Kabanata 45

34.6K 681 176
                                    



"Yup, baka bisitahin na lang kita rito kapag nagkataon.." Ani Dok.

Tumango na lamang ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Sayang naman at aalis na kayo agad.."

"Makakapag-bonding pa naman tayo at may tatapusin pa akong consultation ngayong week. Sa next week pa naman ang alis ko.." Sabi pa ni Dok habang umiinon ng frappé niya.

Para ba akong nanghihinayang. Hindi ko naman alam na aalis na pala siya next week at doon na maninirahan sa Amerika kasama ng mga magulang niya.

"Don't worry, Liz mamimiss naman talaga kita.."

Napatigil sa pagsasalita si Dok. Alvin nang may magsalita sa harapan namin. "Good Morning, Ito na po 'yung cremé n'yo po.." Sabi ni Zach at tumango lamang si Dok. Ako naman ay hindi mapalagay sa kinape-pwestuhan ko. Hindi ko alam.

"Mamimiss rin kita Dok.." Sabi ko. Batid ko na napatigil sa ginagawa si Zach pero wala na akong pakialam pa 'ron.

"Sana bago ako makaalis, makadalaw ako sa mga anak mo.. You know, napalapit na rin ako sa dalawang anak mo.."

"Opo naman Sir. This weekeend kapag wala kayong ginagawa pwede n'yo po kaming puntahan or..."

Napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita si Dok at binalingan ng tingin si Zach na nasa harapan pa pala namin at hindi pa naalis. Hindi ko napansin.

"Pare, bakit nandito ka pa?" May pag-uyam na sabi ni Dok.

Hindi na sumagot si Zach at tumalikod na. Nakabangga pa nga ito ng kapwa niya crew.

"Sorry Liz, kanina pa kasi 'yung lalaking 'yun eh.."

Ngumiti ako. "Okay lang po, Dok.."

"Basta ah, sa weekwend, pupuntahan ko kayo.."

Umalis na rin kami sa coffeé shop matapos nang saglit na usapan. Hindi ko na rin nakita pa si Zach na malamang ay nasa loob ng opisina. Balik trabaho na nga kami at As usual, paikot-ikot ako sa mga kwarto para mai-check ang lagay ng mga pasyente.

Alas dose ng tanghali ay tapos na rin ang duty ko kaya papalabas na sana ako ng hospital nang mamataan ko ang sasakyan ni Zach. Bumaba ito at mabilis na sinalubong ako.

Ngumiti ito. "Tara na?"

Tumango ako at sumakay na sa kotse niya. Binalot ng katahimikan ang sasakyan, pero binasag niya na rin ang katahimikang iyon nang ma-traffic kami bandang kalaw. "M-May boyfriend ka na pala?"

Napatigagal ako sa tanong niya. "A-Ayos ah, mukhang miss na miss n'yo na isa't-isa.."

Bahagyang napatawa ito. "Napakayabang ng syota mo, baka isang suntok ko lang, mapatumba ko na 'yon.." Pagmamayabang nito.

Wala sa sariling napairap ako. "Ano naman ngayon? Bakit parang nagagalit ka? May dapat ka bang ikagalit?" Tanong ko.

Napatigil si Zach at pihado akong sapul siya sa sinabi ko.

"I'm sorry.." Sabi niya at hindi na rin ako umimik pa.

Pagkarating namin sa eskwelahan ay bumaba agad ako para hintayin ang paglabas ng mga anak ko. Naramdaman ko rin si Zach sa tabi ko na may dalang payong, "Mainit. Maiinitan ka.." Aniya at pinayungan ako. Hindi na rin ako umawat pa 'ron.

Mayamaya lamang ay nakita kong papalabas na ng klase ang dalawang anak ko na magka-akbay at masayang nagke-kwentuhan. Nang makita nila ako ay agad silang tumakbo patungo sa akin. "Mama!"

"Baby..."

"Mama! Nibayaran mo na pala yung tickets natin sa fieldtrip? Mama! Sabi ni teacher masaya daw 'don sa Subic.." Napangiti ako sa malakas na boses ni Travis. Ang ingay kasi nito habang si Troy naman ay sinama ng Papa niya sa gilid para bumili ng ice cream.

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon