Stanza II - Extraordinary Girl

54 10 4
                                    

It was a very strange way of meeting... I didn't even know that that meeting would turn my heart upside down...

******************************************************

[Clarence's POV]

And Aubrey was her name, 

A not so very ordinary girl or name. 

But who's to blame? 

For a love that wouldn't bloom 

For the hearts that never played in tune. 

Like a lovely melody that everyone can sing, 

Take away the words that rhyme it doesn't mean a thing. 

Simula na lang nung kumanta yan dito, lagi nalang kinakanta yan. Parang may gusto siyang iparating sa bawat mensahe ng kantang iyan... tas bigla siyang mawawala na parang bula, babalik na lang kinabukasan ng madaling araw. Di ba??? Ang wirdo niyang babae. Kainis lang? Masiyado tuloy akong naiintriga sa pagkatao niya kaya naman...

.

.

.

.

Pag-umalis siya, susundan ko siya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na din siya. At gaya ng dati, aalis nanaman siya pero ang di niya alam, nakasunod ako sa kanya. Pumasok siya sa kwarto niya kasabay ng paglabas ko... ayun, nasaktohan kong lumalabas siya sa bintana ng kwarto niya pero siympre, nagtago ako para di niya ako mapansin... pero bakit may hawak siyang tulips na yakap yakap niya pa? Ah ewan... masundan na nga lang. Mamaya mawala pa yan sa paningin ko. Pagkalabas niya ng bintana, agad siyan pumara ng bus na dumadaan... pag kasakay niya at nakita kong nakaupo na siya, sumakay na din ako. Nakasuot nga pala ako ng cap at shades para di niya ako mahalata. Planado yan tsong... hahaha!!!

Mga ilang saglit pa ang nakalilipas, pumara na siya... teka! Ba't sa tapat ng sementeryo? At ng ganitong oras? Di ba siya natatakot? Baka naman sangkot to sa drugs? Nakow!!! Masama yan! Pag ka baba niya, dahan dahan din akong bumaba at sinundan...

Pumasok siya sa may sementeryo at dahan dahang naglaakad. Ako naman, dahan dahan pa sa dahan dahang sinundan siya. Ang tahimik kaya dito... Konting maling galaw ko lang, bistado na ako. Mamaya may mga resback yan dito sa paligid, mamaty pa ko ng wala sa oras. Napahinto naman ako nung huminto din siya sa tapat ng isang Pang mayamang puntod. Di kaya??? Dinadalaw niya ba ang mga magulang niya? Eh bakit isa lang yung puntod? Tsss... pinapahirapan akong mag-isip ng babaeng to. Pumasok sa sa may gate nung puntod tas inilapag yung tulips na kanina niya pa hawak. pag kalapag niya, nakita kong may tumulong tubig galing sa muka niya. Di ko naman makita yung muka niya kasi nakaharang ang mga hibla ng buhok niya pero alam kong umiiyak siya. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang pinapanuod ang mga susunod niya pang gagawin... Sino kaya siya? at ano siya sa buhay ni Aubrey?

Ang tagal niyang nakatayo doon. Walang imik, wala ding ginagawa. Di ko marinig kung umiiyak pa din ba siya. Naglibot libot ako ng tingin sa paligin. Ibig sabihin, dito siya naglalagi sa mga oras na nawawala siyang parang bula? 

Paglipas naman ng 3 minuto, wala pading imik na nakatayo sa tapat ng puntod si Aubrey hanggang...

"Patawad... Sana di na lang ako umalis..." napatingin ulit ako sa kanya nung magsalita siya.

"Mahal kita pero naduwag akong piliin ka... Patawad." At pagkatapos niyang sabihin iyon, tinalikuran niya na yung puntod at lumabas ng gate pero sa halip na sundan siya, pinuntahan ko naman yung puntod. Lumapit ako dun para mabasa yung pangalan

Aubrey (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon