Chapter 5: The Demon Sword GRANDARK

13 2 0
                                    

Zero's POV

Zero:Nasaan ako? Ano bang nangyari kanina? Ang naaalala ko lang ay....

Then the realization hit me.. habang kumakain kami, bigla na lang sumakit ang ulo tapos black out. Nasaan na ba ako? Bakit ang dilim dito? Kailangan ko nang bumalik sa kanila baka kung ano nang mangyari sa kanila. Naglalakad ako ngayon sa madilim na lugar, di ko alam kung saan ako patungo pero isa lang ang nalalaman ko napakadilim dito at wala akong makita. Maya-maya may lumitaw na kulay puti na liwanag. Sinundan ko lang ito hanggang sa napadpad ako sa isang... library!?

???:Sino yan? Anong ginagawa mo sa sagradong lugar na ito?

Nagulat ako ng may marinig akong napakalalim na boses. Lumingon ako sa kung saan para hanapin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yun. Napakalaki naman ng library na 'to pero ang nakapagtataka pa'no niya nalaman na nandito ako. It's impossible to see someone inside this big library along with the books that are scattered here.

???: Inuulit ko sino ka at bakit ka naparito?

Bigla kong narinig ang boses sa likuran ko kaya naman ay lumingon ako. Di ako makapaniwala sa nakikita ko, para kong nakikita ang sarili ko pero after 20 years.

???: Naputulan ka ba ng dila.. di ka ba marunong magsalita?

Zero: H-hindi naman po s-sa ganun.. A-ang totoo po n-niyan napadpad lang po ako dito.. Ako nga po pala si Zero... Zero Zephyrum.

Biglang nanlaki ang mata ng kaharap ko. Di talaga ako makapaniwala na kahawig ko siya, ang pinagkaiba nga lang ay hindi tago ang mata niya. Kitang-kita ko ang kulay ginto niyang mga mata pati na rin ang mga matutulis niyang tenga na para bang hindi siya tao.

???: Bakit hindi mo sinabi agad.. hahaha.. Halika tumuloy ka.

Sinunod ko na lang ang sinabi ni... Teka di ko pa pala alam ang pangalan niya.

???: Ako si Yzer (Ay-zer).. Yzer Zephyrum.. The first oracle.

Nagulat ako nang malaman kong magkapareho kami ng apelyido. Is he my great great great great great great grandfather? At paano niya nalaman ang iniisip ko?

Yzer: Nakikita ko sa mukha mo ang pagkatuliro kaya naman alam kong naguguluhan ka. Your the next oracle, kaya kailangan mong magtraining kasama ako pero bago yun kailangan mo munang maalala ang lahat.

Zero: Ano pong ibig niyo------


I blacked out before I even finished my sentence.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



3rd Person's POV

Kinaumagahan ay nagising ang lahat maliban na lang kay Zero na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Binabantayan siya ngayon nina Ley at Lire para masabihan ang lahat kapag gumising na ang binata. Kasalukuyan namang nasa sala sina Elesis at nag-uusap tungkol kay Zero.

Ronan: Kailan ba gigising si Zero. Dalawang araw na siyang tulog.

Ryan: Wala tayong magagawa kung di maghintay na lang.

Arme: May alam ka ba dito Elesis? Alam mo ba kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin gumigising si Zero?

Bumuntong-hininga si Elesis, composing herself before uttering a single word.

PHANTAXIA (World of Fantasies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon