Wakas

59.4K 900 109
                                    

Womanizer Series V: (Troy Ethan M. Santos - SAME MISTAKES) https://www.wattpad.com/story/74400454

Womanizer Series VI: (Travis Jacob M. Santos - WITH LOVE) https://www.wattpad.com/story/75337992

"Anong kasal? I am not in love in that woman mom! What are you saying?!" I said.

"Christine is pregnant! Ano? Wala kang balak na panindigan ang kalokohang nagawa mo?"

Binalingan ko ng tingin ang tahimik na si Papa sa tabi. "Papa! ano 'to? This is not a good joke pa."

"Hindi rin kami nagloloko ng Mama mo, Zach! Matagal ka na naming pinagsasabihan na itigil mo na ang paghahanap ng babae! Okay na nga kami kay Lizette, pero anong ginawa mo sa kanya? Sinaktan mo lang!"

Sapul ako sa sinabi ni Papa. Napatahimik ako at halos mawalan na ng lakas sa sinabi niyang 'yon. Papa is right. Ang babaeng mahal na mahal ako ay sinaktan ko lang.

I know how stupid i am. Nasa akin na nga, pinakawalan ko pa. Sa totoo lang, kasalanan ko talaga ang lahat ng ito. I made a decision before na kapag nakuha ko na ang gusto ko sa babae ang hihiwalayan ko na ito, pero nang dumating si Lizette sa buhay ko ay tila ba nagbago na ang lahat.

Aaminin ko, hindi ko ginawang biro ang lahat simula nang aminin kong may gusto ako kay Liz at maligawan ko siya.

Sa bawat panibagong araw na sumasalubong sa akin kasama si Lizette ay para bang nagiging kumpleto na ang buhay ko. Lalo na nang sagutin niya ako.

Tandang-tanda ko pa nang sagutin niya ako nang araw na iyon. April 29 is the best day of my life. Officially, we are now a couple.

Sobrang saya ko nang sagutin niya ako. Sa totoo nga lang, hindi ko na nga yata alam ang ginagawa ko noon sa sobrang saya. Katunayan nga, bumili pa ako ng condoms sa mercury drug kasama siya, ang akala ko kasi, kapag sinagot na niya ako ibig sabihin, may gagawin na kami, pero nagkakamali pala ako. Hindi pala talaga siya tulad ng ibang mga babae na napakadali lang kunin at napakadali lang mapasa akin.

"Kung hindi ka ba naman gago! Eh, di sana walang ganito! Ayokong masira ang pangalan nating lahat nang dahil lang sa kagaguhan mo, Zach!"

Itinaas ko ang paningin ko sa kisame ng bahay. "Papa, h'wag naman ganito.."

Nang ibaling ko ang paningin ko kay Papa ay umiiling-iling na siya. "Ibigay mo sa akin lahat ng cards mo, ibalik mo na ang condo mo sa akin, simula ngayon, bahala ka na sa buhay mo! Napakalaki mong tanga! Matagal ka na naming pinagsasabihan!"

Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga. "Papa, please."

"Kung hindi mo gagawin ang pinapagawa ko sa'yo, ay bahala ka na talaga sa buhay mo."

After that conversation with my parents. Umuwi ako sa bahay naming dalawa ni Liz.

Tama nga talaga ang sinasabi ng karamihan na, nasa huli ang pagsisisi. Dahil ngayon, sising-sisi ako sa ginawa ko.

Nakuha ko na ang gusto ko kay Liz kaya nagawa ko na siyang ipagpalit, hindi na ako nagulat pa nang malaman niya ang bagay na iyon, dahil ang totoo nakita ko siya sa office kanina, and i know how hurt she is. Kitang-kita ko sa mga mata niya 'yon, pero ano pa bang magagawa ko? Nakuha ko na ang gusto ko sa kanya at mas pinili ko na saktan na lamang siya.

Umuwi nga ako past 2 am at hihirit sana ako ng isang round sa kanya nang makita kong umiiyak siya. What the hell?!

And this is the time na sabihin ko ang totoo, na may iba na ako na hindi na siya ang babae ko.

Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya pero wala akong magawa pa para doon, nasabi ko na kasi, at nagawa ko na sa kanya. Katunayan nga, ako pa ang naunang umalis ng bahay kaysa sa kanya.

LOVED YOU FIRST (Published Under Precious Hearts Romances) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon