Chapter 8

16 2 1
                                    

Dylan

"Edi bro, anong balak mo ngayon? Manlalandi ulit?" tanong ko kay Aian habang naglalaro ng Tekken.

"Tsss. Bat pa ako manlalandi kung ako ang unang nilalandi?" sagot naman neto.

"Woooh! Kapal ah!" sabi ko at sinagi ko siya para matalo.

"Utot mo! Ang tagal mo ding walang nilalandi ehh!" sabi niya at sinipa ba naman niya ako. Grabe siya oh! Natalo tuloy ako.

"Hahaha! Yan kasi!" asar ni Aian habang tumatawa siya.

"Daya mo din 'no? Lahat ng laro dinadaya mo ako." sabi ko at tumayo na ako.

"Hoy! Di naman kita dinadaya sa laro ng pag-ibig ah! Kahit ikaw ang Heartbreaker King, daig ka pa ng Casanova Boy eh!"

Knock! Knock!

"Mga anak. Tulog na kayo. May pasok pa kayo bukas." sabi ni mama sa amin pagbukas niya ng pinto.

"Opo ma. Matutulog na po kami." sabi ni Aian.

"Good night, boys."

"Good night, ma."

The next day...

Recess na. Haaay. Nakakapagod talaga pag Math ang first subject eh. Pigang-piga na yung utak ko sa quiz namin.

Pinuntahan ko muna yung classroom ni Aian para humingi ng pera. Mapagbigay siya eh. Pagkasilip ko palang sa door, may nakita akong grupo ng mga babae. Familiar sila.

"Uy. Sino yung nasa door? Wag kayong sabay-sabay tumingin." bulong ng isa. Tumingin lahat sa akin. Medyo namumukhaan ko na sila.

"Familiar siya. Baka higher year." bulong ng isa.

"Baka may hinahanap lang siya."

"Mga shunga kayo! Kuya 'yan ni Aian!"

"So, kilala mo? Close kayo?"

"Kausapin mo. Kilala mo. Baka hinahanap niya si Aian."

Lumapit sa akin yung isa sa kanila. Yung babaeng nagtatago sa likod ng mga kasama niya. Si Sophia.

"Bakit po, Kuya?" mahinhin niyang tanong sa akin.

"Nasan si Aian?" tanong ko.

"Uhh... Lumabas po ata sila ng mga boys. May pinabili po kasi yung adviser namin sa kanila." sagot nito.

"Ahh. Sige salamat. Ako na bahala. Salubungin ko nalang siya mamaya." sabi ko at umalis.

Habang naglalakad papunta sa gate, may nakita akong ID.

QUEEN ACE J. SPADE
III-DEMURE (ARTS)

Wooow. Sosyal naman ang name. Pero III-Demure na Arts? Kabilang section lang 'to sa section ni Aian na III-Austerity.

(Just so you know, nasa Arts program si Aian, specifically specializing in the field of music. Ako naman, I'm in the Journalism program.)

So, dinala ko muna yung ID sa Student's Assistance Office. Bago ko muna ito ibigay sa office, tinignan ko muna yung paligid ko. Baka andito yung may-ari ng ID. May nakita akong babaeng nakaupo sa bench. Hmmm...

Ang tagal mo ding nawalang nilalandi eh!

Ugggh! Aian!

Nilapitan ko yung babae. Try ko lang kung kaya pa ng powers ko.

"Hi Miss. Ikaw po ba si Queen Ace J. Spade?" tanong ko.

"Ahy hindi po. Kaibigan ko po siya. Andyan po siya sa loob ng office." sabi ng babae at tinuro ang kaibigan.

"Ahh. Eh kasi, napulot ko yung ID niya sa may papuntang gate eh." sabi ko at pinakita ang ID.

"Ahh. Sige po, Kuya. Tawagin ko nalang po siya." sabi niya at pumasok sa loob ng office para tawagin ang kaibigan nito.

Sa totoo lang, maganda si Ace. Halatang may lahi sa itsura at sa pangalan. Can't wait to meet her in person.

"Friend! Nandito yung ID mo. May nakapulot." narinig kong sabi ng babae sa kanyang kaibigan habang papalabas ng office.

"Phew! Buti naman may nakapulot. Kilala mo ba?" maligayang wika ni Ace.

"Oo! Si ano... si kwan... ano ulit name niya?" tanong ng babae naman malapit na sila sa pintuan.

Hindi ko na narinig ang usapan nila sapagkat nakita ko na sila sa harap ko, tulala sila. Nakatingin yung babae sa akin at iniisip pa rin ang aking pangalan, samantalang si Ace, seryoso naman ang tingin niya sa akin.

"Uhh, ikaw ba si Ace?" tanong ko sabay abot sa kanya yung ID niya.

"Thank you, Kuya D." sabi niya at ngumiti lang.

"Friend, CR muna ako." bulong sa kanya ng kaibigan niya at agad namang umalis.

Lumingon agad sa akin si Ace at nagwika, "Hello, Mr. Heartbreaker King."

"Hello, Ace. How may I help you in the name of love?"

"Wala po. I just simply know by who you are and what you are."

"Oww really? Haha. Edi kung ganon, ano yung full name ko?"

"Hahaha. Easy, boy." masaya niyang sinabi at derederetso niyang sinabi, "Candylado Iñigo Cassymir Roma-Santiago Jr."

Woah. How? Natulala at napa-nganga pa ako dahil derederetso niyang binanggit ang pangalan ko na hindi nagkakamali.

"Okay okay. Tama na yan. Ikaw na." sabi ko at pinalakpakan ko nalang siya. "Anong pwede kong maitulong sa'yo?"

"Hmmm... You're step brother is the well-known Casanova Boy, right?"

"Yeah, why? Wanna play the game?"

"Yeah, sure. I would want to. But, I wanna play with the boy than the king as of now."

"Haha. Okay. I'll tell him about this later when I see him."

"No. I'll take care of the announcement. Just run along and find your 'queen'." sabi niya at umalis.

Grabe. English. Nosebleed. Woooh.

Run along and find your queen? My queen? Sino naman yung queen ko kung hindi si Ace?

It Wouldn't Be EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon