Epilogo

816 51 10
                                    


ISANG TAON NA ANG NAKAKALIPAS...

Maayos kong tinupi ang isang liham at saka ito ipinasok sa loob ng isang envelope. Sa likod nito ay isinulat ko ang mga katagang, 'to my N that I dropped somewhere'. Nakangiti ko itong pinagmasdan.

Ito na ang araw na aamin ako sa kanya.

Tinawagan ako ni Justin, matalik kong kaibigan, at niyayaya na sumama raw ako sa kanilang mag-inuman nila Potch. Sabi ko pass muna ako dahil mas may importante pa akong gagawin. Lumabas ako sa opisina ko ngunit hinaranga ko ng isa sa mga manager ng restaurant ko. "Sir Agel, nagrerequest po ng one week vacation si Nirvana Joyce Salviejo, pagbibigyan ko po ba?"

Pinagmasdan ko si Vana na palabas na ng pintuan. Katatapos lang kasi ng shift nya.

Ngumiti ako sa empleyado ko. "Yes, give it to her."

"Pero sir, parang kamakailan lang nagrequest sya ulit ng three days vacation. Parang sobra naman na po yata 'yon."

"She needs it. Walang mag-aalaga sa papa nya kung hindi nya gagawin iyon." Magsasalita pa sana ito pero umalis na ako at hinabol si Vana sa labas.

Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong ito, akala ko hanggang pangarap lang ang lahat. Na magiging akin sya. Na magiging kami rin. Halos apat na taon ko rin itong itinago sa kanya, dahil sabi ko sa sarili ko, gusto ko kapag humarap ako sa kanya ay may napatunayan na ako. Na nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Na may maipagmamalaki na ako sa kanya. Mula sa hirap ay naiahon namin ni mama ang sarili. At lahat ng iyon ay dahil sa kanya, sya ang naging inspirasyon ko.

Maabot ko na ang braso nya noong may lumapit sa kanyang isa sa mga katrabaho nya na empleyado ko rin kaya bigla akong napaatras.

Muling nagvibrate ang cellphone ko. Si Justin, ulit.

Pinagmasdan ko ang envelope na hawak ko pati na rin si Vana na palayo na ng palayo sa akin. Huminga ako ng malalim. Agel! Ano ba, ang tagal mong hinintay 'to tapos natotorpe ka na naman?

Sinagot ang phone ko at napaikot na lamang ng mga mata noong marinig ang lasing nyang boses. Minsan nga hindi ko alam kung totoo ngang matalik nya akong kaibigan o baby sitter. Palagi na lang ganito.

Wala na si Vana sa paningin ko, malungkot akong napayuko. Sa bulsa ko ay inilabas ko ang music box na binigay nya sa akin noon.

Bukas na lang siguro?

Iba ang dilim ng ulap ngayong gabi na ito. Ilang beses pa nga akong napahinto-hinto sa pagmamaneho dahil ang daming abala sa daan. Maglalakad sana ako tutal ang sabi nya ay malapit lang naman daw sila sa restaurant ko pero ang sabi ni Justin sa akin ay may tatlo pa silang kasama nina Potch. Dinig na dinig ko ang kalasingan nila sa kabilang linya. Napamasahe na lamang ako sa aking sentido.

Sa gilid ng daan ng tren ako nagparke. Mas lalong sumakit ang ulo ko noong makita na doon mismo sila sa daanan ng tren nag-iinuman.

"Justin, anak namang ng tupa oo, ang daming lugar na pwede nyong pag-inuman dito pa sa daanan ng tren?"

"Agel, this is what you call adventure. Saka 'wag ka ngang panira ng trip, mamaya pa naman 'yung schedule ng tren. Chineck na namin ni Potch 'yun, 'wag kang mag-alala." Pagdadahilan nya sa akin. Ni hindi na nya mabuo ang mga salita sa sobrang pagkalasing. "Hoy, sya nga pala Agel, si Kristi girlfriend ni Potch," pagpapakilala sa akin ni Justin doon sa isa sa mga babae na kasama nilang nagtatawanan. Inakbayan sya ni Potch pero natatwa nya rin itong inalis.

"'Wag kang maniwala sa sinasabi nyang kaibigan mo. Hindi pa ako girlfriend ni Potch. Nililigawan pa lang." Naaalala ko sya. Sya 'yung bestfriend ni Vana.

Music Box (A Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon