A Letter to the Reader

1K 65 20
                                    


Nakuha ko ang ideya ng kwentong ito sa English 12 class ko noon sa Senior year of highschool. 'Yung taon kasing iyon ay panay ang pagsusulat namin ng mga essay, pagbabasa ng mga short story, poetry at novel na syang idi-discuss namin sa klase. Sa pagbabasa ko ng mga short scenarios na binigay sa amin ng teacher namin para sa isang activity ay may nakaagaw ng pansin ko, at iyon ay kung may pagkakataon kang magligtas ng tao sa isang sitwasyon na kailangan mo agad na magdesisyon, anong pipiliin mo? Kaligtasan ng isa o kaligtasan ng nakararami?

Ang tagal ko ring napaisip. Madaling magsalita pero ano nga ba ang gagawin mo kung naroon ka na sa mismong sitwasyon? Hanggang sa nakabuo ako ng ideya sa utak ko kung saan kailangan ng bida na mamili sa dalawang iyon. Kung kaya't, nabuo sa isip ko ang kwentong 'Music Box'.

The first chapter was written a few years back while the overall story was developed as soon as I started to construct and write the story plot.

Sa katunayan nyan ay maiimbak lang sana sa notebook ko ang kwentong ito pero dahil sa isang nakakatuwang pagkakataon ay napilitan akong magbukas ng baul at isulat ito. I was a judge on a short story contest that a good friend of mine invited me to. Contestants are required to write a novelette for the second round for publication. Unfortunately, among the five contestants that had entered the second round, only two had submitted a novelette. Para matuloy ang publication, dapat may at least tatlo na magpasa kaya nagboluntaryo na ako. Originally, novelette lang ito pero dahil I offered to help, they gave me the permission to write longer than five chapters, and thus, I created a novella which consists of ten chapters in total.

Kahit ako ay nalungkot at naluha rin noong nasulat ko ang ending. Agel's love for Vana was just so pure, nakakalungkot lang at hindi nya nasabi ang nararamdaman nya noong nabubuhay pa sya. Hindi ko alam kung napansin nyo ang linya na sinabi ni Agel kay Vana noong tinatanong ni Vana ang pangalan nya.

"Agel? Parang 'Angel' lang na nabitin." Biro ko.

"Marami nga ang nagsabi. I guess, I dropped my 'N' somewhere."

That 'N' that Agel was talking about was Vana. Given that her real name is Nirvana, she was the 'N' that Agel was talking about. The angel that he dropped somewhere.

Kung matagal na kitang reader, alam mo na mahilig akong maglagay ng mga simbolismo o deeper meanings sa mga bagay-bagay na inilalagay ko sa mga kwento na isinusulat ko. I just love symbolisms. I am a big believer that there is no such thing as a coincidence, everything happens for a reason.

Vana may think that her decision was a lose, that she did not get to save Agel. But for me, she had done the right thing. Naligtas nya hindi lang ang bestfriend nya at kapatid nitong si Alyson, kundi, pati na rin ang kapatid nyang si Enzo.

Maybe she and Agel are really for each other, pero hindi pa sila nakatadhana na magsama sa lifetime na ito.

I also believe na hanggat hindi pa happy ending ang story ng dalawang taong nagmamahalan, ibig sabihin no'n ay hindi pa iyon ang tunay na wakas.

Ito yata ang pinakamabilis na natapos kong story sa tana ng buhay ko haha! I wrote this for only 2 or 3 weeks? Yes yes. Siguro nainspired din ako sa deadline na binigay sa akin. Nakakapressure pala! HAHAHAHA!! Pero atleast, nakatapos ulit ako ng isang panibagong obra na talaga namang maipagmamalaki ko. Proud din ako sa sarili ko kasi napaikot ko lahat ng characters ko rito. A big pat on my back for me. 

Para sa nagbasa ng kwento kong ito, maraming-maraming salamat sa iyon. Sa mga Listeners ko, maraming salamat sa patuloy na pagtatangkilik sa akin at sa mga kwentong isinusulat ko. At para sa mga bago kong mambabasa, nawa'y may napulot kayong aral sa kwentong ito na madadala nyo habang buhay.

Thank you and god bless you! And as I always say as a ending remark on my author's note, keep inspiring everyone and ole!


P.S. Sa mga bumili, maraming salamat talaga!! Request naman dyan sa mga nakabasa na, post naman kayo ng review sa baba or kahit anong comment about sa story. Gusto kong malaman kung anong masasabi nyo! :) 


-wistfulpromise

Music Box (A Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon