Ikaapat na Kabanata

890 49 10
                                    

"HOY, ANO YUNG NARINIG KONG MUNTIK KA RAW NADISGRASYA KAHAPON?" Si Kristi, umupo sya sa tabi ko sabay siko sa aking tagiliran. "Hoy. Wala man lang share-share dyan? Kahit make lang ng kwento-kwento?"

"Conyo mo friend ah."

"Eh kasi! Pinag-alala mo ako kahapon noong tumawag si tita. Akala ko nga kung ano na eh! Buti walang nangyari sa'yo. Naku, sayang lahi!"

"Gaga." Binutukan ko sya. "Hindi naman ako 'yung nadisgrasya eh. Kundi yung matanda."

"Pero tinulungan mo."

"Malamang. Alangan namang hayaan ko lang syang mamatay 'di ba?" Inilipat ko ang pahina ng libro na binabasa ko.

"Aww, such a hero my friend here."

"English english, mano-nosebleed ka lang dyan." Bumelat ako sa kanya.

"Oo na! Ikaw nang magaling sa English. Kaloka ito." Hinampas nya ako sa braso. Tumawa ako ng malakas. "Review na naman?"

"Alam mo namang kailangan. Malapit na ang Bar Exam."

"Kaya nga todo kayod ka eh. Pero friend pagsasabay-sabayin mo talaga ang work at trabaho? Paano ka na nyan? Alam mo namang pwede mong kausapin si boss eh. Siguro naman after mong mag-exam papabalikin ka pa nya."

"Kristi," ibinaba ko ang mga libro na hawak upang makita sya. "Okay lang ako. Kering-keri ito. Sayang din 'yung pera ano ka ba. Ako pa?"

"Pero nga 'yung kahapon,"

"Ay tapos na. Kailangan pa talagang ibalik? Kaloka ito."

Biglang naging sabik at masigla ang mukha nya. Parang bigla syang may naalala. "May tumulong daw sa'yo?"

"At saan mo naman nakuha 'yang chika na 'yan?"

"Kung hindi mo natatanong, marami akong connection friend."

"Connection o sadyang mahilig ka lang talagang makinig sa mga chismisan?"

Tumawa lamang sya bilang sagot. Alam na. "Gwapo ba friend? Anong itsura? Dali na friend, share naman!" Napakamot na lamang ako sa ulo. Subalit dahil sa sinabi nya, bigla ko tuloy naalala ang mukha nya. Ang ngiti nya sa akin sabay saludo. Ang pagbulong nya sa hangin ng pangalan nya na hindi ko narinig. Huminga ako ng malalim at nakapangalumbaba na nakatingin sa malayo. "Naaalala mo ba yung lalaki na kwinekwento ko sa'yo noon na nakita ko sa mall na malungkot?"

"Sino? 'Yung binigyan mo ng music box na sinasabi mo?"

"Oo."

"O, bakit 'yun?"

"Nakita ko sya ulit." Ngumiti ako sa kanya. "Sya 'yung lalaking tumulong sa akin kahapon."

Tumili sya ng malakas. "Oh my gosh, friend! Is this destiny?"

Napaikot na lamang ako ng mga mata dahil sa narinig. "Pft. Destiny mo mukha mo." Ibinalik ko ang tingin sa mga notes ko.

"Pero friend, ang tagal na no'n ah. Tapos tingnan mo nagkita kayo ulit. Kapalaran na ang gumagawa ng paraan para magkita kayo ulit. Nakakabilib 'di ba? Hindi ka ba excited?"

"Hindi."

"Nakuha mo ba yung pangalan nya?"

"Hindi."

"Ano ba 'yan friend. Mahina ka." Humalukipkip sya sabay tsk-tsk sa akin.

"Eh kasi nga wala ngang gano'n." Bagot kong sagot na akala mo isang batang maliit ang pinagpapaliwanagan ko nito. "Hindi ka pa ba aalis? Mag-rereview ako."

Music Box (A Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon