Chapter 1

1.4K 17 0
                                    

     Chapter 1 💋

Trabaho


***
EDITED
***

"Tao po!!! Tao po!!!" Katok ako ng katok sa pintuan ng bahay ng kaisa-isa kung best friend. Aksidente ko syang nakilala sa palengke. Bibili sana ako ng uulamin namin para sa tanghalian at hapunan. Nang kukunin ko na sana ang kaisa-isang karots na natira ay naunahan nya ako. Nag-away pa kami dahil doon, may karots naman sa ibang tindahan pero yun ang nagustohan ko. Paglabas ko ng palengke dahil tapos na din akong bumili ng lulutuin para sa tanghalian ay na kita ko sya na hirap na pinapasakay sa jeep ang mga de karton na bagahe, kaya nilapitan ko at tinulungan sya. Nagkasundo din naman kami kaya palagi akong nasa kanila.

"Teka lang!!! Pababa na!!!" Sigaw pa balik ng nanay ni Mizary.

Pagkabukas nya ng pinto ay lumaki ang mata nya sa gulat. "Diyos ko! mga bata kayo. Gabing-gabi na naglalakwatsa pa kayo."  Sabi nya.

"Tita Miya, gising pa ba si Mizary?" Tanong ko na sinagot naman nya agad. "Tulog na sya. Dis oras naman na kasi ng gabi. Oh, ba't kayo na punta dito? 'Di ba kayo hahanapin ng mga magulang nyo?"

"Wala naman po silang pakialam sa amin eh. Tita, pwede po bang makituloy muna pansamantala. Lumayas po kasi kami sa bahay. 'Di ko na po maatim na sinasaktan ni nanay ang mga kapatid ko." Sabi ko sa nanginginig na boses.

"Hay na ko Thalia Allia Cimafranca. Sinabi ko na sayo dati na isumbong mo na ang nanay mo pero 'di mo na gawa. Sya sige, umakyat ka na at ilagay mo na ang mga bagahe nyo doon. Gagamutin ko muna ang pasa ng mga kapatid mo, baba ka kaagad para ikaw din magamot ko.'' Mabait na nanay si Tita Miya. Nanay na nga din ang tingin ko sa kanya at kapatid na ang tingin ko kay Mizary. Ulila na sa ama si Mizary, may iba na itong pamilya. Hindi naman kinasal ang papa at mama nya kaya hindi na mahirap na maghanap ito ng iba. Si Tita naman sa pagkakaalam ko ay may masugid syang manliligaw na mayaman. Hindi naman sila mahirap ni Mizary pero hindi din ganoon ka yaman.

Pagbaba ko ay nandon na si Mizary na umiinom ng gatas. Tinignan ko ang orasan na nagsasabing alas dos na ng madaling araw. "Tita, sorry po talaga sa distorbo. Bukas na bukas po ay maghahanap ako ng trabaho. Maghahanap na din po ako ng apartment na mauupahan." Ako habang papababa na ng hagdan.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon