10

5 0 0
                                    

Agad namang pumunta si Daddy sa Opisina niya ng makauwi kami. May problema daw kasi.

"So how's your day?"tanong sakin ni Dana.

Naguilty naman ako sa masamang trato ko sakanya. Wala naman pala siyang ginagawang masama. Hindi rin naman pala siya naging kirida. All this time nagtatanim ako ng mga galit sa mga taong inosente.

"Ayos naman, As I expected para silang aso't pusa kung mag-away." sabi ko sakanya.

"Ganun na talaga sila mga bata pa lang kami." sabi niya at tumawa. Napataas naman ako ng kilay.

"So kababata niyo din si Daddy?" nagulat naman siya sa tanong ko o siguro sa 'Daddy'.

"Kinda."

"So pati sa lalaki magkaribal kayo ni Mommy?" tanong ko.

"Ofcourse not. Hahaha masyado kaming maganda para mag agawan sa lalaki. Your Mom used to love Christian which is kakambal ng Daddy mo. Amelia and Christian was the most perfect couple nung nasa kaedaran niyo pa kami. At the same time mahal ko naman ang Daddy mo sa kasamaang palad may HD pala siya kay Amelia." pagkukwento niya sa akin.

"HD?" tanong ko.

"Hidden Desire." sagot niya sabay nag giggle.

"Kung pinikot ni Daddy si Mommy. Ibig sabihin nagkagalit yung magkapatid." sabi ko.

"Exactly! Dahil sawi kaming pareho ng Tito mo, Niramayan namin ang isa't isa sa inuman na nagbunga sa pagdating ni Cheska." sabi niya na parang wala lang. So magpinsan kami ni Cheska... Err at the same time magkapatid.

"So aksidente ka lang ding nabuntis.Asan na nga pala si Christian?" tanong ko.

"I dont know... Bigla na lang siyang nawala." maiksing sagot niya. Mas mabuti siguro kong hindi ko na halungkatin pa ang tungkol kay Christian.

"Friendship Goals pala kayo ni Mommy. Parehas kayong disgrasyada." sabi ko at tumawa siya.

"Matulog ka na ngang bata ka gabi na." sabi niya kaya umakyat na ko para magpahinga.

Kinabukasan dumating naman si Monshyl sa bahay para tulungan akong magpractice. Wala kasing pasok ngayon dahil hinahanda pa ang mismong venue.

"Asan kayo pumunta ni Donna?" tanong ko sakanya.

"Sa U.S. Lang." sabi niya na parang pumunta lang sila sa palengke. Mga kaybigan ko talaga mga gastador.

"Ahhhh." sabi ko. Di ko na tinanong kung anong ginawa nila doon dahil feeling ko uminom lang sila ng tubig

Mga limang oras din kaming natapos sa paglilinis ng sayaw ko. "You did great." sabi niya sakin nung magisa na lang akong sumayaw.

"Nga pala... Papayag kaya ang mga kaybigan natin na magover night dito ngayon?" tanong ko kay Monshyl.

"Satingin ko hindi. Busy si Venice sa pagaayos ngayon sa 'Secret Club'. Si Shania naman may training pa siya sa Liga. Si Dominic naman busy sa lovelife at si Donna naman may mahalagang inaasikaso. And most importantly kaylangan mong mag beauty rest!"

"Okay next time na lang." pagsuko ko.

"Sino nga pala magaassist sayo?" tanong niya

"Si Mommy." sagot ko at nagningning naman ang mga mata niya.

"Si Miss Amelia!!!?" tumango-tango naman ako.

"OMG!" tili niya.

Pagkatapos namin magmeryenda ni Monshyl, umalis naman agad siya dahil magdedate pa sila ng boyfriend niya.

Dahil wala naman akong magawa napagdesisyonan ko na lang na bisitahin si Lucas.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Napabisita ka?" tanong sakin ni Tito Mike.

"Bakit hindi ba ko welcome?" pagbibiro ko.

"H-hindi naman. Ikaw talagang bata ka. Nasa taas si Lucas kasama si Mommy mo." sabi niya sakin at pinapasok ako sa bahay.

Agad naman akong umakyat at pumasok sa kwarto ni Lucas.

"Ate!!!!" sigaw ni Lucas na tumakbo at niyakap ako.

Binuhat ko naman siya at kiniss sa cheeks niya. "Miss na kita ate." sabi niya sakin. "Miss ka na rin ni ate." sabi ko at hinaplos ang buhok niya.

"Chelsea..." pagkuha ni Mommy ng atensyon. Nginitian ko lang siya dahil hindi ko alam sasabihin ko sakanya. Nung nagkasama kami kahapon hindi kami nagkapagusap ng maayos kaya gusto ko siyang makausap ngayon ng masinsinan.

Ayaw ko na kasing mamuhay sa galit, Sa sama ng loob... At sa takot. Gusto ko na mag bagong buhay. Gusto ko na maging masaya. At magagawa ko lang yun kong papatawarin ko siya.

Pagkatapos naming mag laro ni Lucas. Nandito naman kaming dalawa ni Mommy sa garden.

"Im sorry." she said.

"For hurting me? Physicaly, Emotional and Mentally?" I ask and fake a laugh.

"For not being a good mother." sabi niya na nakatingin sa bulaklak.

"Your not even a mother to me."

"Akala ko ayos na tayo?" pagtataka niya. I smiled bitterly. Hindi ko rin alam. May parte saking nagsasabing kalimutan ko na lang ang ginawa niya sakin pero may parte din saking gustong magalit sakanya.

"I hate you and I always be. I can forgive you but I cant never forget what you've done to me. But ayaw kong mabuhay ng misirable, mabuhay ng may poot at galit. I want now to be happy. So please say something to mend my wounds... Do something..." Sabi ko.

"Noong una kitang nakita sabi ko sa sarili ko poprotektahan kita at pupunuin ng pagmamahal. Pinilit kong mahalin ang tatay mong gago para sayo. No offence pero gago talaga siya. ...... Pinagpalit ko ang Pagaartista ko para sayo, para maalagaan ka. Noong iniwan tayo ng tatay mo, na depress ako ng husto. Lagi mo siyang hinahanap sakin at minsan wala ka ng bukang bibig kung hindi siya. Sayo ko na ibunton ang galit ko."

"Madaming nagsasabi saking 'sayang' ako... kada tinitignan kita naiisip ko kung pano nawasak ang buhay ko, ang pangarap ko at ang puso ko. And Im sorry dahil naging makitid ako at selfish... Im sorry kung nakikita kita, na aalala ko kung... pano ako pinagsamantalahan ng tatay mo." hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil humagugol na siya. Na bigla naman ako sa sinabi niya.

"Kahit na ganun... Noong mga panahon na yun. Mahal ko siya at kung mahal mo ang isang tao magiging tanga ka. Hindi mo ko maiintindihan ngayon pero balang araw maiintindihan mo din." she cried.

"I-im sorry... Im really are... I already lost your father, sana naman wag pati ikaw." sabi niya at lumuhod.

"Im sorry Chelsea." lumuhod ako para yakapin siya.

Pagkatapos ng eksena namin ni Mommy. Agad akong umuwi at nagkulong sa kwarto. Hindi ko maproseso lahat sa utak ko ang mga nalalaman ko. Masyadong magulo. mas mahirap pa sa Math. Pero isa lang alam ko. Kasalanan to lahat ng pag-ibig.

Chasing ChelseaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon