Kabanata 47

35.1K 710 73
                                    


Hindi ko maiwasang hindi magulat.

"Malaki ka na Will! Mas malaki ka na sa akin.." Sabi ko, ngumiti naman ito at napabaling ang tingin sa mga anak ko.

Nawala ang ngiti nito at kunot noong lumapit sa mga anak ko. "K-Kuya.."

Mas humigpit pa ang hawak ng dalawa kong anak lalo na si Troy, may pagkamahiyain rin kasi si Troy sa ganitong mga pagkakataon.

Ngayon pa lamang ay may namumuo nang ideya sa isipan ko. Base pa lamang sa tingin na ibinibigay ni Will s amga anak ko ay alam kong may napapansin na siya. "M-Mama.."

"T-They are twins?" Tanong naman sa akin ni Will.

Tumango ako at siya naman ay lumuhod na para magpantay ang tingin sa dalawang anak ko. "Woah! Little Santos."

"Little Santos?" Tanong ni Trav.

Napangiti naman ako nang makita kong kunot noo ang anak ko. "What are your names?" Ngiting tanong naman ni Will sa dalawa.

Bago sumagot ay tumingin sa akin ang dalawang anak ko, ngumiti ako at saka tumango. "M-My name is Travis, and he is my Kuya Troy.."

"Woah! I can't really expect this! Naka-jackpot pala ng kambal ang kapatid ko!" Sabi ni Will.

"M-Mama sino siya?" Tinignan ko si Troy na nasa tabi ko.

"Baby, he is your uncle. Kapatid siya ni Papa?"

"Ni papa?"

Tumango ako.

"Eh, di Tito po namin siya?" Tanong naaman ni Trav.

Ewan ko ba pero biglang napatawa si Will. "Anak nga ni kuya!" Halakhak niya at ginulo ang buhok ng mga anak ko.

"Bakit pala nandito ka sa Manila?" Tanong ko, hindi ba't taga laguna siya?

Kibit-balikat ito at kinuha ang cellphone niya. "Dito ako nag-aaral sa Manila. 2nd year college na ako sa UST Ate," sabi niya. Oo nga pala, hindi ko napansing nakasuot pala siya ng uniform nila sa UST.

"Parang kailan lang napakaliit mo pa.." Natatawang sabi ko.

Kumamot lang naman siya ng ulo niya. "Can i call my mom?" Itinaas pa niya ang cellphone niya at ipinakita pa sa akin. "Matagal ka na niyang gustong makita at makausap Ate."

Tinignan ko ang dalawang anak ko na tahimik lamang na nakamasid. "N-Ngayon na ba?"

Tumango ito. "Yup."

"S-Sige."

Kinausap na niya ang Mama niya habang ako ay nakatingin ng diretso sa dalawang anak ko. "Mama? Toms world na po ba tayo?" Tanong ni Troy.

Napasinghap ako. Ngayon ang usapan namin na magto-toms world kami. "Ate, ano tara na?" Sabi pa ni Will.

"Pwede bang mga thirty minutes pa? Gustong-gusto kasing maglaro ng dalawang anak ko sa toms world." Sabi ko kay Will.

"Sure."

Mabilis na nagpalagayan ng loob ang tatlo. Masaya ring kasama si Will dahil napakaraming kwento sa dalawang anak ko.

Kasalukuyan kami ngayon na nasa Tom's world at naglalaro sila ng basketball na tatlo. "Woah! Sigurado ako basketball player kayo paglaki mga tsong!" Sabi ni Will.

Ako naman ay nanunuod lamang sa ginagawa nila.

Mahinang napabuntong hininga ako. Kinakabahan ako na hindi ko malaman. Last week. Sinabi sa akin ni Zach na ipakikilala na niya ang mga bata sa pamilya niya pero hindi kami natuloy.

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon