Chapter 1

16 2 0
                                    

Aian

Sabi nila, kahit ano man ang edad mo, napapasubok ka sa tadhana ng pag-ibig. At minsan, di mo ito mapipigilan, o di mo namamalayan. Di mo namamalayan na magkagusto sa isang tao, di mo mapipigilan na mahalin yung taong iyon.

Nung 5 years old ako, naging ring bearer ako sa isang wedding. First time ko yun, edi wala akong kamuwang-muwang sa gagawin ko.

Isang oras bago mag-umpisa yung kasal, kailangan kumpleto yung entourage para maayusan at masabihin kung ano ang gagawin.

Si mama ko yung nagbihis sa akin nun kasi ayokong magpabihis sa mga ibang tao dun.

"Ang pogi pogi talaga ng anak ko! Siguro paglaki mo, maraming maiinlove sa'yo!" sabi ni mama habang inaayos yung polo ko.

Dumating na yung wedding coordinator. Sinasabi na niya sa lahat yung ayos ng program at kung ano talaga yung gagawin namin.

"Mmm... at si baby boy Gjames, susunod ka pagkatapos ng mga flower girls. Mamaya na namin ibigay yung rings." sabi niya. Medyo naintindihan ko yung sinabi niya. Medyo lang naman.

"Oh, anak, lakad lang ha? Huwag kang tatakbo. Mag-smile ka para makita nila yung malalim mong dimples, ha?" sabi ni mama.

"Opo, ma." sagot ko sa kanya at ngitian ko na din.

Nag-umpisa na yung kasal. Pinapila na kami para mas maayos yung sequence. Nasa likod na ako ng mga flower girls. Ang dami nila!

Biglang may dumating na isa. Late. Nakabihis na lahat lahat. Pwinesto siya sa harap ko. Pero, wala yung basket of flowers niya. Pinuntahan ko si mama. Malapit naman siya.

"Ma! May late na flower girl. Wala siyang basket!" sabi ko.

"Ahy, ito! Ikaw nalang magbigay. May aasikasuhin lang ako anak. Yung sinabi ko sa'yo. Lakad at ngumiti." paalala ni mama at binigay niya yung basket na may mga petals at isang buong bulaklak.

Nagtaka ako, bakit may isang buong bulaklak? Kinuha ko nalang at nilagay ko sa bulsa.

Nang makabalik ako sa pila, nahihiya akong ibigay sa babae yung basket. Pero, sabi ko, kaya ko 'to.

"Uhh... bata..." sabi ko at kinalabit ko siya.

Tumalikod siya. Tumigil saglit yung mundo. OMG. Ang ganda niya! Haba ng pilik mata. Red rosy cheeks. Ang cute pa nung smile niya. Waaah!

"Bakit po?" mahinhin niyang sinabi.

Natulala ako saglit. "Ahy! Ito oh. Yung basket mo." sabi ko at binigay ko sa kanya.

"Salamat po." sabi niya at kinuha niya.

Woah. Tumibok yung puso ko. Is this love?

Nagsimula nang magmarch yung mga flower girls. Natutulala pa rin ako. Grabe.

"Hoy! Bata! Ikaw na!" tinulak ako ng isang batang lalaki sa likod ko. Ako na pala.

Lakad. Ngiti. Inaalala ko mga sabi ni mama sa akin. At dahil lang sa flower girl na 'yon, napangiti ako pagpasok.

Habang papalapit na ako sa altar para ibigay sa pastor yung mga singsing, nakita ko siya, nakatingin sa akin. Ngumiti siya at nag-hi sa akin. Nginitian ko din siya kahit medyo bungi-bungi ako.

Pupuntahan ko sana siya, pero may pumigil sa akin.

"Baby boy, doon kayo uupo, sa kabilang side." sabi nung wedding coordinator.

Bigla akong nalungkot at pumunta sa kabila. Naalala ko, may bulaklak pala sa bulsa ko. Hmmm. napaisip ako.

Paano kung ibibigay ko 'to sa kanya tapos tanungin ko pangalan niya? Sabi ko sa sarili ko.

Hinintay kong matapos ang programa at agad-agad akong tumakbo papunta sa kaniya sa altar.

"Bata! Bata!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.

Tumalikod nanaman siya. Eto nanaman yung scene na 'to eh. "Bakit po?"

"May... May..." nahiya akong sabihin sa kanya na may ibibigay ako sa kanya.

"Ano po yun?" tanong niya sa akin.

"May... uhh... May ibibigay ako sa'yo." sabi ko.

"Ano po yun?" sabi niya at ngumiti siya.

Kinuha ko sa bulsa ko yung bulaklak at inabot ko sa kanya.

"Aww. Salamat po." sabi niya habang namula ang pisngi niya at inamoy yung bulaklak.

"Uhh... anong pangalan mo po?" tanong ko.

"Ako si Vash." sabi niya at ngumiti siya. "Ehh, ikaw ngay po?"

"Ehh.. ako si... uhh... Aian." sabi ko.

"Ang sweet mo naman, Aian." sabi niya at kiniss niya yung cheek ko.

Tumigil yung ikot ng mundo sa segundong yun. Di ko maexplain yung nangyari.

"Woah." natulala ako at napatingin sa kanya. Nakangiti lang siya. "Ehh, kasi naman, ang ganda mo ehh." sabi ko tapos nag-blush siya.

"Hihi. Ang pogi mo din, Aian." sabi niya at sobrang namula ako. Ngitian ko siya. Nginitian din niya ako.

"Vashti anak! Let's go na!" tumawag yung nanay niya.

"Opo nay!" sabi niya sa nanay niya.

"Sige, Aian. Sana magkita ulit tayo." sabi ni Vash sa akin.

"Oo yan, Vash. Tiwala po." sabi ko at niyakap niya ako bago umalis. "Ingat ka ah."

"Opo, Aian." sabi niya at pumunta na siya sa nanay niya.

Kinagabihan, nakauwi na kami.

"Anak, sino yung batang kausap mo kanina sa altar?" tanong sa akin ni mama.

"Ahy, ma! Yung na-late na flower girl po kanina. Si Vash." sabi ko sa kanya.

"Wow, anak! Bata-bata mo pa dumada-moves ka." sabi ni papa at ginulo niya yung buhok ko.

"Eh kasi naman papa ang ganda ganda niya ehh." sabi ko at umupo sa sofa.

"Bata palang yung Aian ko, may naiinlove na sa'yo at naiinlove ka na ah." sabi ni mama at niyakap niya ako. "Baka mamaya, mana ka sa tatay mo ehh."

"Hoy! Pag 'yan mana sa akin..." sabi ni papa at tumabi sa akin.

"Ano po pag mana ako kay papa?" tanong ko kay mama.

Nalungkot bigla si mama, pero biglang napangiti. "Pogi din naman kasi papa mo. Namana mo yung dugong Santos ehh."

"Dugong Santos." binulong ko sa sarili.

"Alright, tulog na ang baby boy Santos ko." sabi ni papa at binuhat niya ako papunta sa kwarto ko.

"Good night, anak." sabi ni papa nang mahiga na ako at kiniss niya yung forehead ko.

"Good night, papa." sabi ko kay papa bago siya umalis sa kwarto ko.

Bago ako natulog, naisip ko, anong meron sa dugong Santos? May something ba sa dugo na nasa akin? Di ba sapat na namana ko ang itsura sa dugong Santos?

It Wouldn't Be EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon