TMV 1. The princess

6 1 0
                                    

"Oh my! baka ma late ako! paki dalian nga Gina!" sigaw ko sa aking noblet or aking alila, noblet ang tawag sakanila.

"ito na po ang inyong bag mahal na prinsesa" inabot nya na sakin ang bag ko at pumasok na ako,

saktong 8:00 pm ay nasa shool na ako, syempre gabi! edi namatay kami kapag umaga!

"Hi princess!" bati sakin ng ilang babae, diretso lang ako at hindi sila pinansin.

"okay class our topic for today is all about human!" sabi ng prof. namin sabay sabay naman silang napa..

"hayy..." dahil sawang sawa na sila sa subject na to, ako hindi! dahil pangarap kong makipag friends sa mga tao, pero dahil prinsesa ako hindi ako pwedeng umalis sa lugar na to.

anyway ako si Claire Stephen Prinsesa ng Stephen world, haha joke lang! prinsesa ako ng South Vampire World at syempre kabilang ako sa Royal family, yung iba ko naman kaklse ay kabilang sa Noble family, mga may kaya o kayang buhayin ang mga sarili nila.

nakakapasok din naman sa school ang anak ng mga noblet ngunit pag tungtong nila ng 60 years old ay magiging alila na sila ng mga royal family. ako? duh! 20 years old pa lang ako nu! totoo yun!

"so what are humans?" tanong ng prof. namin duh? lahat naman alam yun!

"meron silang fresh blood, pero alam nyo naman na hindi dugo ng tao ang iniinom natin" tss.. napaka boring! alam ko na ang lahat ng to nu!

"humans, hindi natin maaaring inomin amg dugo nila dahil ipinagbabawal ito ng ating mahal na hari at reyna." he was refferring to my parents!

hindi na ko nakinig pa sa discussion nya, alam ko na din naman yun.

*kriiiiiiiinngggg*

yes! it's already 3:00 am! uwian na! imagine? 7 hours ang klase namin at iisang topic lang yun lagi! so boring!
---

"alam kong masakit ang nararamdaman nyo.." malungkot na sabi ng nanay kong reyna. sino kaya ang kausap nya?

"ito na pala ang nag iisa naming anak" sabi ng aking tatay.

"anak, ang hari at reyna ng North ay narito, mag bigay pugay ka."

humarap naman ako sakanila at nag bow.

"magandang araw po ako po ang Prinsesa ng South, kinagagalak ko po kayong makita" nginitian naman nila ako.

"anak, kailangan kasi nila ang tulong" napatango naman ako na nag sasabing okay.

"ang aming nawawalang anak labing siyam na taon na ang nakakalipas, itinakas iyon ng isang noblet at namuhay sila sa mundo ng tao, ang kwintas na nasa aking anak ay hindi ko alam kung suot pa nya, dahil kung suot nya pa ito ay masusundan agad namin ang kinaroroonan nya, Princess Claire, gusto mo bang maka punta sa mundo ng tao?" napasagot naman ako agad ako sa tanong ng Hari ng North.

"oo naman po mahal na hari, gustong gusto ko po" nag katinginan naman silang mag asawa.

"ikaw lang ang makakatulong samin Princess Claire.." nagulat naman ako, bakit ako?

"bakit naman po ako? meron naman po tayong mga Vladir" ang mga Vladir ay parang kawal o messenger o investigator parang ganun.

"wala din silang nagawa Princess Claire, at nag punta na kami kay Vladir Terry ngunit wala din syang natulong pero may nabanggit sya samin.." si Vladir Terry ay isang Fortune teller nalalaman nya ang ilang mga pangyayari.

"nasabi nya sakin na isang Prinsesa ang makatutulong samin, ikaw yun Princess Claire dahil ang West at East ay parehong lalaki ang anak nag iisa ka lang na Prinsesa." hala ka! kakayanin ko bang hanapin ang bampira na yun?

"papayagan ka namin pumunta sa mundo ng tao, kapilit nun ay hanapin mo ang nawawalang prinsipe ng North" napahinga naman ako ng malalim, tss! hayaan mo na nga atleast makaka alis ako sa lugar na to! hahaha.

"tinatanggap ko po" sabi ko at nag bow sakanila, wuuhh! excited na ko!

The Missing VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon