Chapter 7: The TWO Demons.. no wait.. there's THREE!!!??

10 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


3rd Person's POV

Kinabukasan, tahimik ang lahat na kumakain, walang nagbalak na magsalita sa kanila at makikita mong kulang rin sila. Sa sobrang tahimik tanging mga kubyertos lang ang maririnig mong gumagalaw. Maya-maya bigla na lang sumigaw si Elesis.

Elesis: Ronan!!! Ibaba mo ako.. ano ba!?

Ronan: Ayaw ko.

Elesis: Isa!

Ronan: Dalawa, Tatlo, Apat.. oo alam kong magbilang Elesis.. nag-aral kaya ako ng elementary.

Elesis: Ronan!!

Napalingon na lang ang lahat ng makita nilang buhat-buhat ni Ronan si Elesis na parang sako. Pagdating nila sa hapag ay binaba niya si Elesis na nakapadyama pa.

Ronan: Ang bigat mo. (Habang pinupunasan ang pawis.)

Elesis: Mabigat pala ahh.

Sinungaban naman ni Elesis si Ronan kaya ngayon mukha na silang nagreresling.

Sieg: Maglandian pa.

Napabalikwas naman ng bangon ang dalawa na namumula sa hiya at sabay na sumigaw.

Elesis/Ronan: Kuya!!/Sieg!!

Ryan: Bakit mo pa binuhat si Elesis.. ehh kaya niya namang maglakad.

Siniko ni Elesis si Ronan bago pa ito makasagot.

Elesis: Reasons.. balik na ako sa taas.. oo nga pala Dio, Ley at Zero nakita niyo na ba ang sarili niyo sa salamin.. kung hindi pa.. mas mabuting wag na *insert sarcasm* .. ciao..


Tuluyan namang umakyat na si Elesis at iniwang nagtataka ang tatlo. Pagkatpos kumain ay umakyat na ang tatlo para malaman ang mga pinagsasabi ni Elesis kanina.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Dio's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at naghahanda ng maligo. Nakapagtataka ang mga sinabi ni Elesis kanina. Pero di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon at ang mga nalaman ko kaninang umaga.

*Flashback*

Maaga akong nagising kaya bumaba na ako. Pagkababa ko nakita kong nasa sala silang lahat maliban kina Elesis at Ronan.

Sieg: Dahil kumpleto na tayo.. pwede na tayong magsimula.

Naupo ako sa tabi ni Ley habang nakikinig sa kanila.

PHANTAXIA (World of Fantasies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon