Chapter 4

453 19 8
                                    

Viancs eto yung sinasabi ko sa iyo na Grace and Julian, Iniba ko na lang yung storyline di ko na kasi talaga matandaan yun eh ToT

______________________________________

Nandito ako sa may Guest Room. Dito muna ko nagkwa-kwarto habang hindi pa naaayos yung bahay na titirhan namin ni Sir Julian. Sina Nanay at Tatay naman alam na nilang ikakasal ako, Nagulat pa nga sila nung nalaman nila iyon pero nagdahilan ako na.. Na mahal namin ni Sir Julian ang isa't-isa at hindi rin nila alam na buntis ako.


Kinakabahan ako kasi bukas na rin ang kasal ko, Sinabi ni Ma'am Juliana at Sir Jaime na habang maliit pa ang tiyan ko magpakasal na kami ni Sir Julian kaya naman as soon as possible ang kasal. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Sir Julian.

"Grace."tawag niya sa akin. Tumingin ako sa kanya saka ako tumayo.

"B-Bakit po Sir Julian?"tanong ko sa kanya, Tinitigan niya muna ako saglit bago siya huminga ng malalim at nagsalita.

"Wag mo na kong tawaging Sir Julian, Ikakasal na tayo bukas di ba parang ang awkward nun?"sabi niya. Napayuko naman ako dahil tama siya ang awkward nga talaga.

"Sorry po, Di lang ako sanay."sabi ko sa kanya. Inupo niya ako sa kinauupuan ko kanina at siya naman nakatayo lang.

"Grace bago ang lahat gusto ko sanang mag-sorry sa lahat ng nangyari."sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ako naman medyo na-ilang, After ng nasabi ko sa kanya nung nakaraan.

"Alam kong isang pagkakamali ang nangyari sa ating dalawa pero sana maintindihan mo ko Grace, Hindi ko rin naman ginusto yun."dagdag pa niya. Tumango na lang ako habang naka-yuko, Pakiramdam ko naluluha na ako. Sobrang hina ko..


Nagulat na lang ako ng may dumapong kamay sa mukha ko at pinunasan ang luha ko. Napatingin ako sa kanya na nakatitig sa akin.

"Grace hindi kita pakakasalan dahil sa gusto kong takpan ang mga kasalanan ko, Pakakasalan kita kasi pananagutan ko yang bata sa loob mo."sabi niya sa akin at di maiwasan ng puso ko ang matuwa pero ang mas lalong kinagulat ko ay ang halikan niya ako sa noo ko bago siya lumabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakatingin sa pinto at tulala.

=======
=======


"Julian Pangilinan, Will you accept Grace Beltran as your lawfully wedded wife, To Cherish and Love her in sickness and health, for richer and poorer, for better or worst. Will you promise until death do you apart?"tanong ng Officialator kay Julian. He look at me and smiled.

"I do."sagot naman ni Julian, Tumingin naman sa akin ang Officialator.

"Grace Beltran, Will you accept Julian Pangilinan as your lawfully wedded husband, To Cherish and Love her in sickness and health, for richer and poorer, for better or worst. Will you promise until death do you apart?"tanong naman ng Officialator sa akin, Di ko alam may luhang biglang tumulo sa mata ko siguro natatakot at the same time kinakabahan.


Sinubukan kong ngumiti at tumingin kay Nanay at Tatay na masayang-masayang nakatingin sa akin. Tinignan ko si Julian na halata ang takot sa mata, Tinignan ko ang Officialator at inaantay ang sagot ko. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"I do."wala ng atrasan ito. Walang-wala na nakakulong na ko sa isang kasalanan na hindi ko na pwedeng takasan.

"Ladies and Gentleman may i pronounce you, Mr. and Mrs. Pangilinan."sabi ng Officialator. Humarap kami sa kanila nang nakangiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me Back [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon