Chapter 1

601 15 3
                                    

8 years ago..

"Ate Grace i want that."sabi ni Johnson ang alaga ko kaya naman kumuha ako ng Hotdog sa plate at nilagay ko sa plato niya, Biglang bumaba si Ma'am Juliana at Sir Jaime.

"Grace paki-gising naman si Julian."sabi ni Ma'am Juliana.

"Yes ma'am."sabi ko at tumayo ako sa upuan sa dining kung saan ko sinusubuan si Johnson.

"Ate Grace tatawagin mo na ba si Kuya Julian?"tanong sa akin ng alaga kong si Johnson, Ngumiti naman ako sa kanya at tinap ko ang ulo niya.

"Kain ka lang diyaan baby saglit lang ako."sabi ko at tumayo na pa-akyat sa kwarto ni Sir Julian. Pagtapat ko sa pintuan ng kwarto ni Sir Julian ay kumatok na ako.

"Sir Julian.. Sir Julian tawag po kayo ni Ma'am Juliana."sabi ko habang kumakatakot. Lumingon ako at pakiramdam ko lumambot ang kinakatukan ko kaya naman humarap ako at nanlaki ang mata ko.

"Ah.. Sir! Sorry po."sabi ko na hiyang-hiya dahil nakakatok ko yung dibdib ni Sir saka ako tumakbo pababa, Di ko alam pero pakiramdam ko namumula ang pisngi ko.

"Uhm.. Ma'am sunod na daw po si Sir Julian."sabi ko at umupo sa tabi ni Sir Johnson.

"Ate Grace why are you blushing?"tanong ni Johnson, Nginitian ko lang siya at pinakain.

"Goodmorning ma."bati ni Sir Julian kay Ma'am Juliana at umupo sa tabi ni Ma'am Juliana which is katapat ko.

"Nga pala may Business Trip kami sa Cebu today baka bukas pa kami makabalik kaya Julian ikaw muna ang sumama kay Johnson sa school program nila ngayon."sabi ni Ma'am Juliana kay Sir Julian habang si Sir Jaime naman ay kumakain lang at nagbabasa ng dyaryo.

"Pero Ma may gimik kami ng Barkada ko saka nandyan naman si Grace, Di ba alaga niya si Johnson?"sabi ni Sir Julian at tumingin sa akin ako naman pinakain ko na lang si Sir Johnson.

"Julian, Hindi responsibilidad ni Grace si Johnson sa labas ng bahay saka may gagawin pa siya dito sa bahay."sabi ni Ma'am Juliana. Ay wala kasi siyang alam na ginagawa ko ang Laundry at nililinis ko ang kwarto ni Sir Johnson.

"Hay naku sobrang dami ng problema niyo bakit di niyo na lang ako tawagan?"sabi ng isang magandang babae, Si Miss Shanon pinsan nila Sir Julian at Sir Johnson.

"Ate Shanon!"sigaw ni Sir Johnson at tumakbo kay Miss Shanon, Habang ako ngumiti na lang. Wala naman akong role dito kungdi yaya ni Sir Johnson. Bata pa kasi siya kaya kailangan ng mag-aalaga.

"Hello Tita Juliana and Tito Jaime, Dear Cousin Julian wala man lang bati?"sabi ni Miss Shanon. Mas matanda siya kay Sir Julian ng dalawang buwan.

"Oh hello Shannie welcome to our House? Yaya Puring pwede po kayong magpa-handa ng fiesta nandito ang bwisita i mean reyna! Ano Shannie?"sabi ni Sir Julian kay Miss Shanon.

"Ang OA mo Julian."sabi ni Miss Shanon at umupo sa tabi ko.

"How are you Grace?"tanong ni Miss Shanon, Nag-smile na lang ako kay Miss Shanon hindi naman ako FC alam ko kung ano ang lugar ko dito.

"Shanon bakit ka nga pala nabisita?"tanong ni Ma'am Juliana kay Miss Shanon.

"Tita bored na po kasi ako sa bahay pwede po kaming mag-theme park nila Johnson at Julian?"sabi ni Miss Shanon pero agad namang may second motion at violent reaction.

Love Me Back [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon