1

31 1 0
                                    

Chelsea POV

"Chelsea lalabas lang kami sandali para kumain. May natira pang sobrang ulam diyan kagabi yun na lang kainin niyo ni Tising. Sabihin mo sa kanya dapat paguwi namin malinis ang bahay." bilin sakin ni Mommy bago sila umalis ng pamilya niya.

"Mommy sama natin ate Chels." sabi ng half brother kong si Lucas.

"Oo nga honey, sama na natin tong si Chelsea." sabi ni Tito Mike na step dad ko.

"Huwag na dito na lang siya." Sabi ni Mommy.

"No. Magbihis ka, sasama ka." utos sakin ni Tito Mike. Tumingin naman ng masama sakin si Mommy yung tingin ng nagsasabing 'wag-kang-sasama' look.

"Huwag na Tito Mike magrereview pa ko sa exam namin bukas." pagtanggi ko.

"Are you sure my dear?" paninigurado sakin ni Tito.

"Yes Tito." sabi ko pa ng nakangiti para kunware ayaw ko talaga.

"Ate Chelsea sama ka na plsss..." with matching pouty lips pa si Lucas

"Sorry Lucas next time na lang." Kiniss ko si Lucas at nagpaalam na sa kanila.

Pagkatapos naming kumain ng katulong umakyat na agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

Ako nga pala si Chelsea Carmel Cabal. Morena, matangkad at hindi sa pagmamayabang sexy at maganda. 17 years old na ko. Wala akong mga kaybigan dahil na rin siguro sa ugali kong namana ko kay Mommy at ayaw ko talaga ng attachment. Ayaw na ayaw ko ng na aattach ako sa isang tao dahil kapag iniwan ka nila masasaktan ka lang. Bakit pa ba kasi kaylangan magpasok ng tao sa buhay mo kung aalis lang naman din sila? Bakit magmamahal ka kung masasaktan ka lang naman?

Since I was child hindi na ko minahal ng Mommy ko. Never niya kong tinrato bilang anak. Nung iniwan kami ni Daddy noong 6 years old ako, lumala Lalo ang trato niya sakin to the poit na sinasaktan niya na ko. Nang nalaman ng Mama ni Mommy o basically Lola ko ang ginagawa ni Mommy sakin kinuha niya ko at siya na mismo ang nagalaga sakin. Kinasal si Mommy kay Tito Mike nang hindi man lang alam ni Tito Mike na may anak na si Mommy, na may Chelsea na nag iexist.

Sad to say my life is like my Mother... its a bitch.

10 years old ako ng mamatay si Lola. Walang nagawa si Mommy kundi kunin ako at ipakilala kay Tito Mike. Kahit hindi sabihin ni Tito Mike alam kong ayaw niya sakin. Pero atleast kahit hindi niya ko tinatratong anak tinatrato niya kong tao di tulad ni Mommy na kulang na lang pagnakikita ako ay ililibing ako ng buhay. Pinagtatanggol din naman ako ni Tito Mike kay Mommy pag binubugbog ako nito, kaya para sakin tinuturing kong tatay si Tito Mike kahit para sakanya hindi niya ko anak. Nang dumating si Lucas sa buhay naming. Hindi ko maiwasang mainggit sa pagmamahal na binibigay nila sa kanya. Biruin niyo yung babaeng nagluwal sakin ay kaya palang maging isang mabuting ina! Tangna niya lang!

Kahit naiinggit ako kay Lucas mahal ko pa rin naman ang kapatid ko. Well siya lang naman ang nagmamahal sakin sa bahay na ito. Chuicy pa ba ko? Atleast may nagmamahal sakin. Pinikit ko ang mga mata ko at natulog na lang.

*Flashback*

"Daddy please don't go away. Don't leave me please." pagmamakaawa ko kay Daddy habang nakayakap ako sakanya.

"Chelsea pasok sa loob!" sigaw sakin ni Mommy habang kinukuha niya ko sa yakap ni Daddy

"No! I want my Daddy!" sigaw ko kay Mommy. Bumaling naman ako kay Daddy para magmakaawa. "Hindi mo na ba ko love? huhuhu. Promise ko Daddy magpapaka good girl na ko. Magtotooth brush na ko tuwing gabi. Hindi na ko magkakalat ng mga toys. Just please don't leave me..."sabi ko kay Daddy. Nakayuko lang siya at walang sinasabi. Nagulat ako ng bigla niyang inalis ang mga kamay ko na nakayap sa kanya. Na hinto ako sa paghikbi at nakatutula na lang ako sakanya.

Chasing ChelseaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon