Chappy 2 (Malas ba ako?)

142 4 0
                                    

[AUTHOR'S NOTE: This is based on a true story. Ilalagay ko yung percentage kung gaano siya katotoo. HAHAHA. Baliw ang Author. BTW, ang name na RATH LAGDAMEO nga pala ay galing sa "The Billionare Boys Club Batch 2 ni Sonia Francesca ng PHR" E bakit ba, nagbabasa rin ako ng pocketbook na tagalog e.]

40% nito ay totoong nangyari. (*u*)

// HIS Pov.

*Tok* *Tok* *Tok*

"Iho, baba ka na. Dinner is ready." Sabi ng Mama ko pagkatapos niya kumatok. Hindi na siya pumasok ng kwarto ko.

"Kumain na ako sa labas 'Ma!" Sigaw ko naman para marinig niya.

Kakauwi ko lang ng bahay at humiga agad ako ng kama para magpahinga. Ang hirap naman kasi kumilog kapag isang kamay lang ang gamit mo. (=3=) Tulad kanina..

Tiningnan ko yung cake sa bedside table ko.

Yung babaeng yun. Grrrr.

Tumayo ako at nilagay sa personal ref ko yung cake. Bumaba ako sa kitchen namin.

"O anak akala ko ba hindi ka na kakain?" Tanong ng Mama ko habang kumakain sila sa dining table kasama si Papa.

"Hindi na nga 'Ma, kukuha lang ako ng tubig." Sabi ko naman. Pero kumuha rin talaga ako ng platito at tinidor. "Akyat na ko 'Ma, 'Pa." Sabi ko then umalis na ko.

Hmm. Masarap din naman pala 'tong cake na 'to e. Chocolate cake. Hindi masyadong matamis. Pwede na pampalubag loob sa ginawa niya kanina.

Kanina...

Kanina...

K-kanina...

(O____O)

Nasamid ako.

Pinasok niya ako sa Men's CR. Ano ba yung babaeng yun? Baliw ba yun o manyak lang? Nahirapan pa naman ako isara yung zipper ko. Sh*t lang.

Psh. Ayoko na nga isipin. Kumain na lang ako ng kumain ng cake. Maliit lang naman siya e, naubos ko tuloy.

After nun, nagshower na ko. I need to sleep early. Maaga pa ang klase ko bukas. (-____-)

_____________________________________________________________________

*Kinabukasan*

// HER Pov.

"Aubrie nasa labas na si Berto." Sabi naman ni Yaya Idang. Asawa niya si Mang Berto. Bata palang ako, sa amin na sila nagtatrabaho. Nasa abroad at may pamilya na yung dalawa nilang anak kaya samin din sila nakatira. Hihi. Saglit, ipapadala kay Charo sa MMK. Charot.

“Opooooo. Pababa nakoooo!” Sigaw ko habang nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Kiniss ko na yung Mommy ko sa cheeks. Nasa dining table pa siya, nagbabasa ng newspaper.

“Mag-ingat ka Basillia ha! Malaglag ka na naman sa hagdan! Hehehe.” Sabi ni Mommy kaya natawa rin si Yaya.

“Psh. (-3-) Bye na Mommy! Bye din Yaya!” Tumakbo na ako palabas ng gate.

Si Mommy talaga pang-asar. (>____<)

Nakasakay na ko sa kotse. Nagsasoundtrip nalang ako sa iPod ko. Sandali lang naman yung byahe, less than 30 minutes lang. Nakikinig ako sa Better than Revenge ni Taylor Swift nang biglang huminto si Manong.

“Manong bakit po kayo huminto?” Tanong ko.

“Nako nasiraan tayo Aubrie.” Sabi ni Mang Berto habang nagkakamot ng ulo.

Si Sir at Ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon