Chapter 7

7 1 0
                                    

Aian

Isang open forum. Isang forum ang tumambad sa akin, at para sa akin. Sinasadya nila 'to eh.

Di ako naaaliw sa mga ganyan. Actually, nahalata kong gawa-gawa nila ang mga kwento kasi hindi ako nasaktan. Hindi tumatalab sa akin yung binibitawan nilang mga salita na 'patungkol sa akin'. Haaay. Ganon lang 'yun.

Bzzt! Bzzt!

1 Message Received from Kinse ❤️💔

Kinse ❤️💔: Oh, eto na. Katatapos kumain. Nakahiga na ako.

Ako: Ahh, mabuti naman, Amber.

Kinse ❤️💔: Opo, sir.

Ako: Oh, okay ka lang? Ang tamlay mo naman.

Kinse ❤️💔: Mmm... Opo, sir.

Ako: Sige. Tulog na ako.

Kinse ❤️💔: Wait... Aian... 😭

Ako: Oh, bakit?

Kinse ❤️💔: Aian... di ko na 'to kaya. 😭

Ako: Anong nangyari?

Kinse ❤️💔: Yung open forum kanina. 😭

Ako: Alah. Wala naman silang masyadong masamang sinabi sa'yo. Ang bait bait mong tao eh. Iilan lang naman ang naglabas ng sama ng loob sa'yo eh.

Kinse ❤️💔: Hindi yun Aian. 😭

Ako: Edi ano?

Kinse ❤️💔: Ikaw Aian. 😭

Ako: Oh, bakit ako?

Kinse ❤️💔: Alah, Aian. 😭 Di ko alam kung anong masasabi ko sa'yo.

Ako: Sinabi mo na lahat kanina, Amber. Narinig ko lahat.

Kinse ❤️💔: Narinig mo lahat? Lahat? Pero bat di ka nasaktan?

Ako: Kasi alam kong ikaw ang masasaktan sa gagawin niyo. Trinaydor mo ako Amber.

Kinse ❤️💔: Sorry na po Aian. 😭 Ayoko na kasing maglaro. Ayoko nang makipagsugal sa'yo kung alam ko sa huli ay di ako magtatagumpay.

Ako: Kung ayaw mo na maglaro, alis ka na. Sumuko ka na! Alam mo pala na hindi mo kaya, sinugal mo pa ang puso mo!

Kinse ❤️💔: Kanina pa ako sumuko... sa open forum. Bobo kasi ako.

Ako: Oo nga. Ang bobo mo para gawan mo ako ng kwento. Kwentong hindi naman totoo! At hindi lang ikaw, pero kayong lahat!

Kinse ❤️💔: 😭😭😭

Ako: Magsama-sama na kayo. Game over na, Amber. Goodbye.

-no reply-

15 down, 2 more to go.

Knock! Knock!

"Uy bro!" sabi ni Kuya Dylan pagkapasok niya sa kwarto ko.

"Bro." maligaya kong sinabi sa kanya.

"Ano na? Musta na kayo ni..." di ko na pinatapos yung sinabi niya.

"15 down bro." sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

"Hah?! Ang bilis naman bro!" laking-gulat niyang sinabi sa akin. "Hooow?"

"Wala." ang simpleng sagot ko.

"Wala? Wala! Parang ito ang unang laro na wala kang ginawa! Seryoso ka?!" duda ni Kuya.

"Oo nga Kuya! Wala talaga akong ginawa! Si Amber na ang sumuko. Natakot na siya. Surrender bro!" sabi ko. "Open forum pa ang nais."

"Open forum? Open forum ang ginawa nila?!" sabi ni Kuya at tumawa kaming dalawa.

"Oo bro!" sabi ko at naghigh-five kami.

"Bobo 'no?"

"Bobo talaga. Ganon din ang 'kwento' ni Amber tungkol sa akin eh."

"Ahy weh?! Mga tsismosa talaga ang mga babae 'no?"

"Oo! Sabi nga niya sa akin eh sinabihan ko siya ng 'bobo' nung exams. Di ko pinapakinggan yung mga pinagsasabi nila. Pinagkaisa ko lahat ng mga ex ko bro!"

"Hahaha! 'Yan ata yung pinag-uusapan nila kahapon diba? Oo! Galing mo bro!"

"Syempre mana sa'yo!"

"Oh, tapos? Anyare na ngayon?"

"Ito. Basahin mo nalang convo namin ni Kinse." sabi ko kay Kuya at binigay ko yung phone ko.

"Hmmm... Mmm. Grabe ka naman bro! Nagiging harsh ka na."

"Haha! Ganyan dapat tapusin! End it in the best way possible."

"Ang lala mo naman! Mas harsh ka na sa akin."

"Bakit ba bro?! Bakit ka ganyan?!"

Natahimik lang si Kuya.

"Woah, Aian. Chill. Huminahon ka." kalmadong sinabi ni Kuya.

Inhale. Exhale.

"Alah, Kuya, sorry po. Di na po mauulit. Ayokong makipag-away sa ngayon." sabi ko nang kumalma ang kumukulo kong dugo.

"Hay nako, my little brother needs to find his true love na!" asar ni Kuya.

"Hay nako, my big brother also needs to find his true love na!" asar ko kay Kuya.

"Pero..."

Nagtinginan kami. Yung evil stare. Squinted eyes. Evil smirk. Mutual minds.

"Hindi pa tapos ang larong ito." seryosong sinabi ni Kuya at nakita ko ang pagdilim ng kanyang mga mata.

"Hangga't tayo pa rin ang Heartbreaker King at ang Casanova Boy, hindi pa tapos ang larong ito."

It Wouldn't Be EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon