Stanza III - Dancing with her

55 11 3
                                    

Since that day, When I saw her cry inside that haunted house, I felt like she needs me... somehow. It made me feel like I want to ease her pain... to wipe her tears away. That made me come up with the decision of staying beside her.

.

.

.

.

Though I am being ignored by her.

****************************************

[Clarence's POV]

Kakauwi lang namin galing mall nung salubungin kami ni Madam. 

"Hoy Lovers!" bungad niya sa amin. Lovers? Well... simula kasi nung dinala ko siya sa amusement park, lagi ko na siyang sinasama sa labas. Para lang sana aliwin siya. Kung saan saan ko na nga siya nadala pero ganun lang palagi ang mukha niya. Dedma  gaya ng dati.

"Pumunta kayo sa kwarto ko sa taas at may mahalaga akong sasabihin sa inyo. Kita na lang tayo mamaya mga LOVE BIRDS" aniya at saka umakyat. Hahaha!!! Talagang ipinagdiinan niya pa yung Love Birds ah. Nagpapatawa ba siya? Tsss.

Napatingin naman ako kay Aubrey para silipin ang reaksyon niya at...

.

.

.

.

-__- 

Blangko nanaman ang muka niya... Wala talagang pakialam... 

Pagkaakyat ni Madam, dumiretso na kami sa dressing room para mailapag ang mga naipamili namin sa mall. Nakakailang beses na kaming lumalabas na dalawa kaso walang pag-uusad pero sa di ko din malamang dahilan, di padin ako nagsasawa sa ginagawa ko kahit iniitsapwera niya lang ako. Pakiramdam ko nga... ah wala! wala!!! Imposibleng mangyari yun!

Nang maayos na namin ang mga gamit, niyaya ko na siyang umakyat.

"Tara na?" pag-aya ko tas tumango naman siya bilang pagtugon. Nauna akong naglakad sa kanya pero napahinto ako nang...

"Salamat." 

Tama ba iyon? Narinig ko ba talaga siyang nagsalita? dahan dahan akong lumingon sa kanya na takang taka kung totoo yung narinig ko o guni guni ko lang at nang makaharap ako sa kanya, nakatingin lang siya sa ibang direksyon pero namumula siya.

"I-ikaw ba yun?" tanong ko tapos tumingin siya sa akin... sa mga mata ko kaso parang nailang siya kaya tumakbo siya palabas ng kwarto. Ako? Ewan. Di na ako makakilos. Hanep na babae yan... -__- 

>>Madam's room<<

Pagkadating ko sa kwarto ni Madam, nandoon na nakaupo si Aubrey sa sofa. Nakayngo lang siya habang nakapatong sa tuhod niya ang mga kamay niya

"Bakit ngayon ka lang? Mauppo ka na dito." Ani Madam kaya naupo ako sa tabi ni Aubrey.

"Nakatanggap ako ng imbitasiyon mula sa pamilya ng mga Willford sa isang party na inihanda nila para sa kasal ng anak nilang babae na si Ahyesha at ninanais nila na kumanta kayo sa kasal na iyon." pagpapaliwanag ni Madam. 

"Kaya ko kayo pinapunta dito ay para ipaalam sa inyo na hindi kayo kakanta mamayang gabi para sa paghahanda niniyo sa okasyon bukas. Maliwanag ba?" dagdag pa niya.

"Opo Madam." sagot ko habang si Aubrey naman ay tumatango lang.

"Kung ganoon, ito ang kantang gusto nilang ihandog niniyo." pagkasabi niya noon ay may iniabot siyang envelope sa amin.

Binasa ko ang piyesa at ang kantang ipinapakanta niya sa amin ay "When God made you..." napalingon ako kay Aubrey nung magsalita siya. Teka... di ko ata alam itong kantang ito.

Aubrey (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon