6

9 0 0
                                    

"Venice are you sure na okay ka lang?" tanong ni Dominic kay Venice na naka tulala. One month na rin kasi silang break ni Timothy.

Nasa Computer Lab kami ngayon at pinapagawan kami ng sariling Website ng teacher naming hindi na nga nagtuturo puros pagawa pa ng kung anu anu at magagalit pa pag bumagsak yung mga classmate namin sa quiz niya.

"Okay lang ako. I just cant believe na ganun magi-end up yung relationship namin ni Timothy." Sagot ni Venice

"Panu yan, ngayong wala na si Timothy at nagtago-tago na sa US, sinu na papalit sakanya sa The Virtue?" tanong ni Dom

"Ewan, sabi ni Sean may bago daw silang isasali... Galing sa korea." sabi ni Shania.

Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Venice. "Omg!! Baka si Chanyeol siya... O kaya si jimin! O kaya si Mark."

Oh diba kanina BH yan pero iba talaga mga koreans na pinaguusapan, nakakalimutan niya problema niya.

"Haay naku, hindi ko talaga magets kung bakit nahuhumaling ka diyan sa mga baklang yan. Magkakamukha lang naman." Sabi ni Donna na ikinainis ni Venice.

"Hindi sila bakla!" sigaw ni Venice.

"Okay sabi mo eh, chill ka lang. Pero ayos na ring ituon mo yung atensyon mo sa kanila kesa magluksa ka kay Timothy na isa ding bakla." pailing iling na sabi ni Donna na ikinatawa ko. Ang bad niya talaga!

"Tss basta hindi sila bakla! Pero tama ka ,si Timothy bakla talaga yun." sabi ni Venice. Bitter???

"Nga pala Chelsea, anu meron sa inyo ni Charles... Kayooo haaa... Yieee." pangaasar sakin ni Donna.

"Wala. Friends kami." sabi ko na totoo naman.

"Friends daw...yieeeeee!!!... Kilig pwet siya." sabay sabay na pangaasar nila.

-_-

Abat pinagkakaisahan ako.

"Donna!!? Tapos na ba kayo sa ginagawa niyo. Kung tapos na kayo manahimik na lang kayo!" sita samin ng Teacher namin. Nagulat naman si Donna at tinignan na lang niya yung Teacher at tumango. Lagi na lang siya yung sinisita ng mga teachers. Siya daw kasi pasimuno pero ang totoo ayaw lang sakanya ng mga teacher kasi sinasagut sagot niya lang sila.

"Tapos na po kami Miss Jay. TAPOS NA." Sagot ni Venice sa teacher namin. Natahimik naman lahat sa hugot ni Venice.

Pero binasag din agad ni Donna ang katahimikan.

"Tapos na kaming gawin yung bagay na hindi niyo man lang tinuro samin." sabi ni Donna sabay smirk.

Namula naman sa galit si Miss Jay. "Labas!!" sabi niya kay Donna.

"Hindi mo na kaylangan sabihin, lalabas talaga ko. Wala namang nangyayare dito, sayang lang oras ko dito. Na sasayang sa walang kwentang Teacher." kinuha niya na ang gamit niya.

Sumama ako sakanya sa pagtayo. Kaya tumingin din sakin lahat. "What? Why are you looking at me? Tama naman si Donna wala namang kwenta tong klaseng to." sabi ko

Napangiti naman si Donna sakin pero yung itsura ni Dom kabado di niya alam kung susunod pa ba samin. Si Shania naman kinuha na rin ang gamit niya.

"Anu pa bang tinutunga-tunganga niyo diyan." Nagulat naman kami sa nagsalitang si Venice.

Ang gaga nauna na sa pintuan!

"Oo nga... Di ko nga alam pinapagawa satin e. Tara alis na tayo." sabi nung classmate naming babae.

"Oo tara na girl. Nauna na rin naman ang prisedent natin e." sabi nung isa.

Bago kami lumabas lahat nakita ko naman yung maputlang mukha ni Miss Jay. Tsk tsk sumbong ko kaya to kay Ryan. Kung hindi niyo naitatanong, board member kaya yung tatay ko dito.

Chasing ChelseaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon