tatay ko sa isipan ko'y malallim akong napahinga bata pa lang ako noong ma dedo siya. noong mga panahon ngang iyon ay hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng salitang dedo, o tigok. kaya noong makita kong nagsisiiyak ang nanay ko at ang ate josephine ko ko ay muntanga lang akong nagtaka kung bakit. saka ko lang nalaman na namatay si tatay sa pakikipaglaban sa isang nakitang rebelde sa mindanao. ang pangit pa rito nasugatan lang yung rebelde, si tatay kinuha na. saka ko lang naintindihan lahat noong mapansin ko nang hindi na umuuwi ng buwanan si tatay. wala nang laging may pasalubong sa aking crinkles, wala na yung laging nagbabato sa akin ng unan sa gabi pag matutulog na. saka ko lang talgang naunawaan ang lahat nong naroron na ako mismo sa kinatitirikan ng puntod niya.
sa mga sumunod na taon ay si nanay na ang tuluyang umasikaso sa amin. three years old pa lang noon si antonia noong magsimula ng maliit na negosyo si nanay, karinderya mga pare. college na noon si ate josephine, highschool ang pangalawang si arlitam, ay si antonia nama'y kain laro pa lang ang alam gawin. kung mapapansin niyo po mga giliw kong mambabasa, ako lamang po ang nag iisang lalaki sa aming pamilya. hindi ko rin alam kung sinasadya o nagkataon lang.kaya siguro ipinangalan ako sundo kay tatay.
FRANCISCO BENIGNO BERINGAL JR. sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ganito ka formal na pangalan ang ibinigay sa joker kong tatay. ni hindi ko nga maabsorb yung ideang ginawa pa akong junior. sabi kasi ni nanay, kamukha ko daw kasi si tatay, at saka ang dakila kong lolo ko daw eh idol si francico balagtas(yung sumulat ng florante at laura,) at naing idolo rin ang na assinate na si ninoy aquino. tila pa nga sumakto ang [pangalan ko sa sa akin dahil sa tuwing makikita ko si ninoy sa limang daang piso ay parang nakikita ko ang sarili ko. simula kasi noong highschool ay unit unting nanlabo ang mga mata ko gawa ng mahilig akong magbasa noong bata pa ako kaya kinailangan kong magsuot ng salamin. ang astig pa namang buhokan para sa akin noon ay style ng buhok ni ninoy. ganoong salamin at buhok ang naing pormahan ko kaya nagmukha tuloy akong long lost son ni katukayo. kulang na lang nga eh ang puting barong. pwedeng pwede na akong barilin.